"Capt." Tawag sa akin ni Coach. "Alam kong pagod kayo sa tune-up, pero puwede ka ba mag-stay? May darating na limang junior high, bago lang sila. Kailangan ng assistance sa pagtuturo ng basics na, as much as possible, ay hindi maaabala ang training ng boys."
Tumango ako. "Sige lang po." Ibinaba ko ang bag na hawak-hawak ko na at bibitbitin ko na sana. Umupo ulit ako sa bleachers at tumunganga sa harapan ko. The boys' team were warming up so I also stood up and joined when they were about to start with sprints.
I jogged in place as I waited for my turn. Noong kami na ng katapat ko ang tatakbo, I clapped once at sabay kaming nag-battery. After four seconds, I clapped again, at sabay naman kaming nag-high knees for another four seconds. Sa isa pang palakpak ay nag-sprint na kami.
I like to think of sprinting after warm-ups as a race. I should be faster than my partner, and I always was.
Pero ngayon, sabay na sabay lamang kaming nakarating sa dulo. Tinignan ko kung sino itong katabi ko, at ito ay 'yung late kanina.
Mabilis pala siya mag-sprint, eh. Bakit siya late?
Kasunod ay criss cross. Mayroong mga cones na iikutan, and the paths of two players will meet in the middle before going around the next cones.
Again, battery and high knees. One clap, I sprinted. We sprinted and slammed to one another's body. The impact was strong, both of us stumbled. I was the one to recover first and finished the round.
Nang makabalik siya sa likod ng linya, kung saan nakatayo na ako, parang hindi niya maituloy-tuloy ang sinasabi niya. Binunggo siya ng kaibigan niya nang bahagya sa balikat, it made him spit the word out.
"Sorry, Eli."
Tinapunan ko siya ng tingin at isang beses na tumango. "It's fine. Sa kasunod, ako 'yung nasa ibabaw, ikaw sa ilalim."
That sounded wrong. Hindi ko na in-explain, gets niya na iyon. It will only be weird kapag nag-salita pa ako.
And he called me Eli. No one ever does, so it definitely sounded weird.
Eli.
Hindi na kami muling nagkabanggaan pa pagkatapos non. Buti naman. Edran, the captain of the boys' team, also my classmate in 12-A (STEM), looked behind, to my direction, and asked. "May hindi pa ba nagagawa?"
"Walk straight ahead and turn sa dulo na cone, then walk pabalik sa starting point. Rest iyon before jogging." Nakinig siya sa sinabi ko kaya nagsimula na kaming maglakad paikot sa nakalinya na mga cones. "Ilang minutes na ba kayo?"
"25 pa lang kami." Paikot na kami sa cones na nasa dulo. Ako na ang pumulot ng bawat cones na madaanan ko habang pabalik kami sa aming starting point. Ginaya ako noong lalaki na late at pinulot din 'yung madadaanan niya.
"Since when?" I asked.
"Last week. Last week ang last na training namin, tapos ngayon na lang ulit." Tapos na ang walk kaya nagpuntahan na ang iba sa bola.
YOU ARE READING
Occurrence
Teen FictionDeliasa College Football Club "Whatever happened, it was nothing. Just a slight occurrence. "