Chapter 3

12 1 0
                                    

Warning: SPG

This chapter contains foul words. Sorry pero kailangan eh. Expressions lang naman yun. :))



**




Concern

Naglalakad akong magisa. Forever alone na ata talaga ako. Leche. May forever na. Masaklap na forever nga lang.




Mukhang pati nga ang langit nakikisabay sa nararamdaman ko ngayon.





Its raining. Bumuhos ang malakas na ulan pagkaalis na pagkaalis ko sa oval. Bwisit na ulan na to. Lalo pang pinagdudukdukan sakin na mag-isa na lang talaga ako. Bakit ba sa tuwing malungkot ang tao, bigla-bigla na lang umuulan? Lagi na lang nakikisabay sa sakit na nararamdaman. Parang ngayon, sobrang nasasaktan ang puso ko. Nagkaroon na onting lamat dahil na rin sa katangahan ko. Pa-confess confess ka pa kasing nalalaman thea. Kung sana, itinikom mo yang bibig mo, edi sana kahit papaano masaya ka pa rin kasi makakasama mo pa rin naman siya eh. Pero ngayon, parang impossible na.





Habang naglalakad ako, patuloy lang na umaagos ang mga luha ko. Okay lang. Hindi naman mapapansin. Kahit papaano, nagpapasalamat pa rin ako na nakisabay ang ulan sakin. Thank you, ulan.





Basang basa na ko. Nanginginig na rin ako sa lamig. Naka-sleveless kasi ako tapos shorts pa. Pinasisisihan kong nagsuot ako ng ganito ngayon. Aish. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.





Tumingin tingin ako sa paligid. Mahaba haba pang lakaran to. Ang layo kaya ng oval sa bahay. Sigurado naman akong kulang pa para pampamasahe yung dala kong pera ngayon. Hindi naman sa naghihirap ako. Hindi kasi ako nagdadala ng malaking pera dahil na rin lagi kaming magkasabay ni ally pauwi. Tapos hindi naman kami namamasahe. Pero ngayon, kailangan ko nang paalalahanan ang sarili ko na magdala na ko ng malaking halaga ng pera araw-araw.





Napakunot ang noo ko.






Biglang hindi ko na nararamdaman yung buhos ng ulan. Tumingala ako sa pagkakayuko, may mga patak pa rin naman ng ulan ah? Malakas pa nga eh.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon