"Punta sa open!" sigaw ko bago i-kick in ang bola kay Kaye, depensa namin, mula sa corner. Ibinalik niya sa akin ang bola, drive it hanggang sa malapit na sa goal pero wala pa sa area ng keeper ng kalaban, at sinipa ko na ng malakas. Hindi ito nakuha ng goalkeeper, and that earned us a point.
I jogged back to my place as a forward. Nakita ko na medyo malapit sa akin si Lira, winger namin, so I said, "Huwag ka matakot sumipa kapag nasa iyo ang bola. Nandoon ka na, e'. Wala namang kalaban nasa harapan mo, tama na 'yung pwesto mo. Huwag mo na i-back pass."
"Sorry, Capt." She replied, having her right hand slightly raised.
"Don't say sorry. Bumawi ka." Tatango na dapat siya, pero dinugtungan ko ang sinabi ko. "Or don't. Tulad nga ng narinig ko mula sa iyo kahapon, tune up lang naman ito, kaya hindi ka nag-training." I shrugged before back-passing the ball to Kaye, na ipinasa naman kay Gissele, winger namin sa kaliwa.
Idinrive niya ang bola para makausad kami. The ball was passed to me, ipinasa ko rin kay Lira before running forward with my arm raised, indicating that I am open. Ipinasa niya sa akin, at idineretso ko ito sa goal right before we hear the whistle of our Coach. Tapos na ang laro.
I clapped two times bago kami sabay-sabay na nagsalita. "Maraming salamat, San Encara Football Club!"
Their captain also clapped two times, and their team chanted in unison, "Maraming salamat, Deliasa College Football Club. Mabuhay!"
Each player shook each other's hand. Nang tapos na ay lumapit kami kay Coach Jero dahil sabi niya ay may small meeting lang kami habang nagco-cool down kami. It was unusual because the boys Football Team is also here for the "small meeting".
Mabilis ko silang binilang. They were ten only. Kaming girls ay thirteen, with two keepers.
Kilala ko naman ang iba sa kanila, lalo na at nakakasama namin minsan sa tournament. Pero maraming nadagdag na players sa kanila ngayon, since mayroon pa ring nag-transfer ngayong school year.
"So, first of all, gusto ko i-congratulate ang girls sa naging performance nila sa tune up." I heard a short applauding before Coach resumed. "Sa meeting na ito, gusto ko lamang sabihin sa inyo na dahil sa magiging mahigpit na schedule, hindi lang schedule ko pero pati na rin schedule niyo, I would like to say na balak ko kayong pagsabayin ng training, pero next time na lang ang start non kasi nag-training and tune up na ang girls ngayon."
Explanations were next told by Coach Jero, pero my attention was caught by something different. May bagong dating.
Napagawi rin ang paningin ni Coach Jero doon sa bagong dumating. Alam ko na kaagad ang mangyayari kaya kusa na akong dumapa, at mukhang alam na rin ng team ng mga lalaki dahil dumapa rin sila.
"Tama lang rin gawa't cool down na natin ito." Sabi ko sa team dahil ayaw na ayaw nilang nagpa-plank.
"Up!" sigaw ni Coach, kaya sabay-sabay kaming umangat. All of us were in a plank position, and will stay in that place until the late comer finishes to put on his shoes.
"Hindi ko alam kung nananadya ba iyon pero bakit parang ang bagal niya mag-sapatos?!" reklamo ni Gissele.
"Minumura kita ngayon sa isipan ko, Jesherie!" sigaw ng isang lalaki, at napatawa naman ang karamihan.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbibilang ng linya sa palad ko hanggang sa marinig namin mula kay Coach na puwede na kaming bumaba. Bumalik ako sa pagkakaupo para makinig sa susunod na sasabihin ni Coach.
At nasa tabi ko na pala nakaupo 'yung late dumating. That's what I will probably call him since I don't know his name. Mukhang bagong transfer. Maybe medyo late rin nag-enroll.
If his surname is the one on the back of his jersey, then maybe his name may Jesher-something De Guzman. Pero malay mo hindi sa kaniya. Maybe sa partner niya.
"As I was saying..." nagpatuloy si Coach sa announcement. At hindi ako natutuwa na akala yata ng katabi kong ito ay tanga ako na hindi nakikitang maya't maya siya sumusulyap sa mukha ko.
YOU ARE READING
Occurrence
Novela JuvenilDeliasa College Football Club "Whatever happened, it was nothing. Just a slight occurrence. "