Chapter 16:Reyn-gerous!!!⚫️⚫️⚫️

14 1 0
                                    

Laura Joy POV

Nabulabog ako ng biglang nagring yung phone ko and it's Reyn! Finally!

"Hello Reyn! Buti na---"

[Lj diba ikaw yung bestfriend ng anak ko!!? Si nanay Amyr to!! Nanay nya!! Pwede niyo ba niyo kong tulungan!!?] halatang kinakabahan na si Nanay Amyr. Anong nangyari!!?

"Ha teka lang po ha?? Papunta napo kami diyan!!" Kasama ko si Sammy na pumunta. Tinext ko nalang si Christian na dadalhin namin si Reyn sa hospital.

"Tita! Tita kami na po ito!" Pinapasok niya naman kami at agad kaming tumakbo sa kwarto niya. The heck!!? What happened to my bff? Agad naman siyang binuhat ni Sammy at sinakay sa kotse.

"Tita ano po bang nangyari?" Mugto yung mata niya.

"Hindi ko alam. Umuwi siya sa bahay ng walang gana tapos agad siyang pumasok sa kwarto, naligo siya tapos pinapababa ko na siya pero ang tagal kong naghihintay kabukas ko nakahilatay na siya... Di ko alam gagawin ko nak.. Natatakot ako para sa anak ko..." Agad ko naman niyakap si Tita.

"Tita tama na po okay? Magiging okay rin si Reyn. Tinext niyo na po ba si Tito?" At tumango na siya na umiiyak parin. Nakakahawa yung iyak niya.

Ilang sandali pa lumabas na yung doctor...

"Who is the family of the patient?" Agad na tumayo si Tita Amyr.

"Ako po! Anong nangyari sa anak ko?" Inawat ko si tita baka magwala pa to.

"Misis, we need to talk privately about the condition of your daughter" sumama nalang ako para alalayan si tita.

"So base sa nangyare. Nakakaranas na siya ng paghilo at pagkahimatay. It's because she has brain tumor. At pag di po yun naalis... Sorry to tell you... Pwede niya iyon ikamatay... As much as possible dapat maoperahan na siya. Pag lumakhi na ito delikado na... So goodluck Misis Mañalac Godbless.." At lumabas na yung doctor.

Di parin ako makapaniwala sa sinabi ng doctor. No! She's a good person! Bakit siya pa!? Bakit bestfriend ko pa!?

"Tita tama na po. Kung magiiyakan po tayo dito wala pong mangyayare. Puntahan muna po natin si Reyn. She'll be okay! She's strong! Tayo nalang po pagasa niya. Kaya magpakatatag po tayo tita" umiyak na rin ako. Siguro ito yung nagagawa ng pagibig lalo na pagmahal mo talaga siya.

[HOSPITAL ROOM]

Tahimik parin kami habang pinagmamasdan si Reyn.

She's like an angel... A kind-hearted person...

I think we can't afford if God will get her already...

Pero sana naman wag muna... Not this time...

Maraming masasaktan.. Iiyak..

Habang tahimik kami bigla nalang may kumatok at sumilip.

"O Christian pasok kayo" aya ko sakanila. Pero bakit wala si Jaemuel?

"Hi po tita. Bless po" sabay sabay nilang sabi.

"Sige iho. Kumain naba kayo? Kain kayo diyan o. Lj paasikaso muna ha. Pasensya na"

"Okay lang po tita" at binigyan sila ng plato. Halatang pagod. Galing basketball.

"Bakit nga pala wala si Jaemuel? Does he know about this?" Tanong ko kay Christian by whispering.

"Oo. Kaso hindi siya makakapunta. Emergency daw sa bahay nila" ha!? Mas importante pa ba yun?

"Ha!? Di niya ba alam sitwasyon ni Reyn? Tara nga sa labas kita kakausapin. Sayo ko muna sasabihin" at hinila ko na siya palabas.

"Babe, Reyn has brain tumor. Kailangan niya ng maoperahan sa lalong madaling panahon. If not, ikamamatay niya. I know kailangan niya si Jaemuel sa ngayon. She doesn't know about this"

"Pano kung magising siya? Sinong unang hahanapin niya? Diba si Jaemuel? Pano siya ooperahan kung ayaw niya at lagi niyang hinahanap si Jaemuel. She will decide to die than to live. Now gusto ko babe, help Reyn. Tawagin mo si Jaemuel. Mas emergency to..." Tumulo na nga ang luha ko. Awang awa na ko sa bff ko.

***Calling Kuys Jaemuel***

Ring... Ring... Ring..

[Bakit kuys?] niloud speaker niya pa.

"Kuys? Nasaan ka na?"

[Sorry kuys. Di ako makakapunta sabihin mo sa grupo. Kasama ko si Anastasia. Kailangan niya ako] dahil nanggigil ako inagaw ko sakanya yung phone.

"Hoy Jaemuel! Mas importante ba yang Anastasia na yan kaysa kay Reyn ha!? Tandaan mo! Hindi kana makakalapit kay Reyn pag hindi ka pumunta dito! Tandaan mo yan! Di mo alam kung anong pinagdadaanan ng bestfriend ko ngayon. Gago ka puta ka!" At binabaan ko siya ng phone.

"Shhh! Tama na babe. Magiging okay rin siya... Tama na..." Niyakap pa nya ako ng mahigpit.

Reyn POV

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko.

Bakit ang liwanag... Nasa langit naba ako?

"Hay anak buti naman gising ka na!" Bakit umiiyak si Nanay?

"O nay? Bakit umiiyak ka? Hahaha napano? Okay na ko" pero kita parin sa mukha niya yung lungkot. Biglang pumasok si Lj.

"Bes buti naman gising ka na" umiiyak din siya.

"Teka lang ha!? Ano bang nangyayari at nagiiyakan kayo!? Duh! Nahimatay lang ako dahil siguro sa pagod. Atyaka di naman ako mamatay no. Si iron man kaya to" at nagact pa ko na parang si iron man. Pero patuloy parin sila.

"Bes kasi may tumubo sa ulo mo" ha? Anu daw? Ano buhok?

"Ha? Di kita gets" nagtataka parin ako.

"Anak kasi my Brain Tumor ka daw sabi ng doctor. Kailangan mo na maoperahan bago pa lumala"

No! Hindi! Sabihin niyo sa akin di totoo to. Panaginip lang to! Hindi!!

"Hindi totoo yan nay. Hahaha palabiro t-talaga k-kayo ha-ha-ha" naiiyak na rin ako.

"Oo bes. Ayaw man namin sabihin sayo pero kailangan e"

"Shhh ayoko na ng umiiyak okay? Isipin niyo nalang na walang nangyari okay? Nasaan pala si Jaemuel?" Pilit kong ngiti.

"Bes wala siya dito e..." Bakit parang may tinatago siya?

"O nasaan siya? Yung Kwatrong Langka?"

"Ah bes. Pupunta din yun. Ahm nasa labas sila e mamaya nalang daw sila papasok. Binili ka na din nila ng pagkain" napatango nalang ako.

I need to be strong for Jaemuel. Di dapat ako umiiyak, I need to fight. Papakasalan ko pa siya. Si nanay pa... I don't want to think of negative thoughts. Kaya I am trying to smile.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++
Yan muna sa ngayon ha. Medyo nabusy si Ms. Author.
Babawi nalang ako. Btw!!! I need your votes and comments guys!
Malapit na birthday ko! JUNE 26, gift niyo na sakin votes and comments niyo.
Ig: @kimberlyperico
I'm open for dedication. Just comment or mb. Iloveyouall.
God bless us.
#HLPrayForReyn
-MS. KIM🔺

Sad Beautiful Tragic (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon