This is the consequence kapag minadali mo ang pag-ibig, papaikutin ko pa ba? Syempre ang bottom line ay masasaktan ka.
Wala naman akong choice o ikaw, dapat alam ko na nga una palang na kaakibat ng saya, or should I say kaakibat ng pagmamahal ang sakit.
Pero wala, minsan ang kulit rin talaga ng lahi ko, akala ko kapag may opportunity pwede ko ma workout.
Akala ko dahil maayos na ako pwede ko rin maayos yung bubuuin kong relationship.
So nagconfess ako, I told him that I like him, just like any girl nangarapa na yes baka ito na? Baka this time kapag ginawa ko ng tama aayos na? Magwowork na?
"Bakit mo naman tinigil?"
Usisa ni Lisa kaibigan ko, kanina pa kami rito sa labas ng ice cream house nakaupo. Konti na lang din ang tao dahil medyo madilim na rin, sa totoo lang hindi ko rin alam bat ko pa siya niyaya rito clearly we have a test tomorrow na dapat ay sa mga ganitong oras ay nag-aaral kami.
Umiling ako bilang sagot kasi hindi ko rin alam kung bakit — o baka alam ko naman talaga ayaw ko lang sabihin.
Binaba ko ang tingin sa ice cream na hawak bago pinagmasdan ang kalsada na halos malinis na, wala na ngang dumadaan.
"Alam mo yun?"
"Ang alin?" kasabay ng tanong niya ang paglingon ko sa langit, madilim na at kalahati lang ang buwan, malamig rin ang simoy ng hangin dahil December na ilang araw na lang ay Christmas break na rin.
"Na hindi naman talaga niya ako gusto, masaya lang siya sa idea na nandiyan ako. Na maayos ako—-- iyon bang alam niyang kahit sabihin ko na aalis na ako, napapagod ako kampante siya na babalik ako sa kanya kasi mas mabigat yung nararamdaman ko sa kanya." kahit anong iyak ko wala talagang lumalabas na luha.
Normal ba iyon? O baka nasanay na lang akong nasasaktan? Bakit kaya wala akong nararamdaman ngayon? Dahil ba hindi ko pa siya nakikita ulit? Masasaktan ba ako kapag nagkita kami ulit?
"Paano mo naman yan nasabi? Baka naman busy yung tao— what I mean is busy kayong pareho?" natawa ako roon, busy nga kami pero hindi naman ako tanga para hindi maramdaman kung talagang may gusto ba sa akin iyong tao o wala.
Hindi naman ganun kahirap magbasa ng mga galaw ng tao, kahit nga pakiramdam and even how they treat you kayang kaya mong basahin kaya hindi ko maintindihan iyong iba na nagtatanga tangahan pa. Kumakapit pa, baka kasi magbabago pa iyong tao?
Baka kasi sa pangalawang pagkakataon mas mag-eeffort na siya?
Baka may pinagdadaanan lang?
No, kung talagang mahal ka ng tao hindi ka niya gagawin iyong mga bagay na alam niyang makakasakit sayo.
Kung mahal ka ng tao ipaparamdam niya iyon sayo,
Kung mahal ka ng tao aalagaan ka niya, magiging maingat siya sa sasabihin, sa iaakto o ipaparamdam niya sayo kasi mahalaga ka kasi mahal ka niya.
Iyon yung alam ko, alam ko nga pero sinabi ko parin sa sarili ko na baka pwede pa, baka magbabago pa siya.
Pero mahirap palang ayusin yung taong hindi kayang ayusin yung sarili niya.
Yung taong alam na hindi ikaw yung taong handa siyang mag-effort,
Hindi ako iyon, hindi magiging ako.
"Sapat ba na rason yan?" balik kong tanong kay Lisa.

BINABASA MO ANG
As the Sun Sets
Roman pour AdolescentsAno ang mas matimbang pamilya o ang taong mahal mo? Paaano kung binigyan ka ng tadhana ng isang sitwasyon na wala kang ibang choice kundi ang lumayo? Papakawalan mo ba ang love na minsan lang dumaan? Katulad ng ibang babae ay nangarap rin si Coco s...