CHAPTER:4✨

28 4 6
                                    


Elaine's short POV

" San ka galing kagabi?"Tanong ko kay Lucas
" May pinuntahan lang "Sagot niya sabay inom ng tubig
" May pinuntahan o meron kang sinusundan?"Tanong
ko sa kanya
" Anong klaseng tanong yan? Importante yung pinuntahan ko kagabi "Sagot niya
" Importante? Talaga? Mas importante pa sa kasal natin na di matuloy tuloy dahil dyan sa mga pinagkakabusyhan mo "Wika ko
" Ano na naman ba problema mo Elaine? Lahat nalang ba ng lakad kailangan alam mo? Di naman kita pinapakialaman sa twing may pupuntahan ka ah pero bat palagi mong binabantayan mga lakad ko?"Tanong niya sakin
" Dahil sa oras na malaman kong nambababae ka makikita mo hinahanap mo "Wika ko
" Tanghaling tapat ganyan ka mag isip! Araw araw away, di ka ba napapagod Elaine? Kakawalang gana tumira sa punyetang bahay na to "Galit niya
Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong tinalikuran at agad siyang umakyat sa taas! Alam ko mga galawan ni Lucas alam ko at ramdam ko na may sinusundan siyang babae, at sa oras na makilala kitang babae ka matitikman mo tong mga palad ko!

Kentucky's POV

Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin, di man lang ako dinadalaw ng antok! Pasado ala una ng madaling araw pero di pa rin ako makaidlip, kinumutan ko nalang ng maayos yung kambal dahil malamig yung panahon! Tumayo ako at lumabas ng kwarto para pumunta sa terrace, sya nga pala papalapit na yung pasko at sa pagkakaalam ko special na araw yun kay Lucas dahil kaarawan niya yun! Kamusta na kaya siya? Ilang taon na kaming di nagkikita, tsaka sigurado akong masaya na siya ngayon pero nakakamiss si Liam siya yung kauna unahang bata na inalagaan at minahal ko ng tunay sigurado din akong binata na yung batang yun!
" Hay Lucas "Bulong ko sa hangin
Gustuhin ko mang kalimutan pero di ka na mawala sa puso ko! Pero ano nga ba magagawa natin di tayo yung para sa isa't isa, masaya na din ako dahil meron kang naiwan sakin, masaya na ako sa mga anak ko sana masaya ka na din sa buhay mo ngayon
" Apo? Bat gising kapa?"Tanong sa likod ko
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita kong nakatayo si Lola
" Aah Lola di po ako makatulog "Wika ko
" Mag aalas tres na ng madaling araw tsaka may trabaho kapa "Wika ni Lola
" Di po muna ako papasok ngayon Lola, gusto ko munang magpahinga lalo nat nalalapit na yung celebrasyon ng kompanya ni Papa "Wika ko
" Tama yan kailangan mo munang ipahinga yang sarili mo "Wika ni Lola
Ngumiti ako at biglang lumapit sakin si Lola tsaka hinawakan mukha ko
" Apo? May problema kaba? Bat parang ang lungkot ng mga mata mo?"Tanong sakin ni Lola
" Po? Ay wala yan Lola, antok lang yan "Pagsisinungaling ko
" Hindi eh "Wika ni Lola
Mukhang di na ako makakalusot pa nito nalalaman talaga ni Lola pag malungkot o may problema ako
" Sabihin mo sakin, may problema kaba sa trabaho? May nang away ba sayo? May nag - - - -  "
" Lola miss ko na po si Lucas "Naiiyak kong sabi
" Hay Kentucky ka ilang beses ko bang sasabihin sayo na kalimutan mo na yung taong yun "Wika ni Lola
" Pero ang hirap Lola "Nanginginig kong sabi
Tuluyang pumatak luha ko dahilan para yakapin ako ni Lola, di ko alam kung bat bumabalik yung mga panahong kasama ko si Lucas
" Wag na wag mong susubukang makipagkita sa lalakeng yun Kentucky, Kilala mo Lolo mo baka magalit yun "Wika ni Lola
" Gustuhin ko man siyang kalimutan pero di ko magawa Lola "Iyak ko
" May sariling pamilya na yun! Tsaka hayaan mo siyang magpakasaya ang importante nasa atin yung mga bata "Wika ni Lola
" Opo "Wika ko sabay punas ng luha ko
Yinakap ulit ako ni Lola at yinakap ko din siya! Dahil sa malamig dito sa terrace napapasyahan naming pumasok na sa loob
" Osige na matulog kana para makapagpahinga man lang yang sarili mo "Wika ni Lola
" Opo Lola "Wika ko
Tuluyan akong pumasok sa kwarto at nakita ko ding pumasok na si Lola sa kwarto nila ni Lolo! Bumalik ako sa kama at tumabi uli sa kambal, napatitig ako sa dalawa at naaawa ako sa mga anak ko, lalaki silang walang Papa, pero andito naman ako eh kaya kong supurtahan at alagaan tong mga anak, ang importante kasama at nasa kamay ko sila
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil nga sa wala akong trabaho ngayon ilalaan ko oras ko sa pamilya ko lalo na sa kambal, natatawa nga ako dahil inis na inis na si Lola dahil sa torotot ng kambal ang ingay kasi sa sala tsaka sinabayan pa ni Klinton(Kapatid ko), kasalukuyan pala akong nandito sa kusina tinutulungan si Lola magluto ng pananghalian
" Pag ako talaga mainis may makukurot sa inyong tatlo tingnan niyo lang! Lalo ka na Klinton ha "Inis ni Lola
" Lah si Lola ako sinisi "Wika ni Klinton sa sala
" Kala mo di kita nakikita dito "Inis ni Lola
" Si Emman lang naman tsaka si Elton may torotot dito ah "Wika ni Klinton
" Nanaaay tingin man Tito Menton(Klinton) tawa lang Nanay "Sumbong ng anak ko
Nagpatuloy nalang ako sa pagluluto tsaka hinayaan ko munang maglaro yung tatlo sa sala

ALL NIGHT LONG SEASON:2✨(ON-HOLD)Where stories live. Discover now