Chapter 1: Far cry from

47 1 0
                                    

Dear Tadhana,

Nagsimula ang lahat sa paglipat ko sa probinsya ng La Delphia.



*


Goodbye Manila. 5 hours daw ang byahe namin papunta sa probinsya ng Lola ko. Hindi ko alam kung bakit nila ako gustong ipatapon dun sa probinsya. Wala naman akong ginawang kabulastugan sa school ko. Maganda naman ang buhay ko dito sa Manila. Nag-aaral ako sa private school. Malaki ang allowance ko. Wala naman akong problema dun. Bakit ba kasi gusto nila akong umalis nang Manila?

Nakakaimbyerna lang kaya ayaw ko nang magisip nang mga dahilan pa. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sumandal sa upuan sabay lagay ng earphones sa tenga ko.


Nagising ako sa malakas na pagpreno ni Manong. Kinusot ko ang mga mata ko at tinanggal ang earphones sa magkabilang tenga ko.


"Anong meron?" Tanong ko sabay sulyap sa driver namin.


"Yung apat na estudyante po kasi, bigla-biglang tumatawid," Sabi ni manong na napailing-iling. Tumingin ako sa labas para tignan yung sinasabi ni Manong. Nagtakbuhan ang apat na mga estudyante. Mga isip bata


Ibinaba ko ang salamin ng sasakayan para matignang mabuti ang labas. Pinasadahan ko nang tingin ang mga palay na nadadaanan namin.


"Ito na ang La Delphia?" Tanong ko kay Manong nang hindi siya nililingon dahil nasa labas lang ang tingin ko. Hindi naman siguro halata na hindi ko gusto ang nakikita ko. Puro palay at bundok ang nakikita. Hindi kasi ito ang nakasanayan ko. Sa Manila kasi puro mga gusali ang nakikita ko. Ibang iba talaga dito kesa sa Manila.


"Opo. Maganda dito. Palakaibigan ang mga bata dito at mababait ang mga taga dito. Maganda ang tanawin no?" Really? Ang dami daming sinasabi.


Naalala ko tuloy yung mga barkada kong nasa Manila. Matatagalan pa bago ko sila makita. Dito daw kasi ako magtatapos nang high school. The hell with that! Bakit di nalang sa Manila eh last year ko nanaman. Pagkatapos ko din naman nang high school dito babalik din akong Manila para dun magcollege.


"Nandito na tayo," Sabi ni manong at agad bumaba nang sasakyan. Kinuha ko na nag mga gamit ko at lumabas narin nang sasakyan. Tumambad sa akin ang malaking bahay na may dalawang palapag. Hindi ko alam na malaki pala ang bahay ni Lola dahil ngayon lang naman ako aka punta dito. Kada magbabakasyon kasi sina Mommy dito hindi ako sumasama, yung nakatatandang kapatid ko lang. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong sinalubong nag yakap ni Lola.


"Alison apo. Miss na miss na kita." Agad ko ring niyakap si Lola. "Miss ko na din po kayo La," Sabi ko at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sakanya. Nasa edad anim napu't siyam na si Lola pero halatang malakas parin ang kanyang pangangatawan.

"Dalagang dalaga kana talaga. Siguro may boypren natong apo ko." Sabay kalas niya sa pagyayakapan namin. "Ew, it can't even give me money! Sige akyat muna ako La para ilagay 'tong mga gamit ko." Sagot ko sabay dampot sa mga gamit ko at pumihit paakyat. Pumasok ako sa kwarto na nasa dulo. Yun kasi sabi ni Mommy na nasa dulo raw yung kwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko sa puting kwarto. Maganda ang pagkakayos nang mga gamit sa mesa na nasa gilid nang kulay maroon kung higaan. Inilapag ko ang mga gamit ko sa kama at pumunta sa bintana. Binuksan ko ito at agad tumama sa mukha ko ang preskong hangin. Safe. Peace.


Napalingun ako sa table kong nasaan yung cellphone kong nagriring.

"Hello Ali, kumusta? Nakarating ka na ba? Yung mga bilin ko sayo ha! Huwag mong pagaalahanin yang Lola mo, alam mo namang matanda na si Mama. Tsaka anak, sana matuto kanang mag suot ng pambabae jan ha!" What now? Another word of wisdom from her?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Tadhana,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon