First Day (November 27, 2010 Saturday)

1.4K 0 0
                                    

                 Nagising ako ng 4:00 AM. After kong maligo bihis na agad. Tapos ng papaalis na ko, nagulat ako…sabi kasi ng mga kadorm ko “Galingan mo ah? Goodluck!” simple lang pero nakaka boost pa din ng morale lalo pa na hindi naman kami ganun ka close. Tanda ko medyo umaambon pa nun, papunta na ko sa Mcdo sa Morayta para magbreakfast, un lng naman ang 24 hrs at un lng din ang bukas that time (ang makasaysayng Mcdo, unang branch ng Mcdo sa Pinas, dito pa nga daw naging service crew si Richard Gomez…connect sa board??? Lalabas sa GEAS un joke hehe).

                Umorder na ako ng breakfast meal. Hot choco + ung Big Breakfast ata name nun…ung may fried rice, burger at scrambled egg plus nag pa add ako ng small French Fries. Then after kumain nag take-out naman ako para sa lunch ko. 1 pc. Chicken with rice and drinks. Mas maganda kasi may packed lunch na. 30 minutes lang talaga ung lunch break, pinababalik kasi agad ng mga proctor….hassle din naman kung lalabas ka pa ng school campus para kumain…mamaya malate ka pa para sa susunod na exam…di ka na pakuhanin…sayang naman.

                6:30 AM dapat nasa venue na daw, kaya umalis na ko after mag take-out…buti nkita ko si Popo sa Mcdo (college classmate) kasama isa niang kadorm, kaya may kasabay na ko papunta sa CCP at alam pa nila mismo ung HR building kung saan, nakapasok pala sila sa loob nung pinuntahan nila ung venue before. Nadinig ko pa ung isang kuya (service crew) sa Mcdo…ginudluck ung mga chicks na papaalis na sa pinto…alam pala niang board exam namin ^_^ 

                Ok naman ang byahe, naging school bus ng CCP ung jeep na sinakyan namin mula sa Recto pa Cubao, puro kami naka white, lahat magtetake ng exam hehe. Pero pagdating sa venue sarado pa ung gate ng CCP…ang daming mga nakaputi sa labas…nagaantay…buti nlng saglit lang ako nagantay at mayamaya binuksan nadin yung gate. Ok naman ang lahat ng biglang sumama tyan ko gawa ng hot choco ng Mcdo!!! God is good!Nung mga unang minuto lang masakit tyan ko…kinaya…pero actually nagiisip na ko nun na iflush na cia hehe kaso nakakahiya kasi ang dami pang nagccr. Nung preboard kasi sa EXCEL sa La Consola LBM mode ako nuon grabe un…pinigil ko lang nung una…pero di ko rin kinaya…kaya alam ko na ung feeling…mahirap magexam pag ganun...ang hirap magconcentrate…buti nlng talaga at nawala although may dala ako nuon na diatabs at Imodium, di naman ako sanay uminom nun baka lalo pa akong samain mahirap na (nagdala pa ko nuh? Haha).

                Pagdating sa luob ng CCP, deretso akyat na ko sa 4th floor ng HR building…nakita ko pa mga kakilala ko…batian, gudlakan. 5:45 AM na ng dumating ako sa room…sarado pa ang mga rooms nun kaya nakaupo kami sa mga upuan sa may hall way. Ok naman mood ng mga kasabayan kong kukuha ng exam…may nagbabatian, nakasmile, may relaxed lang, may naghahanap pa ng room kung san sia mageexam and meron ding nagrereview pa ng notes nia. Mayamaya nadinig ko yung mga katabi ko…naguusap sila…di daw nia alam ung seat number nia…ako naman si kabado nag panic, siguro dahil ang sama na nga ng tyan ko that time gawa ng hot choco. Ang natandaan ko lang kasi dun sa pdf ng room assignment is ung application number ko lang…di ko na pinansin ung seat number. Tinext ko pa tuloy ate ko, pinacheck ko sa net. Nakaupo na kami nuon sa luob ng room ng marealize ko na binibigay naman un ng mga proctor habang inaayos ung seating arrangement…nagpanic kasi bigla tsk…pero after nun ok na. Eksaktong 6:30 AM dumating na yung proctor. Eto na to sabi ko! ^_^

                First 45 minutes fill-up fill-up muna ng mga personal infos sa answer sheet like name, address etc. pati din yung may irerewrite na paragraph kasama. Eto ung pinakacrucial sa lahat…Dapat makinig talaga sa mga instructions para di ma-void ung answer sheet mo. Sa mga preboard naman ng mga center ginawa na to kaya dapat medyo looks fam na. Pero nagkamali pa nga din ako, kasi ang pagpilas pala nung answer sheet mula dapat sa likod, eh sa harap ako pumilas para sa Math…nag CR kasi ako nuon, kaya di ko nadinig may ganun plang instruction ung proctor. Medyo kinabahan ako, kung nagkataon Math nga ung sinagutan ko pero pang EST naman ung answer sheet ko, magbabaliktad sila since ang last na exam is EST. Buti nlng mababait ung mga proctor namin, chinecheck nila isa isa ung mga na fill-up na forms tapos ibabalik sayo pag may mali ka. Sabi naman nung proctor sakin, wala naman daw nabagsak dahil dun…procedure lang pala un…parang SOP sa kanila na dapat sa likod ung unang pilas…tyka nakita ko naman dun sa bawat answer sheet na sinusulat ung name ng subject...sabi ko kung automated talaga at bawat sheet ay designated na sa bawat subject, di na need isulat pa ung subject name…eh since manomano, tama nga ung proctor SOP lang. Lesson? Wag muna mag CR pag nagfifill up ng forms para lahat ng instructons ng proctor makuha ^_^

"Beautiful Book" (November 2010 ECE Board Exam Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon