𝐒𝐮𝐞𝐧̃𝐨 𝐃𝐞 𝐌𝐮𝐞𝐫𝐭𝐞

39 34 4
                                    

Ilang gabi na, ilang gabi na akong naguguluhan, na wiwindang at napapaisip kung ano bang meron? Kung ano bang ngyayari? Sapagkat habang tumatagal mas lumalala ang panaginip ko.
Kung noong una ayos lang kasi akala ko puro Fairy tale pero nung nagtagal nagiba.

Alam ko naman na ngyari nato dati pero diko akalain na mauulit ulit ito.

.....

Takbo dito takbo doon, tagaktak ang pawis at habol hininga akong tumigil sa gilid ng isang bahay, nagkubli don at naghintay ng tamang tyempo upang  makatakas sa mga humahabol saakin at biglang dumako ang tingin ko sa isang bintana doon kita ko ang paghihirap ng isang taong kakilala ko, namumutla, hirap huminga at hinang hina ito habang hawak siya ng kanyang Ina. Napatakip naman ako ng bibig ng marinig ko ang palahaw ng mga taong nagmamahal sa kanya at ng muli ko itong silipin wala na, wala na itong buhay sa kanlungan ng kanyang mahal na Ina. Ganon nalang ang aking pagkabigla at dama ko ang pagagos ng luha sa aking mga pisngi.

....

Habol ang hiningang nagmulagat ang aking dalawang mata tagaktak ang pawis at kinakabahan wari ang nadarama. Tiningnan ko ang orasan at ika Alastres na ng umaga.

"Panaginip lang pala akala ko naman totoo na" ani ko sa aking sarili ng biglang mag pop up ang message ng isa sa aking kamagaral
kaya binuksan ko ang messenger ko at doon aking nabasa ang isang mensahe na siyang nagpagunaw ng mundo ko na siyang nagpaluha sa akin...

"Wala na si ano"

"Namatay ito na hawak hawak ng ina nya dina nya kinaya pa"

Yan ang mga usapan sa Gc namin na siyang nakapagpatayo ng balahibo ko

Ibig sabihin ang panaginip ko ay nagkatotoo himutok ko sa sarili ko..

....

Sa pagdaan nga ng araw at paglipas ng gabi palagi akong nanaginip
minsan tungkol aksidente, minsan naman dahil sa nabaril at kung minsan maski mga diko kilala na tao napapanaginipan ko tapos mga scenario na dimo talaga gugustuhin na makita kase ang tanging napapanaginipan ko ay puro kamatayan, na kung minsan ang iba don ngyayari subalit diko agad ito naalala kaya nahuhuli ang aking bababala.

sa tuwing nanaginip ako ang tanging oras na nagigising ako ay ang oras ng  alastres ng madaling araw o kung tawagin nila devils hour.

At hanggang ngayon ganon parin panaginip ko dream of death .

Panaginip na nais kung nawala
panaginip na ayaw ko ng maranasan muli
sapagkat kita ko ang pagkasawi ng mga napapasali sa panaginip ko.

DREAM OF DEATH

Compilation Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon