ALICIA CLIVE'S POV:
Ipinikit kona ang mga mata ko pagkatapos ay huminto narin ang pagtibok ang puso ko...
"OKAY, next! Soul No#12222. Come forth!"
Naglakad ako palapit sa rabbit namay puting cute na pakpak at gintong halo sa itaas ng ulo, para siyang receptionist ng isang hotel ang pinagkaiba ngalang isa siyang cute na rabbit na anghel. Nginitian ko ito matapos kong maupo sa harap nito ...and yes tama kayo nang nabasa, patay na ako. Malungkot man dahil napaaga ang pagkamatay ko at marami akong maiiwan pero alam kong may dahilan kung bakit ito nangyari kaya naman susunod nalang ako sa daloy ng mga pangyayari. Isa pa, nung buhay pa ako, nagawa kona ang lahat ng gusto kong gawin at naranasan ang masaya at magandang buhay na ipinagkaloob saakin ng lumikha.
"Soul No#12222. Hmm let me see... Profile Data: Name: Alicia Clive, 18 y/o isang pilantropo na tumutulong sa mga taong kapospalad, namatay dahil sapagliligtas sa taong magsu-suicide sa itaas ng isang mataas na building." naka poker face na basa nito sa profile ko. "What a pity..." dugtong pa nito at tinapunan ako nang mabilis na sulyap tapos ay may kinalikot nanaman sa computer nito.
"Here, dalin mo 'yan at pumasok ka sa pintong iyon at dadalhin kanito sa lugar kung saan ka nararapat." saad nito tapos ay itinuro ang puting pintuan samay gilid.
"Salamat, Mr. Bunny White." saad ko pagkatapos ko basahin ang name plate nito na nakalagay samay lamesa at inangat ang tingin para bigyan muli ito nang isang ngiti tapos ay tumayo na ako sapagkakaupo. Hinawakan ko nang may pag-iingat ang maliit na papel na ibinigay nito at nabasa ang salitang 'Transmigration.'
Dumiretso ako sa pintong sinabi nito at huminga nang malalim. Isa itong ordinaryong puting pinto, pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Nanginginig ang mga kamay ko ang lakas rin ng tibok ng puso ko. Kaba at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na ito at nasasabik ako na hindi ko maintindihan kahit hindi ko panaman alam kung saang mundo ako dadalhin ng pintong nasa harapan ko. Pagkalipas ng ilang minutong pagpapakalma sa sarili, binuksan kona ito at dahan-dahang pumasok ...at bago paman magsara ang pinto ay nakarinig pa ako nang malakas na singhapan mula sa likod pero hindi na ako nabigyan pa nang pagkakataon na makapag react ng isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot saakin at mabilis akong nahulog...
Nahulog mula sa langit...
KYAAAAAAAAA!
Malakas na tili ko habang nahuhulog ako.
THIRD PERSON'S POV:
Nagkakagulo ang lahat ng nasa templo matapos maglabas ng nakakasilaw na liwanag ang stone of prophesy hudyat na paparating na ang itinakdang tagapagligtas. Ang Saint o Saintess na tinutukoy sa propesiya ilang milenyo na ang nakakalipas. Sabik, takot at pagkabigla ang nararamdaman ng mga ito. Sabik at pagkabigla dahil sa tagapagligtas na paparating, takot dahil nangangahulugan din itong nalalapit na ang pagsisimula ng digmaan na sinasaad sa propesiya.
Digmaan ng kabutihan laban sa kampon ng kasamaan...
Habang sa Capital naman, sa palasyo. Ang hari at ang mga pinagkakatiwalaang tauhan nito ay serysosong nagpupulong patungkol sa mga kaganapan sa Capital, sa mga hinaing, mga proyekto na kailangan gawin at maging sa pagpapatibay ng proteksyon laban sa mga kampon ng kadiliman at pagdaragdag ng mga bantay sa 1st, 2nd, 3rd at 4th wall na naghihiwalay sa mga tao at mga halimaw. Nasa ganun silang sitwasyon bago naudlot ng dahil sa malakas na pagbukas ng pinto.
BAAAAM!
"YOUR MAJESTY! THE STONE OF PROPHESY..." malakas na sigaw ang nagpagising sa kanila mula sa pagkabigla nang dahil sa malakas na pagbukas ng pinto at sabay-sabay na nagulat ng maproseso ang balitang sinigaw ng lapastangan...
Sa kagubatan naman ng Frighten Forest, malakas at nakakakilabot na halakhak ng isang kakilakilabot na nilalang ang maririnig at halos lahat ng nakarinig nito, maging halimaw man o hindi ay nangangatok sa takot ng dahil dito...
Ang tatlong grupong ito ay nagsimula nang gumawa nang kanya-kanyang plano at naghanda para sa paparating...
BINABASA MO ANG
QUICK TRANSMIGRATION: Becoming The Saintess Of This World
Ficción históricaAlicia Clive 18 y/o, isang mapagkawang gawang tao. Pilantropo kung baga. Sa mura niyang edad nakapag patayo na siya nang sariling kompanya na ang layunin ay makatulong sa mga taong kapos palad at nangangailangan ng tulong. Wala na yata siyang mahihi...