CHAPTER :1✨

20 4 5
                                    

CHAPTER : 1

    ( Author : Napagpasyahan ko pong hindi gawing babae si Kentucky dahil naisip ko na maguguluhan lang po kayo sa takbo ng kwento dahil marami pa ang dapat ipaliwanag kaya mananatili po siyang siyang lalake pero ganun parin po ang pagkatao ni Kentucky, salamat po sa pag intindi❤️ ) .

Welma's POV

Makalipas ang ilang taon di na bumalik yung Apo ko umasa ako sa mga sinabi niyang babalikan niya kami pero hanggang dun nalang pala ang lahat yun pero di ako susuko dahil pag yun nangako sigurado akong totoo yun! Kahit di na ako makapaglakad, kahit di na ako makatayo makita ko lang ulit yung Apo ko masayang masaya na ako! At sa loob ng ilang taon bumalik ang dating katawan ni Tonyo habang kaka-graduate lang ng High School yung Apo kong si Klinton! Gustuhin man naming pumunta ng Manila at hanapin yung Apo kong si Kentucky kaso kulang na kulang yung kinikita namin araw araw kaya mas mabuti nalang siguro na maghintay nalang dahil ramdam kong babalikan kami ng Apo! Kasalukuyan pala kaming nandito sa bukid katatapos lang magtanim ng palay ito lang kasi yung hanapbuhay namin dito sa probinsya ang magtanim ng palay, prutas at mga gulay pero kahit ganto lang hanapbuhay namin napagraduate namin si Klinton at masaya kami sobra, sigurado akong masaya din ngayon si Puti pag nalaman niyang graduate na kapatid niya sa High School hay tama na ang drama
" Wala ka bang balita kay Kentucky?"Tanong sakin ni Tonyo
" Wala eh pero babalik yun "Sagot ko
" Ito mga pinagsisihan ko sa buhay ko sana nagtapos ako ng pag aaral para di tayo ganto at di tayo magkalayo layo! Tingnan mo kalagayan natin ngayon habang buhay na ata tayong ganito "Wika ni Tonyo
" Ano ka ba wag mong sisihin yang sarili mo wala tayong magagawa kung ito yung binigay satin ng diyos pero magpasalamat pa rin tayo dahil di tayo pinapabayaan "Wika ko
" Gagawin ko lahat makapagtapos lang yung Apo kong si Klinton para di niya maranasan ang gantong hirap pag nagkapamilya siya! Naaawa ako sa batang yun Welma "Wika ni Tonyo
" Tsk halika na ng makauwi na tayo anong oras na naghihintay pa mga alagang baboy natin dun "Wika ko
" Tara "Wika ni Tonyo
Kinuha ko na mga dala bagong pitas na gulay tsaka mga prutas para ibenta sa kabilang bayan! Tuluyan kaming lumabas dito sa may kubo namin sa bukid at naglakad na pauwi
" Tonyo? Ramdam mo rin bang babalik si Puti? Kasi ako matagal ng umaasa na babalik yung Apo natin kaso magtatatlong taon na pero di niya pa rin tayo binabalikan "Wika ko
" Ewan ko sa batang yun kung mahal niya talaga tayo babalikan tayo nun pero kung hindi wag na tayong umasa "Wika niya
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad para makauwi na anong oras na kasi baka hinihintay na kami ni Klinton sa bahay! Nangako sakin si Amira na ibabalik niya Apo ko pero asan na? Pero totoo yung sinabi ni Tonyo na pag mahal kami ni Kentucky babalik yun pero kung hindi, di na kami aasa pa .

Kentucky's POV

Makalipas ang tatlong taong pahihirap napatunayan ko sa sarili ko na kaya kong mabuhay mag isa kahit wala sa tabi ko si Lucas ang importante kasama ko mga anak ko kuntento na ako sa dalawa at wala na akong balak na pumasok sa relasyon pa! Masasabi kong di madali sa una pero habang patagal ng patagal nawawala yung sakit sa puso ko at ngayon masasabi kong nakabangon na ako dahil sa tulong ni Mama at Papa lalong lalo na si Kuya na siyang laging nasa tabi ko nung kakasilang ko sa mga anak ko! Ayoko ng makita si Lucas ayoko na ding makasama siya okay na ako sa lahat dahil susundin ko kung ano ang nararapat, sa mga nakalipas na taon nagpursigi akong magtrabaho para sa kambal ko, dahil sa tulong din nila Mama at Papa nakabili na din ako ng sarili kong bahay, isa ito sa mga pangarap ko kila Mama at Papa nung sila'y nabubuhay pa ang bilhan sila ng sariling bahay at bigyan ng maginhawang pamumuhay! Tiniis ko ang di makita sila Lola para di ako umiyak tiniis ko din ang di ko makausap si Klinton(Kapatid ko) dahil alam kong mapapauwi ako ng probinsya pero ngayong tapos na mga problema namin sa kompanya magpapahinga muna ako tas babalikan ko sila Lola! Kasalukuyan pala kaming nandito sa bahay kakauwi lang galing sa bahay nila Papa John nasa sala yung kambal ko habang kalaro nila yung anak ng kapitbahay naming Hapon kaya nagluto muna ako ng makakakain ng dalawa habang busy kakalinis si Aleng Rosita(Kasambahay namin dito sa bahay) sa taas ng bahay namin! Nasa trabaho pala si Kuya Jonas kaya wala siya dito sa bahay, isang chief yung Kuya ko naiinis lang ako sa kanya dahil mahilig paiyakin yung kambal ko lalo na yung maliit yung palaging tinatarget
" Mama kooo asan man ikaw huhu "Iyak ni Emman(Anak ko)
" Bat umiiyak ka na naman?"Tanong ko
Tumayo muna ako at iniwan ko yung mga lulutuin ko sa mesa pumunta muna ako ng sala at nakita kong nakatayo yung anak ko habang iyak ng iyak
" Oh? Asan Kuya mo? Bat mag isa ka nalang dito?"Tanong ko
" Mama ko iwan ako tuya takbo man sila Hapon(Anak ng kapitbahay namin) tas tulak Hapon Mama ko tas dapa huhuhu "Iyak niya
Lumapit ako sa anak ko tsaka kinarga ko siya bumalik ako sa kusina tsaka pinaupo ko siya sa mesa
" Wag ka na umiyak papaluin natin si Kuya tas kukurutin natin si Hapon mamaya kaya tahan na "Wika ko sabay punas ng luha niya
" Tulak man ako Hapon Mama ko "Iyak niya
" Tinulak ka ni Hapon? Papaluin din natin si Hapon "Wika ko
" Mama ko dede man ako "Wika niya
Kinuha ko yung dede niya tsaka binigay ko sa kanya
" Dun ka muna sa sofa nak nagluluto pa ako ng ulam natin para makakain agad tayo "Wika ko
" Kiss "Wika niya
Agad naman niya akong hinalikan at tumakbo na papunta sa may sofa agad naman siyang humiga at dumede na kaya umupo na ulit ako tsaka hiniwa ko na yung mga karne! Tulad nga ni Lucas ayaw din ng kambal ang kumain ng gulay kaya minsan pinapalo ko yung dalawang yun dahil ayaw talaga kumain! Oo aaminin kong napapangiti ako sa twing naaalala ko yung mga pinagsamahan namin ni Lucas pero hanggang dun na lang yun di na maibabalik ang lahat ng yun
" Nakangiti ka na naman! Sasagutin mo na ba si Sir Iñigo niyan?"Tanong sakin ni Aleng Rosita
Di ko namalayan na nasa harap ko na pala si Aleng Rosita
" Tsk ikaw talaga Aleng Rosita di ko naman manliligaw si Iñigo eh kaibigan lang yun ni Kuya "Wika ko
" Talaga lang ha? Bat may pa flowers sa twing pumupunta siya dito? Bat may pa grocery? Bat may pa kwentas tsaka singsing? Bat may pa chocolate tsaka cake? Tapos di manliligaw? Nako hijo dumaan na ako dyan "Wika niya
" Aleng Rosita talaga syempre ninong ng kambal eh "Wika ko
" Talaga bang ninong lang? Or soon to be daddy na ng kambal?"Tanong niya ulit sakin
Kaibigan pala ni Kuya si Iñigo isang seaman tsaka oo inaamin ko manliligaw ko siya pero wala akong balak na sagutin siya dahil natatakot ulit akong masaktan kaya hanggang ligaw lang muna
" Gwapo kaya ni Sir Iñigo! Maputi, matangkad, macho, may tattoo sa braso, matalino, seaman, magaling mag basketball, at higit sa lahat binata sariwang sariwa "Pang aasar sakin ni Aleng Rosita
" Simple lang naman yung gusto ko sa lalake Aleng Rosita eh kahit di kagwapuhan tsaka di kamachuhan o kung ano ano pa man yan ang importante di tamad tsaka dapat masipag at matyaga hindi yung mukha lang tsaka katawan yung maipagmamalaki walang patutunguhan yun "Wika ko
" Totoo yan hijo totoo yan "Wika niya
Nung bata pa ako si Bugart nun yung gusto ko kasi simple lang tsaka masipag pa sa trabaho! Kamusta na kaya si Bugart ngayon? Di ko na kasi siya nakita nitong mga nagdaang taon! Pero sigurado akong may pamilya na yun at masaya ako dun
" Aleng Rosita? Pwede bang ikaw nalang magluto ng pananghalian natin? Asikasuhin ko lang yung kambal "Wika ko
" Yung isa nga tulog na eh humihilik na sa sofa pero yung isa ewan ko kung nasan "Wika ni Aleng Rosita
" Tulog na ba si Emman? Kakabigay ko lang ng gatas sa kanya eh "Wika ko
" Osige na asikasuhin mo na dun yung kambal ako na dyan "Wika niya
Tumayo na ako at naghugas ng kamay at pumunta na ako sa sala! Nakita ko namang nakatihaya yung Emman ko habang hilik ng hilik ito
" Kawawa naman "Wika ko
Lumabas muna ako para puntahan yung Elton ko nandun na naman kila Hapon tapos yung kapatid niya iniiwan lang sa sala kaya umiyak ng umiyak
" Tao pooo "Sigaw ko
Bigla namang lumabas yung babaeng kasambahay nila at lumapit sakin
" Bakit po? Ano po kailangan nila?"Tanong ng babae sakin
" Nandyan po ba anak ko? Yung kalaro ni Hapon?"Tanong ko
" Ahh oo nasa loob siya teka tawagin ko "Wika niya
Lakwatsero talaga yung batang yun hindi makatiis sa bahay kaya di maiwasang mag away yung dalawa ambilis kasi magsawa tong isa
" Mamaaa "Sigaw niya
Tumakbo naman yung anak ko at binuksan nung guard yung gate agad kong kinarga tong Elton ko tsaka naglakad na pauwi
" Diba sabi ko sayo wag mong iiwan kapatid mo iyakin na nga iniwan niyo pa "Wika ko sa anak ko
" Hapon sabi Ma laro daw dun bahay nila tas takbo iwan Liit "Wika ng anak ko
" Dapat dun lang kayo sa bahay para may kalaro kapatid mo "Wika ko
" Asan man Liit?"Tanong niya
" Nandun sa sala tulog "Sagot ko
" HAHAHA "Tawa niya
" Tuwang tuwa ka pa ha "Wika ko
Napansin ko din na habang palaki ng palaki tong anak ko parang nakikita ko na ugali ni Lucas pero wag naman sana! Tuluyan kaming pumasok sa loob ng bahay tsaka pumunta na sa taas para ihiga tong Emman ko! Iyakin to eh ang arte pa sobra at higit sa lahat reklamador tulad ng Lucas niyo! Mainitin pa ulo pag di nasusunod yung gusto! Pero okay lang ang importante nasakin silang dalawa masaya at walang manggugulo pa .

ALL NIGHT LONG SEASON:2✨(ON-HOLD)Where stories live. Discover now