PROLOGUE
Masayang bumaba mula sa kanilang sasakyan si Maxine. Galing siya sa pribadong eskwelahan na kanyang pinapasukan. Lagi na ay hatid-sundo siya ng driver na nakatalaga para sa kanya. Isa iyon sa sinisiguro ng kanyang Uncle Leandro--- ang lagi siyang may kasama sa tuwing lalabas ng kanilang bahay.
She's thirteen years old, at nasa sekondarya na nang taong iyon.
Mula nang magkaisip si Maxine ay ang Uncle Leandro at Auntie Cara na niya ang kinalakihan niyang mga magulang. Mag-asawa na ang mga ito at kapwa niya kadugo.
Si Cara ay kapatid ng kanyang ina habang si Leandro naman ay half-brother ng kanyang ama. Technically, both of them are her relatives by blood.
Ang mga ito na ang kinalakihan niya mula nang mamatay ang kanyang tunay na mga magulang. Ayon pa sa kanyang Auntie Cara, isang taon pa lamang siya nang maaksidente sa daan ang kanyang ama't ina na naging dahilan upang bawian ang mga ito ng buhay.
Maaga siyang naulila ngunit ganoon pa man ay walang mairereklamo si Maxine. Tumayong mga magulang sa kanya sina Leandro at Cara. At kahit sabihin pa na hindi siya anak ng mag-asawa ay lagi namang pinaparamdam ng mga ito ang labis na pagmamahal sa kanya. And with that, Maxine couldn't ask for more.
Idagdag pa na bilang isang Sevilla ay mayroon siyang maalwan na buhay. Mayroon siya ng mga bagay na kanyang nais at nakakapag-aral sa isang mamahaling paaralan.
Pagkababa mula sa kanilang sasakyan ay agad na siyang pumasok sa loob ng kanilang tahanan. She was so excited to go home. Isang rason ay dahil sa ibinigay kanina ang kanilang report card.
Simula pa man noon ay lagi nang nakakakuha ng matataas na marka si Maxine dahilan para lagi siyang mapasama sa mga estudyanteng may mga parangal. At hindi naiiba ang araw na iyon. Sa muli ay kasama siya sa mga estudyanteng may honors.
"Manang Rebecca, sina Auntie ho?" tanong niya sa matandang babae na matagal na nilang kasambahay. Minsan ay nabanggit pa ng kanyang tiyahin na dalaga pa lamang ito ay nagtatrabaho na si Manang Rebecca sa bahay na iyon.
"Nasa study room sila, Maxine. Kasama niya si Sir Leandro," saad nito na saglit na tumigil sa ginagawang pagpupunas ng mga figurines na nakapatong sa ibabaw ng isang bureau.
Umusal siya ng pasasalamat para dito bago dire-diretso nang tinahak ang patungo sa may study room. Nasa ground floor lamang iyon at katabi ng hagdanan.
Nasasabik siyang ipakita sa mga ito ang kanyang marka at sabihin na kasama siyang muli sa mga may parangal.
But just as when she was about to step inside the room, Maxine stopped on her track. Agad niyang naulanigan ang tinig ng kanyang tiyuhin. Balewala na sana iyon sa kanya at magalang na lamang na sisingit sa usapan ng mga ito kung hindi niya lamang narinig ang kanyang pangalan na binanggit ni Leandro.
"Do you think Maxine would love to go to Montecillo University on her college?" tanong ni Leandro.
"Why not? Napakagandang unibersidad niyon, Leandro. I am sure she would love there," she heard Cara said.
Montecillo University!
Kilalang-kilala ang nabanggit na unibersidad. Bakit hindi? Karaniwan sa mga estudyanteng pumapasok roon ay nagmula sa mga pamilyang may sinasabi sa lipunan. At kung pamilya niya lang din ang pag-uusapan ay kayang-kaya ng mga itong pag-aralin siya sa unibersidad na iyon.
"I'm so glad that we've raised her so well, sweetheart," masuyong saad ni Leandro sa asawa nito. Mula sa pagkakatayo sa may pintuan ay nasilip niya pa ang pagngiti ni Cara. "Though, I was really puzzled why you disagreed to adopt her legally? Kung sana ay pumayag ka na lamang na ampunin natin nang legal si Maxine noon ay---"
"Leandro," banayad na saway dito ni Cara. "Matagal nang tapos ang usapan natin sa bagay na iyan. Alam mo na hindi talaga ako pabor na ampunin natin nang legal si Maxine."
Saglit siyang natigilan sa kanyang kinatatayuan. Ang balak niyang pagpasok sa study room upang kausapin ang mga ito ay nakalimutan na niya.
Her Uncle Leandro planned to adopt her legally? Bagay na tinanggihan ng kanyang Auntie Cara? Tama ba ang pagkakaintindi niya? Ganoon nga ba?
She can't help but to be puzzled. Bakit hindi pumayag ang kanyang tiyahin sa ideyang iyon? Bakit tutol ito?
Though, kung tutuusin ay halos wala namang magbabago kahit hindi gawin ng mga ito ang bagay na iyon. Mananatili pa rin naman siyang isang Sevilla sapagkat kapatid ng kanyang totoong ama si Leandro.
But a lot of questions came into her mind. Ano ang rason ng kanyang Auntie Cara kung bakit ayaw nitong ampunin siya nang legal? Hindi ba siya nito matatanggap bilang isang totoong anak?
With that thought, she can't help but to feel hurt....
BINABASA MO ANG
MU Series: The Submissive Lass
Teen FictionDahil sa maagang naulila ay lumaki si Maxine sa pangangalaga ng kanyang Uncle Leandro at Auntie Cara. Growing up, she is doing everything to be the best daughter for them. Ginagawa niya ang lahat upang maging isang mabuting anak para sa kinalakihan...