"It's December 25!!!" dagundong na sigaw pa ng mga bata mula sa labas ng bahay.
Kitang-kita ko ang saya sa mga muka ng mga musmos na bata. Habang ako, eto nag kukulong sa apat na pader ng kwarto ko. Tinatanaw ang kaganapan sa labas.
May party sila Aling Doris kaya masaya sila. Habang ako nagpapaka lunod sa lungkot na aking nadarama. Nag iindakan at kumakanta pa sila, kahit na mga biringhi naman.
Ganito pala ang pasko kapag teenager kana. Hindi na masaya, at wala ng siglang maramdaman. Sinarado ko na ang bintana ko at kinuha ang loptop ko.
Ginawa ko nalang ang mga school works ko. Oo, ganito sa college walang pahinga lalo na't Iskalar ako ng bayan dito sa probinsya namin. Educ student ako kaya ganito ang buhay ko.
According kase sa mga past teachers ko nung junior high. Wala daw pahinga ang mga teachers tapos ang baba pa ng pa sweldo sa kanila. Nasaan ang hustisya? Mukang nakalimutan na ata.
Hay, habang tinatapos ko ang isang activity ko sa minor subject ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. My goshhhh! Minor subjects talaga ang madaming pagawa kesa sa major subjects. Language student ako, kaya para akong aso ni Pavlov. Binati ako ng mga kaibigan ko sa gc namin.
Nagsend sila ng mga happy pictures kasama ang mga family nila. Samantalang ako ang Nanay ko laging galit. Ang tatay ko naman mapagpasensya. Ang mga kapatid ko may kaniya-kaniyang mundo.
Hindi ko alam kung pasko nga ba. Parang hindi naman e. Gusto kong magsimba pero parang isang kasalanan kung sisimba pa'ko ng may sama ng loob na dinadala.
Wala kaming handa, simula pa noong bata ako ay laging ganito. Sa kalsada ko na idinaraos ang pasko. Sa lansangan na kung saan nag turo na masaya pala ang pasko.
Ewan ko ba, paano ko nakayanan iyon. Sa bawat kanta ko sa mga bahayan ay para na akong tinatakasan ng kalungkutan. Kasama ang aking kapatid at kaibigan natutunan na ang tunay na diwa ng pasko ay pag mamahalan.
Nakita ko ang litrato ko sa picture frame dito sa kwarto ko. May hawak akong candies at nakabungisngis ako. Nakaka miss maging bata, nakakamiss si Santa Claus na hindi naman pala totoo. Nakaka miss maging masaya.
Simula ng mag teenager ako hindi mo na ako makikitang naka ngiti. Nagbago nga talaga ako, mahiyain na rin ako. At puro aral nalang talaga ang ginagawa ko, dahil pine pressure ako ng Nanay ko.
Gustuhin ko mang lumisan sa pamamahay na'to pero hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Buhay nga ako, pero puro naman pasakit ang nararamdaman ko. Buhay nga ako pero parang pinapatay na ako ng sarili kong ina.
Natapos ko na ang activity ko at nag half bath na. Naglinis lang ako ng kwarto, nag advanced reading ulit at natulog na. Yun lamang ang ginawa ko ngayong pasko.
Christmas isn't like before. Christmas right now is just an ordinary day.