MEDISINA

68 53 7
                                    


     "Hayan na si Imber oh ang panget talaga nya"

    "Bakit ba nabuhay pa ang isang tulad nya wala naman ambag sa          lipunan"

    "Hamak namang mukhang basura"

  Mga bulungan at sigaw na palagi kong naririnig, mga pangungutya na siyang palaging sumisilid sa aking isip. Minarapat ko na magpatuloy sa paglalakad para aking maiwasan ang mga mapanakit na salita na binabato nila sakin, ngunit diko akalain na mas malala pala ang matatamo ko, isang mahigpit na paghawak sa buhok ko ang aking nadama, madiin ito at animoy masisira ang aking anit dahil sa pagkakahawak nito, maluluha ko naman tiningnan kong sino ang gumawa non, at aking nahinuha na ang taong iyon ay ang pinsan ko.

"bitawan mo ako ano ba" pagtangis ko na humikhikbi dahil sa hapdi

" kung ayaw ko may magagawa kaba?" tanong nya na animoy nasisiyahanan pa sa kaniyang ginagawa.

"Ano ba Faye sabi ng bitawan mo ako,masakit na" nagmamakaawang saad ko sa kanya ngunit di sya natinag at mas diniinan pa nya ang pagkakahawak sa buhok ko, at tumawa na animoy baliw ito, kayat minarapat ko na tapakan ang kaniyang paa para makawala at kasabay non ang pagtunog ng alarm ng school hudyat na maguumpisa na ang klase.
...............

Sumapit ang ang breaktime at agaran akong nagtungo sa canteen upang bumili ng aking kakainin, mapayapa naman ang ngyare ngunit dikoparin maiwasan na hindi marinig ang kanilang pinaguusapan.

"Magpinsan ba talaga si Imber at faye? Why naman kase ganon magkaiba sila ng itsura"   saad ng isang studyante na kay kapal ng makeup.

"tingnan nyo nga si imber puro sugat ang kamay, maski pisngi nya puno din ng sugat ang panget,nakakadiri"
         maarteng bigkas naman ng isa habang nandidiri itong nakatingin sakin, yumuko nalang ako para dinila makita ang mukha ko, para wala nadin silang masabi pa, nagpatianod nalang ako sa daloy ng paglalakad hanggang sa makarating ako sa aking tinatambayan, at doon humikbi ako at ang luha ko'y patuloy lang sa pagagos.......at mas pinili ko nalang umuwi kesa makatanggap ng masasakit na salita na nagmumula sa bibig ng mga kakaklase kong mapangmata,..... ng makarating ako sa amin ay agad akong humiga, dama ang pagod, bigat ng nararamdaman at sakit ng ulo, kung kaya't aking minarapat na magpahinga nalamang upang kahit papaano ay maibsan ang mga nararamdaman.

................

     Nagsipatakan ng aking mga luha
nang sa akinh isip ay aking maalala
mga pangyayari na hindi mabura bura

    Ngayon na laganap ang pandemya madalas nakakulong lang ako sa kwarto,nagiisip, napapatulala, at pumapatak ang luha lalo na't sa isip ko'y nagsisibalikan ang mga ala alang nabibigay sakin ng pangamba.

    Akala ko ok lang na manatili sa bahay, subalit habang tumatagal doon ko  nararamdaman ang pagkabagot,pakiramdam na nakakulong, dagdagan pa ng pagiisip at tinatanong ang bakit? Na hindi mabigyan ng sagot...

"Bakit ngaba? Bakit lahat ng bagay nagawa mo na pero diparin siya  naging sapat?"

"Bakit naging mabuti ka pero sa tingin ng iba ay masama ka?"

"Bakit kahit sabihin mo ang totoo dikaprin paniniwalaan?"

"Bakit ang dami kong galos ano ginawa ko sa sarili ko?" 

     ilan sa mga sumasagi sa isip ko magmula ng magkapandemya. Butil ng luha ang dumalos saaking pisnge ng muli ay magbalik tanaw sa aking isip ang pangyayari na lubos kong pinagsisihan.

................

      "Ang baba ng marka mo"

     "mabuti pa si ano"

      " Kawawa ka naman mamumura ka na naman"

       "Dapat sayo nawawala sa mundo"

       "Hindi kita gusto Imber kaibigan lang turing ko sayo"

         " Dika bagay dito B*B* mo"

Mga salita na paulit ulit nilang pinamumukha sakin, mga salitang pumapatay sa kompyansa ko na magpatuloy sa buhay, mga problemang nagsabay sabay, marka, pambubully,pagmumura, pagkukumpara, at sa sarili ko, na halos walang tigil na umiikot sa isip ko, kung kayat sa tuwing nasasaktan ako ang tanging naging medisina ko ay ang saktan ang sarili ko. Yun lang ang naging tanging solusyon ko para pakalmahin ang pagiisip ko at upang ang tanging madama ko nalang ay ang mga sugat na likha ng mismong ako, mga sugat na makikita sa mukha ko, katawan ko at ang pinaka malala ang hiwa na nasa palapulsuhan ko, na dahil sa pagod, pagiisip,anxiety, at depression nagawa ko ang bagay na di dapat......

     At ngayon na pandemya ay aking hinihilom ang sakit na sa puso ko ay nakabaon, para itong punyal na may lason, unti unting pumapatay sa puso kong dina makabangon, ngunit aking susubukan muli ay makaahon , harapin ang bawat bukas kasama ang Panginoon, na may dalangin na paghilumin ang sugat ng kahapon.

Compilation Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon