CHAPTER 18

12 5 1
                                    

CHAPTER 18

Tuluyang tinawid ni Kurt ang natitirang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Hindi nito hinihiwalayan ng titig ang kanyang mukha habang naglalakad palapit sa kanya. Nasilip niya pa ang labis na pagtataka sa mga mata ng binata habang mataman siyang pinagmamasdan.
"What are you doing here, Max?" ulit nito sa tanong. Sinulyapan pa nito ang entrada ng bar bago muling bumalik sa kanyang mukha ang mga mata nito.
She cleared her throat. "I-I... I just---"
She stopped talking. Agad kasi siyang nakadama ng hiya. Iniisip ba ni Kurt na nagpupunta siya sa ganoong klaseng lugar?
"Bakit?" tanong nito na nagtataka dahil sa bigla niyang pagtigil sa pagsasalita.
"I was with Melissa at Emily," imporma niya dito. "Nasa loob pa sila."
"I see," tumatango nitong saad. "And you're going home now?"
She nodded. "You know I'm not used to places like this. Naparito lang ako dahil sa paanyaya ni Mel. I never thought na bar ang pupuntahan namin."
"Hinayaan ka nilang umuwi mag-isa?" biglang bulalas nito, nasa tinig pa ang pag-aalala.
"I'm with Mang David," saad niya sabay turo pa sa bahagi ng parking lot kung saan naroon ang kanilang sasakyan. "H-How about you? Why are you here?"
Sinundan muna ni Kurt ng tingin ang bahaging tinuro niya. Maraming sasakyan ang naroon ngunit alam niyang alam nito kung alin doon ang kotseng gamit niya.
Then, he turned to look at her again. Isang alanganing ngiti pa ang sumilay mula sa mga labi nito bago siya sinagot.
"I just want to unwind," anito na napapakibit na lamang ng mga balikat. "Just had a little argument with my father."
Sukat sa mga sinabi nito ay napatayo nang tuwid si Maxine. Agad pa siyang napatingin dito nang mataman.
Kung pagmamasdan si Kurt ay wari itong matibay. Yaong tipong hindi mo basta-basta makikita ang kahinaan. But the truth is, he also has that vulnerable spot in his heart. Dama niyang may pinagdadaanan din ito sa buhay.
Nang araw ng kaarawan ng ina ni Kurt ay bahagya na itong may naikwento sa kanya tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang nito. Hindi man sabihin ng binata ay dama niyang labis nitong ininda ang nangyari. Sa kabila ng pinapakita nitong angas at katatagan ay alam niyang nakadarama ito ng bigat sa dibdib dahil doon.
"And you're going to drink because of that," hinuha niya sa balak nitong gawin.
Kurt was about to tell her something. Nagbuka ito ng bibig ngunit agad din iyong naitikom dahil sa mas inunahan na niya ito sa pagsasalita.
"Hindi iyon solusyon, Kurt. I-If... If you want, you can talk to me. I am willing to listen."
Matagal na hindi kumibo ang binata. Mataman lamang itong nakatitig sa kanya at kung hindi siya nagkakamali ay pag-aalangan ang dumaan sa mukha nito.
He heaved out a sigh. Isang malungkot na ngiti ang namutawi mula dito bago siya inaya.
Maxine found herself coming with him. Hindi na sila umalis pa sa lugar na iyon. Hindi niya rin naman gusto sapagkat kasama niya si Mang David at hindi niya nanaisin pang magbanggit ito sa kanyang tiyahin at tiyuhin.
"What happened, Kurt?" panimula niya.
Nakatitig siya sa mukha nito habang ang binata naman ay nakatutok ang mga mata sa kalsada. Kapwa sila nakaupo sa may gutter sa may parking lot ng bar. Nasa malapit lamang sila ng kinapaparadahan ng motorsiklo nito.
Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntong-hininga. Lumingon din muna ito sa kanya bago nagsalita.
"It was a normal scenario between me and father, Max. Mula nang maghiwalay sila ni mama ay hindi pa yata kami nag-usap nang maayos."
"W-Was it because of... of what he did?" maingat niyang pang-uusisa dito. As much as possible, nais niya'y angkop na salita lamang ang ibato dito. Hindi na niya nais pang dumagdag sa bigat ng nadarama ng binata.
"At first, yes," tugon nito. "I was just in highschool when they separated. Lagi na ay sinisisi ko ang papa sa mga nangyari. Sa kanilang dalawa ay siya ang may bagong kinakasama. I felt like it was the reason why he left me and mama."
Hindi siya nagsalita. Nakinig lamang siya dito at hinayaan itong ilabas lang ang sama ng loob na nadarama.
"Simula noon, hindi ko ninais makipag-usap kay papa. Maging ang suportang binibigay niya ay tinatanggihan ko," dagdag pa nito sa pagsasalita. "That was the reason why we argued a while ago. Pinipilit niyang tanggapin ko ang sustentong binibigay niya. But I refused to do so."
"W-Why?" hindi niya maiwasang itanong. "It's his obligation, Kurt."
Dahil sa mga narinig ay bahagyang natawa ito. "Exactly what my mother said," tukoy nito sa mga sinabi niya.
Napaayos siya ng upo. "And she's right, Kurt. Karapatan mo iyon."
"You don't understand me, Max," katwiran nito. "Hindi ganoon kadaling makalimot. It's not like, I'll wake up the next morning and forget everything that he did."
"Nahihirapan kang makalimot dahil nahihirapan kang magpatawad," wika niya dito.
"Tell me how, Max. How?"
"Ikaw lang ang makasasagot diyan, Kurt. You just have to feel it here," saad niya sabay hawak sa kaliwang dibdib nito.
The moment her palm touched his chest, Maxine instantly stopped on her track. Ang intensiyon niya lang ay ang ipaintindi kay Kurt ang nais niyang sabihin. Kung matututunan nitong patawarin ang ama ay mas gagaan ang nadarama nitong bigat sa dibdib.
Alam niyang wala siya sa lugar para sabihin iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang totoong nangyari sa mga magulang ni Kurt. But life was too short to focus on the negative things. Kung matutunan nitong patawarin ang ama ay nahihinuha niyang may tiyansa pang maging maayos ang relasyon nito sa sariling mga magulang.
And she wanted to point it out to him. Nagtatanong ito kung paano nga ba magpatawad. Isang bagay iyon na hindi niya rin alam. Tanging ito lamang ang makasasagot niyon. Tanging ito lamang ang makadarama niyon sa dibdib nito.
At hindi niya nga maiwasang ilapat ang kanyang palad sa dibdib ng binata upang ipaintindi dito ang nais niyang sabihin. Ngunit agad pa siyang natigilan nang bigla ay hawakan din ni Kurt ang kanyang kamay na nakatapat pa sa dibdib nito.
And it was something that sent an electrifying emotion to her. Hindi niya maipaliwanag ang mistulang kuryenteng nanulay sa kanyang balat nang hawakan nito ang kanyang kamay. Naramdaman pa ni Maxine ang pagkulong ni Kurt ng kanyang kamay sa palad nito and marahan iyong pinisil.
Wari bang tumigil ang lahat sa kanya at ni hindi na inalintana kung saang lugar sila naroon ngayon. It was only Kurt that matters to her and the idea that he was holding her hand right now.
"K-Kurt---"
"Aminado akong hindi ako buo ngayon dahil sa nangyari sa mga magulang ko, Max," wika nito sa mahinang tinig. Titig na titig ito sa kanya habang hawak pa rin ang kanyang kamay. "Pero simula nang makilala kita at madama ko ang damdaming ito para sa iyo, nagkaroon ako ng rason para ayusin ang lahat sa buhay ko."
"You should do it for yourself, Kurt. Hindi para sa akin," sinsero niyang saad dito.
Bigla na lang ay napangiti si Maxine kasabay ng marahan niyang pagbawi sa kanyang kamay na hawak pa nito. Umayos siya ng pagkakaupo at itinutok ang kanyang mga mata sa kalsada kung saan may mangilan-ngilang sasakyang dumaraan.
Maging si Kurt ay bahagyang natawa at alam ni Maxine kung bakit. Minsan na niyang nasabi ang mga katagang iyon sa binata. Nang minsang pinag-uusapan nila ang pagnanais nitong manligaw sa kanya kapag naipasa nito ang kanilang midterm exam ay ganoon din ang naging takbo ng kanilang usapan.
After laughing because of that thought, silence stretched between the two of them. For a moment, no one spoke. Wari bang may dumaang mga anghel at alam ni Maxine na parehong ang panliligaw sa kanya ni Kurt ang iniisip nila.
Hanggang sa mayamaya ay si Kurt ang bumasag sa katahimikang namagitan sa kanilang dalawa. Marahan itong nag-alis ng bara sa lalamunan bago lumingon sa kanya at nagsalita.
"Maxine, tungkol sa panliligaw ko sa iyo---"
He suddenly stopped talking when Maxine stood up abruptly. Dahil sa pagkilos na ginawa niya ay napatingala si Kurt sa kanya.
"Gumagabi na, Kurt. Mang David is waiting for me," saad niya habang may isang ngiting naglalaro sa mga labi.
"Max---"
"I had some realization as I was talking with Melissa a while ago. She was asking me kung may nagawa na rin daw ba akong isang bagay na ikaliligaya ko. Hindi ko nagawang sumagot sa kanya, Kurt," mahaba niyang pahayag. Nang tingnan niya ang mukha ng binata ay nakarehistro doon ang nagtatakang ekspresyon. Waring hindi nito maunawaan kung bakit niya sinasabi ang tungkol sa bagay na iyon.
"Hindi ko siya masagot dahil ang totoo'y ngayon pa lang ako gagawa ng bagay na alam kong labis na ikasasaya ng sarili ko," patuloy niya pa sa pagsasalita. "Gusto din kita, Kurt. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula pero masaya ako sa tuwing kasama kita."
Kurt was dumbfounded. Mistula itong natuklaw ng ahas at hindi agad nakahuma sa kinauupuan.
"Kung makatitig ka sa aki'y para bang tinubuan ako ng dalawang sungay, Kurt," natatawa niyang sabi dito. "Won't you say anything? Kurt---"
Sa kabiglaan ni Maxine ay marahas na tumayo ang binata at biglang lumapit sa kanya. Hindi na niya naituloy pa ang kanyang pagsasalita dahil sa sunod na ginawa nito.
His hands snaked on her waist and hugged her tight. Bahagya pa siyang umangat mula sa kanyang kinatatayuan nang basta na lamang siyang buhatin ni Kurt habang ang mga kamay nito ay nanatiling nasa baywang niya.
"Kurt, ibaba mo ako!" saad niya, bahagyang tumaas ang tinig dahil sa pagkabigla.
Isang pag-ikot pa muna ang ginawa nito habang buhat siya bago sinunod ang mga sinabi niya. Nang mailapag siya ng binata ay natatawang napatitig siya dito.
"Why did you do that?" tanong niya.
"You like me too?" anito sa halip na sagutin siya. "Are you telling me that... I mean, tayo... tayo na ba?"
Bigla ay naging seryoso ang kanyang ekspresyon. She's happy right now. Nadarama niya iyon sa kanyang dibdib.
Ito marahil ang tinutukoy ni Melissa. Minsan ay kailangan niya ring gumawa ng bagay na ikasasaya ng kanyang sarili, hindi lang ang para sa mga taong nagpalaki sa kanya.
And she knew she's doing it right now. Gusto niya si Kurt. O mas tama nga sabihing mahal na niya ito. At alam niyang labis niyang ikaliligaya kung magkakaroon nga sila ng opisyal na relasyon.
But how about her Uncle Leandro and Auntie Cara? Ano na lang ang sasabihin ng mag-asawa kapag pumasok siya sa isang relasyon nang hindi man lang ipinapaalam sa mga ito?
"Max..." untag ni Kurt sa sandaling pananahimik niya.
Tumingala siya dito. Her eyes met his. Punong-puno ng antisipasiyon ang mga mata nito at hindi na nga mapigilan ni Maxine ang mapangiti.
Masaya siya... iyon ang mahalaga.
Slowly, she nodded. Ang ginawa niya ay napangyari upang gumuhit ang isang malawak na ngiti sa mga labi ni Kurt. Agad pa siya nitong kinabig palapit at ikinulong pa sa mas mahigpit na yakap. Nadama niya pa ang pagdampi ng mga labi nito sa tuktok ng kanyang ulo.
And Maxine can't explain the happiness that she was feeling. Punong-puno ng galak ang puso niya at hindi niya kayang ipagpalit iyon sa ano mang yamang mayroon siya ngayon.

MU Series: The Submissive LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon