Chapter 3

14 1 0
                                    

Matapos ako ipakilala ni Yamako sa mga kaibigan niya ay bumalik na kami sa pwesto at nagsimula ulit kumain. Nagsi-order na rin naman ang iba at nakisalo na sa'min

Hindi ako mapakali habang kumakain kasama ang mga kaibigan ni Yamako lalo na't kaharap ko pa sa pwesto si Adam. Nakatingin lang ako sa plato ko at ni hindi man lang makaharap sa kanila.


"May problema ba Alex? Kung nao-awkward ka sa kanila, hayaan mo na yun masasanay ka rin sa presensya ng mga 'to." sabi ni Ate Shanine na nakatingin sa'kin


"Hahaha opo ate ^_^" sagot ko naman na halatang kabado pa rin sa hindi malamang dahilan.


"Nga pala may acquaintance party mamayang 7pm. Dapat pupunta ang lahat ah. Alex, sama ka sa'min ah. Kami bahala sa'yo d'un" sabi ni Daniel at nakangiti ng malapad.


Napangiwi tuloy ako. Katakot naman kasi 'tong lalaki na 'to e. Kanina kinidatan ako, ngayon naman makangiti wagas. Gwapo sana kaso mukha siyang perverted na hindi ko malaman.


Binatukan ni Ate Shanine si Daniel dahil sa mukha daw itong tanga at makangiti ng wagas. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na may nakatingin sa'kin. Nang lumingon ako, nakita ko si Adam nakatingin sa'kin. Pero iniwas niya agad at tumingin sa kinakain niya.


Aba'y may sakit na ata ako sa puso kasi napapadalas na ang pagbilis ng tibok nito e.. hayyyy nakuu!


"Gab, hahatid na kita pauwi ngayon para mamaya alam ko na kung saan ka ihahatid mamayang gabi. Kailangan nasa acquaintance party ka ah" malapad na sabi ni Yamako sa'kin sabay akbay pa.


Hahahaha ang cute niya talagang babae, nag-pout pa kasi siya e.


"Hahahah o-oo sige" sagot ko naman.

Ayoko sanang sumama sa mga ganyan-ganyan e. Ayokong pomuporma, sanay na ako sa t-shirt at pants lang and rubber shoes. Di rin ako sanay sa maraming tao lalo na yung mga makakasama ko mamaya ay mga sosyalin, elites nga diba. Ano na naman itsura ko nito? Alalay na naman -_-. Pero para kay Yamako, ang unang tao na pumansin sa'kin dito sa EU, sige sasama ako ^_^


6:30 PM


Hahahha! I'am ready. Ready to go to the Acquaintance echoss na yan. I'm wearing a t-shirt, black pants and a rubber shoes. Wala naman silang sinabi sa'kin na dress code e atsaka Komportable ako sa ganito. Inaantay ko na lang si Yamako. Susunduin niya kasi ako diba?


"Anak, sinong kasabay mo papunta d'un? Tsaka anong oras ka uuwi?" Tanong ni mama habang nagluluto siya ng dinner namin. Tinutulungan ko siyang maghiwa ng patatas na ilalagay niya sa ulam. Adobo ang ulam namin ^_^ favorite ko yan! Hahaha


"Susunduin daw po ako ng kaibigan ko. New friend ko po, Yamako po ang pangalan. Maganda siya mama tapos mabait siya. Di ko alam mama kung anong oras ako makakauwi pero sasabay na lang ako kay Yamako" kwento ko kay mama


"O mabuti at may kaibigan ka na dun. Pero ingat pa rin anak ah" nakangiting payo sa'kin ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When we meet HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon