Dear Tadhana,
Tama nga ba na basta mo nalang iwan ang taong mahal mo sa ere? Of course it's wrong. Pero masisisi mo ba ako na ganun ang ginawa ko. Pagkatapos kong malaman na mahal niya ako, bigla nalang akong naglaho sa paningin niya. Natakot ako bigla. Pinili kong umalis sa lugar nayun para kalimutan siya. Natakot akong masaktan. Natakot ako na baka pag inamin ko rin sakanyang mahal ko siya ay magiging kami. Pagkatapos ano? Maghihiwalay rin naman. Wala namang perpektong relasyon. Walang forever, kaya paano ko masasabi na kami parin sa huli. Na hindi kami parehong masasaktan. Oo, duwag ako. Puro sorry ang nasa isip ko. Sorry kasi hanggang dun lang yun. Sorry kasi ayoko nang committment. Magkakasakitan rin lang naman kami. Hindi ako bitter. Sadyang napagtanto ko lang na maraming mga taong may pusong bato, pusong nadurog dahil sa matinding sakit. Tuwing iniisip ko na pwedeng magkaroon kami ng chance ay nakikita ko naman sina Mama at Papa na nag aaway. Kung paano sila nagkasakitan. Hanggang sa nagkahiwalayan. Baka mangyari samin yan. Hindi sa advance akong mag isip. Ganyan lang talaga ang nakikita ko. 'Wag niyo akong sisihin kung ganyan ang pananaw ko. Pero paano ba tadhana? Paano ko haharapin ito? Susubukan kong bumalik. Baka sakali ay magtagpo kami ulit. Mahal pa kaya niya ako? Kung magkikita kami ulit, ano ang sasabihin ko? Mahal kita? Sorry? Natakot ako? Ano nga ba? Ikaw na ang bahala..... tadhana.
BINABASA MO ANG
Dear Tadhana,
RandomA story of a person who just find the woman inside her when she moved at the province.