Chapter 1

18 2 0
                                    

Tik tok! Tik tok! Tik tok!!!

"Napaka ingay naman niyan"

Kinuha ko ang alarm clock ko na kanina pa ako ginigising. It's already 3 in the morning at kailangan ko nang bumangon at maghanda para sa first day of school. First day of being a college student? Hahahah! Nakaka-excite na nakakakaba. O siya maghahanda na ako para sa laban mamaya.

After sooooooo many years, natapos din ang pag-aayos para pumasok. Chineck ko ang gamit ko, baon at pamasahe bago umalis ng bahay.

"Ma, alis na po ako. Ba-bye poooooo.. Ingat kayo dito" paalam ko kay mama habang nandito ako sa may pinto.

"O sige, ingat ka ah. Mag-aral ng mabuti. And make new friends anak" she waved her hands at me and gan'un din ang ginawa ko.

I'am Alexandra Gabriel Mendoza, Alex na lang for short ah,17 years old, BS Journalism at Elton University. Hahaha Elton University? Hindi ako mayaman, nasa average class lang naman ang family namin. I was raised by my mother and grandmother. Sad to say, I belong to a broken family. Yung father ko, ayon hindi ko na alam kung saang lupalop ng Pilipinas nagtatago.

I was the only child so hindi gan'un nahihirapan si mama na pag-aralin ako, plus the fact na may scholarships akong tumutulong sa finances ko sa school. And back to the topic kung bakit ako sa Elton mag-aaral ay dahil nga sa isang scholarship na natanggap ko nung graduation. Ang swerte ko nga sabi ko kay mama e, kasi sa dinami-dami ng estudyante ako pa yung nabigyan ng pagkakatanong makapag-aral sa gan'ung klase ng eskwelahan. Sisiguraduhin kong hindi ko 'to sasayangin. AJA! Hahaha!

Nakarating na ako sa station ng LRT na sasakyan ko papuntang school. Grabe siksikan pala talaga sa LRT katulad nung mga napapanood ko sa tv at nakikita ko sa balita.

Syempre para hindi ma-late makikipagsiksikan ako no! Hahahah..

"Hayyy salamat, nakasakay din" sabi ko sa isip ko habang humahanap ng maayos na pwesto sa loob ng train.

Sumarado na ang pinto at umandar na ang train. Sa gitna ng biyahe ay may sumigaw na babae.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"

Nagtinginan agad yun mga pasahero sa gawi nung pinanggalingan ng boses. May isang babae dun na kakasampal lang sa isang lalaki.

Napansin kong medyo ka-edad ko yung babae as well as yung guy na kakasampal lang niya. Nagulat din ako dun sa suot na uniform ng lalaki, parehas kasi kami e. So meaning schoolmate ko si koya. Pero kawawa naman siya, bakit kaya siya sinampal ni ate.

"Kanina mo pa ako ginigitgit dito. Ang sikip-sikip. Bastos ka!" sasampalin dapat ulit ni ate si koya kaso mabilis niyang nahawakan yung kamay na lalapat ulit sa mukha niya.

Inilapit ni koya yun mukha niya kay ate at nagsalita.

"Kung ayaw mong masikipan at magitgit, mag-jeep ka or taxi Miss. Hindi pwede dito ang maarteng katulad mo. At kung iniisip mong binabastos kita well sorry, wala akong panahon na pag-aksayahan ng oras yung mga katulad mo."

Sakto namang pag tapos ng speech ni koya ay ang pagbukas ng pinto ng train. Bumaba agad siya at iniwan si ateng nakatulala at hindi alam ang susunod na gagawin.

"Tayuman na pala"

Ha? Tayuman na, ayy naku po mabuti na lang at nagsalita si ate na katabi ko kung hindi malalagpasan ko pa yung bababaan ko.

Tumakbo ako agad palabas dahil malapit nang magsara yung pinto.

Pagkalabas ko nakita ko pa si koyang sinampal kanina na naglalakad ng super bagal. Naka-headset siya. Ang gwapo ng likod niya. Sana naging likod na lang siya. Hahahaha pero seryoso, ang gwapo niya ring magkalad. Yung parang pang ramp model.

Nakatitig lang ako sa kanya. Di ko namamalayang sinusundan ko na pala siya. Maya-maya nagulat ako nung humarap siya sa gawi ko.

Ayyyyy letsugas, ang gwapo pala ni koya. Kaya naman pala napatulala sa kanya si ate kanina e. Yung mata niya ang cute, singkit kasi e. Yung ilong niya, grabe ang ganda, matangos na parang hinulma talaga para sa kanya. Yung labi niya, ang ganda parang sa mga hollywood stars na leading man. In short gwapo talaga siya.

"Sinusundan mo ba ko Miss?" 

Nakabalik lang ako sa senses ko nung marinig ko yung boses niya. Husky na parang bagong gising na ewan. Malapit yung mukha niya sa'kin kaya di ako makasagot. Pinikit ko yung mata ko at yumuko bago sumagot.

"Hindi po kita sinusundan, nagkataon lang na parehas yung daan na nilalakaran natin" sinasabi ko yan habang nakatingin ako sa paa ko. Shemayy ang bango niya. Naamoy ko yung pabango niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Ahhh parehas. So pupunta ka rin dito sa CR ng lalaki?" natatawang sabi niya.

Ayyyyy letsugas naman o, nakakahiya!!!

Hindi ko namalayang nakapasok na pala kami sa isang food chain at sinusundan ko siya hanggang comfort room. Di ko alam ani isasagot ko sa kanya.

"Ahh ee, nasi-cr din ako hehehehe" sabay takbo ko dun sa female rest room.

Pumasok ako agad sa cubicle dun at tsaka sinampal yung sarili ko.


"Hoy Alex!! Anong ginawa mo? Gumising ka nga, nakakahiya ka e!" pinagagalitan ko yung sarili ko. Arghhh nakakahiya talaga!


After kong sermunan yung sarili ko, dahan-dahan akong lumabas sa cr. Tumingin ako sa kaliwa't kana at hinanap yung lalaki kanina. Buti na lang wala na siya.

Lumabas na ako ng restaurant at mabilis na naglakad papuntang school. Naku! Mamaya ma-late pa ko dahil sa lalaking 'yun.


When we meet HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon