ANG MAPANAKIT NA MULTO

55 49 5
                                    

.......NEW....

Tahimik ang paligid, tanging kaluskos lang ng mga hayop at hampas ng hangin sa mga puno ang madidinig,

"nakakakilabot" usal ko sa aking sarili habang marahang hinahaplos ang braso dahil sa matinding lamig na aking nadarama.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad, kahit may bahid ng takot ang aking pagkatao,

"Napakadilim" usal ko habang mahigpit na hawak ang aking CP kaba, pangamba, at takot lang ang tangi kong nadarama ng mga oras nayon, batid kong di ako nagiisa, sapagkat ang hangin na dumadampi sa aking balat at sadyang kakaiba kong kayat mas binilisan kopa ang lakad, subalit tila akoy paulit ulit nalang,

"Naliligaw ba ako" takot na tanong ko sa aking sarili, kong kaya't minarapat ko na huminto mona ng panandaliang upang makahinga ng maluwag at makapagisip ng tama.

"Inhale, Exhale" sambit ko ng paulit ulit ng mahiwatigan ko na may sumasabay sakin, at dahil sa takot ko ay naglakad muli ako subalit ramdam ko ang presensya nya saaking likod, maski ang pagdampi ng kanyang kamay na kaylamig sa aking balikat, pinilit kong wag lumingon, at isantabi ang presensya ng Multo na nasa likod ko upang mabilis na makaalis sa lugar na napasukan ko.

Pigil ang iyak't luha na nagnais kumawala at salitang "mommy tulong " na bigkasin sapagkat aking nadarama ang takot sa puso ko, at samot sari ang nasa isip ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng masilayan ko ang paa na nasa harap ko, napalunok ng wala sa oras, nagtaasan na balahibo ang hudyat ng takot ko, at ang butil ng luha na nangingilid sa mga mata ko dahil sa napagtanto ko ang nasaharapan ko at yon ay ang multo

Nakangisi, balot ng dugo ang kanyang mukha, mahaba ang buhok, at itim na itim ang mga mata, na nakakakilabot talaga subalit akoy mas kinilabutan ng siyang ngumiti ng malapad at sa akin siya'y tumingin ng pagkakatalas at ako naman ay abot abot na ang kaba..

"layuan mo ako" usal ko sa kanya na siya namang ikinatawa nya na mas nakapagbigay kilabot sakin...
" Wala kang Jowa pati ang nagbabasa" Saad nya ng tumatawa na siyang nagpaiyak sakin

" oo nga wala akong jowa napaka mapanakit mong multo ka " pasigaw kong turan habang minamasdan ang bulto nya papalayo at may kahawak kamay na isa pang multo

"Edi Sana all may love life" umiiyak kong pag tangis..

....

Compilation Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon