Ready na siyang abutin yung kamay ko para isuot yung sing sing. Hell no! Yes, I'm dreaming of marriage, kids, family, house and everything pero not with someone like him na bigla na lang susulpot out of nowhere tapos hihingi ng isang minuto ko para lang magpropose? NO AS IN NO. PERIOD.
Sabihin man nila na tanga ako dahil I refused his damn offer but I don't want to be in a relationship or what shit kung hindi ko naman mahal yung taong 'to. Kinikilig ako kanina, pero hindi na ngayon.
Tumayo na siya at pinagpagan yung pants niya. Bakit ka ba kasi bigla na lang lumuhod eh kung sana hiningi mo na lang yung number ko okay pa eh. Tsk.
"I'm sorry, nagulat ata talaga kita." Oo leche. Ikaw ba naman harangin at bigla na lang pag-propose-an eh.
"Oo nga. Biglaan ba naman lahat eh. Tsaka sino ka ba?"
"By the way, I'm Brix Navarro. Lagi kasi kitang nakikita dito dumadaan eh kaya inabangan talaga kita."
Inabangan? Stalker lang ang peg? -_- Fufu. Ang pogi mo namang stalker.
"Inabangan? Stalker ba kita?"
"Hmm. Hindi naman."
"Eh bakit ka biglang nagpropose? Uy teka, late na ako. Sige babye ha."
45 minutes late na ako sa office. Tsk. May pa propose pa kasing nalalaman eh hayyy.
"Wait Cindy, kung okay lang, ihatid kita sa office niyo? Para naman makabawi ako sa isang minutong nakuha ko sayo."
This is the best offer I can't refuse for today.
"Sige. Tara na."
Hinatid niya ako papunta sa kotse niya.
Wait lang ha, gusto mo ba ng coffee bago tayo umalis?"
"Hmm. Wag na. Matatagalan pa. Lalo pa akong male-late eh. Alis na tayo agad. Isang oras pa biyahe ko eh."
"Sige."
Habang nagda-drive siya, in-on niya yung radio para hindi daw ako maboringan. Seryoso daw kasi mukha ko. Walang ka-relax relax.
"May itatanong ako sayo, Brix."
"Ano yun?"
Diretso lang tingin niya. Focus na focus sa pagda-drive.
"Ah.. Paano mo nalaman pangalan ko? Kanino mo nakuha?"
"Ano.. Sa likod lang ng t-shirt mo. Nag-jo-jogging ka nun eh tapos nakita ko suot mo yung t-shirt na yun pang volleyball mo ata yun."
"Ahh.. Okay." Tumingin na lang ako sa labas. Mukhang nangangalahati na kami papunta sa office. Mabilis lang din naman biyahe compared sa bus na pahinto hinto pa talaga.
"Cindy?"
"Hmm?"
"Yung kanina, sorry talaga ha."
I just smirk. Ayoko namang sabihing 'ok lang yun' kasi hindi naman talaga okay.
"Kalimutan mo na yun. Just think as if nothing happened."
"Bakit naman? Ayoko nga. A lovely lady like you, would say those things to a handsome guy like me to forget about what happened earlier?"
"Eh di wag. Bahala ka. Pakibaba na lang ako dun sa tapat nung green store na yun."
Sa wakas, andito na ko. Bumaba na ako sa kotse niya at tinignan ko siya.
"Thank you, Mr. Brix Navarro."
"You're welcome, Cindy. See you tonight, 6pm. Bye."
"Wha-"
Hindi man lang niya pinatapos yung pagsabi ko ng what. Bigla na lang siyang umalis. Kainis naman 'tong lalaki na 'to. Anong see you tonight, 6pm? Bahala siya, sa fire exit na lang ako dadaan mamaya.