PrologueMaging bestfriend ng isang sikat ay hindi madali. Minsan kasi, nakakalimutan ka na n'ya at hindi na napapansin. It sounds clichè or trite but sometimes, it really happens.
Para sa ibang tao, oo.
Bilang bestfriend ni Keith Anderson, hindi mahirap sa'kin. Sanay na kasi ako sa mga ganyang senaryo. Wala na akong magagawa doon.
Lagi na kaming magkasama simula ng mag-dorm siya. Parehas na kaming ulila ngunit ang mayaman na siya habang ako, scholar lang.
Sa pagsasama namin ng tatlong taon, hindi ko inaasahan na may namumuong kakaiba. Unti-unting nag-iiba ang nararamdaman ko sa kan'ya bilang kaibigan.
Pero traydor ang damdamin ko dahil higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko'ng 'yon.
'Yun pala ang mas mahirap, mahulog sa isang taong hindi mo alam kung sasaluhin ka ba o hindi dahil sa mga kinikilos niya.
Moses Jon Pineda nga pala, ang dakilang bestfriend ni Keith Andrew Anderson. Ang taong nagpatibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Stay With Me, Moses [BaekYeol]
FanficSimula pa lang, hindi ipinapangarap ni Moses Pineda na maging bestfriend ang heartthrob ng kanilang school na si Keith Anderson. Hindi niya inakala na humigit sa pagkakaibigan ang nararamdaman nito para kay Keith. Ayaw niyang umamin dahil alam niyan...