CHAPTER 8
Nang tuluyang makaalis si Kurt ay nilapitan na si Maxine ng dalawa niyang kaibigan. Nasa mukha ng mga ito ang labis na pagtataka--- pagtataka dahil sa naabutan ng mga ito na magkausap sila Kurt, bagay na kung tutuusin ay hindi niya madalas gawin kahit sa tuwing nasa loob sila ng kanilang classroom.
Si Melissa ang unang nang-usisa sa kanya nang huminto ang mga ito sa kanyang harapan. "Why were you talking to Kurt? Ano ang pinag-usapan niyong dalawa?"
"M-May... May sinabi lang ako," wika niya sa mga ito. Humakbang pa siya patungo sa isang tabi kung saan hindi makakaharang sa iba pang dumaraan. "I need to tell you something."
Pinaglipat-lipat niya ang kanyang paningin sa dalawang kaibigan. Napabuntong-hininga pa siya bago inamin sa mga ito ang totoo.
"Actually, ilang beses na kaming nagkikita ni Kurt. We always---"
"What?!" magkapanabay na bulalas nina Emily at Melissa dahilan para mahinto siya sa kanyang pagsasalita.
"What do you mean?" patuloy pa ni Emily. "Don't tell us nililigawan ka ni Kurt? O kayo na ba?"
"Of course not!" maagap niyang sansala sa mga sinabi nito. "Hindi siya nanliligaw sa akin at lalong hindi kaming dalawa. Nagkikita kami minsan pagkatapos ng huli nating klase para maturuan ko siya sa ating leksyon. He asked for a favor na mag-tutor ako sa kanya. Iyon lang ang dahilan."
Matapos ng mahaba niyang paliwanag sa mga ito ay saglit na natahimik ang dalawa. Mistula pa ay hindi naniniwala ang mga ito sa mga sinabi niya.
"Kung iyon lang ang dahilan, bakit kailangan mo pang itago sa amin? Bakit hindi namin alam ang tungkol dito?" mayamaya ay tanong ni Emily. Hindi pa nakaligtas sa kanyang pandinig ang hinanakit sa tinig nito.
"Hindi ko intensyong itago ang tungkol doon. It's just that, hindi ako makatiyempo ng tamang pagkakataon para sabihin sa inyo. I know you will be surprised knowing that we are not even close."
"Oh well, we are really surprised," saad naman ni Melissa. "Wala yatang malapit sa ating magkakaklase kay Kurt. He's so aloof to everyone. At nakamamanghang malaman na heto pala't madalas kayong magkita na dalawa."
"Though, wala namang masama kung magpaturo man siya sa iyo sa ilang leksyon natin," wika pa ni Emily. "Nakapagtataka lang kung bakit kailangan niya pang hilingin iyon sa iyo gayung matataas naman ang mga nakuha niyang marka sa exam natin noong nakaraan."
She knew about that. Nagkaroon sila ng exam nitong nakaraan lang. As usual, halos perfect score ang mga nakuha niya. And she was so happy because of that.
Nang minsang magkita sila ni Kurt ay natanong niya rin ito tungkol sa kung ilan ang nakuha nito sa kanilang pagsusulit. Surprisingly, Kurt got high scores. She was glad about it. Marahil ay dahil na rin sa madalas na silang magkita noon. Idagdag pa na nakikita naman niya sa tuwing nag-aaral sila na madaling makuha ni Kurt ang lahat ng leksyon nila.
Pinagkibit-balikat na lamang ng dalawa ang tungkol sa bagay na iyon. She was expecting for them to be mad, lalo pa't naglihim siya sa mga ito. Pero balewala iyon kina Emily at Melissa. Naroong nang-uusisa ang mga ito sa kung paano nagsimula ang ganoon sa kanila ng binata. But other than that, wala na siyang narinig sa mga ito.
Sa kabila naman kasi ng kapwa sila mga nagmula sa gold tier at mga may-kayang pamilya ay katulad niya ang dalawang kaibigan. Hindi mapagmata ang mga ito. Kaya naman, hindi niya rin alam sa kanyang sarili kung bakit hindi niya agad nasabi sa mga ito ang tungkol sa pagkikita nila ni Kurt.
Siguro dahil sa siya man din ay naguguluhan sa kanyang sarili sa tuwing nakakaharap niya ang binata. Naroon sa kanyang dibdib ang kakaibang damdamin sa tuwing nakakausap niya ito. Damdamin iyon na ni hindi niya mabigyan ng pangalan.
And that feeling occupied her. Dahilan iyon para hindi na niya mapagtuunan pa ang pagsasabi sa kanyang mga kaibigan ng tungkol sa usapan nila ni Kurt.*****
NATIGIL sa pagsasalita si Maxine nang mapansin nito ang mataman na paninitig niya. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang makita sila ng mga kaibigan nito na magkausap.
Tulad nga ng sinabi nito ay hindi siya kinatagpo ng dalaga ng isang beses dahil sa may kinailangan itong puntahan nang araw na iyon. It was okay with him. Hindi niya naman ito inoobliga ng palagiang pagtuturo sa kanya. Ni hindi niya nga alam kung bakit patuloy pa rin siya sa paghiling dito na maturuan tungkol sa kanilang mga leksyon.
Hindi niya maiwasang makadama ng inis nang makita ang reaksyon ng mga kaibigan ni Maxine na kinakausap niya ito. Nakita niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ng dalawa nilang kaklase. And it was only then when a realization hit him--- hindi alam ng dalawa na nagkikita sila ni Maxine para mag-aral.
Nang mag-umpisa itong mag-tutor sa kanya ay ni hindi na niya naisip pa ang tungkol sa bagay na iyon. And now that he realized about it, he can't help but to be disappointed.
Hindi ba sinabi ni Maxine sa mga kaibigan nito ang tungkol sa bagay na iyon? Kinakahiya ba ng dalaga na nalaman ng iba na nakikipagkita ito sa isang bronze tier lamang? Kaya ba hindi nito ipinaalam ang tungkol doon sa dalawa nitong mga kaibigan?
"What? You aren't listening," wika nito sa nananaway na tinig dahilan para maputol ang takbo ng diwa niya.
Kurt heaved out a deep sigh. Napayuko siya sa kwaderno na nasa kanyang harapan bago nagsalita. "I was just wondering, what did your friends say about this?"
"About what?" naguguluhan nitong tanong sa kanya.
Napalingon dito si Kurt. Masusi niyang pinagmasdan ang mukha ng dalagang kanyang katabi dahil nais niyang makita ang magiging reaksyon nito sa kanyang itatanong.
"Tungkol dito?" saad niya kasabay ng paglahad ng kanyang isang kamay. "Itong pagkikita natin. Itong pagtuturo mo sa akin."
Maxine just shrugged her shoulders. "Of course, they were surprised. Hindi ka gaanong malapit sa mga kaklase natin. Y-You are aloof to us. Tapos, heto at ilang beses na tayong nagkikita kada pag-uwian nang hindi man lang nila nalalaman."
"And what did they say?"
"What do they need to say?" bwelta nitong tanong sa kanya.
Katulad niya ay mataman na din na nakatitig si Maxine sa kanyang mukha. Magkatabi lamang sila ng dalaga sa kinauupuan habang nasa loob ng library. Ilang minuto na rin silang naroon at nakapag-umpisa na sa pag-review ng kanilang mga leksiyon.
Pagak na napangiti si Kurt dahil sa naging tanong ni Maxine. "You know what I mean, Miss Gold Tier. Hindi ba sila nagulantang na nakikipagkita ka sa isang bronze tier lamang? O pinag-uusapan niyo na ang katulad ko na---"
Natigil siya sa kanyang pagsasalita nang bigla ay isara ni Maxine ang librong kanina lamang ay binabasa nito. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang inis na panandaling dumaan sa mga mata nito nang makuha ang nais niyang sabihin.
"Una sa lahat, Kurt, hindi kami katulad ng iniisip mo. Yes, we belong to gold tier. Pero hindi kami nangmamata ng katulad mo na kabilang sa bronze tier. Pare-pareho lang tayong estudyante dito."
He looked at her face intently. Pilit niyang hinahanap sa mga mata ng dalaga ang sinseridad ng mga sinabi nito.
Nang hindi pa siya umimik ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Besides, ano ba ang mali sa pagtulong ko sa iyo sa pag-aaral? I don't see anything wrong with it."
"Hindi ka nila pinagsabihan? Like, stay away from me? Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman na ang katulad mong nagmula sa mayamang pamilya ay nakikipagkita sa katulad ko na bronze tier lamang?"
Tipid na ngumiti si Maxine. Muli nitong binuklat-buklat ang librong nasa harapan nito. Nasa libro ang paningin ng dalaga nang muling magsalita.
"You know, Kurt, I don't really care what others say. Hindi importante sa akin kung ano ang sasabihin ng iba. Hindi naman nila ako talagang kilala. They see me as a daughter of a wealthy man. Tagapagmana ng ilang hotel, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa," wika nito kasabay ng muling paglingon sa kanya. "But I wish they never knew me that way. Ang gusto ko ay yaong kilala nila ako bilang si Maxine. Kung sino ako at hindi iyong dahil sa apelyidong taglay ko. Pero hindi eh, lagi kong kaakibat ang pagiging Sevilla."
Pagkawika niyon ng dalaga ay muli na nitong inabot ang papel na kanina ay sinusulatan nito ng ilang mahahalagang detalye mula sa libro.
"Let's continue studying," patuloy pa nito sa pagsasalita. "Don't worry about Emily and Melissa. Hindi sila tulad ng iniisip mo. And don't mind the others. I don't give a damn about them."
Nagsimula na itong muli sa pagsusulat habang siya naman ay nanatiling nakamasid lamang dito. Wari siyang itinulos sa kanyang kinauupuan nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga.
Sa ikalawang pagkakataon ay binigyan siya ni Maxine ng rason upang mamangha dito. Una na ay noong dinala niya ito sa may palengke at doon ay inayang kumain ng ilang street foods.
Ang totoo ay sinadya niya iyon. Gusto niyang malaman kung pagkatapos ba niyon ay makikipagkita pa sa kanya ang dalaga. Sa palengke pa lang nga ay inaasahan na niya ito na mangalaiti sa kanya at iwan na lamang siya roon.
But surprisingly, Maxine ate what he bought. Sa una ay kababakasan ito ng pag-aalinlangan. That was expected. Ngunit yaong kainin din nito ang naturang pagkain ay labis na nakapagpagulat sa kanya.
And then now.
Sa ikalawang pagkakataon ay namangha siya sa ugaling ipinakita nito. Ang iba ay iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Inaasahan niya pa na lalayuan na siya nito ngayong alam na ng malalapit nitong kaibigan ang tungkol sa pagkikita nilang dalawa. Posible iyon dahil maaaring ayaw nitong mapahiya sa iba.
Ngunit kabaligtaran pa ang nangyari. She didn't care at all. Bagay iyon na labis na nakapagpagulat sa kanya.
Ilang pagkakataon na rin silang nagkakasama ng dalaga. Sa iilang pagkakataon na iyon ay may mga bagong katangian siyang nadidiskubre dito.
Ano pa ba ang mga bagay na malalaman niya tungkol sa dalaga?
BINABASA MO ANG
MU Series: The Submissive Lass
Teen FictionDahil sa maagang naulila ay lumaki si Maxine sa pangangalaga ng kanyang Uncle Leandro at Auntie Cara. Growing up, she is doing everything to be the best daughter for them. Ginagawa niya ang lahat upang maging isang mabuting anak para sa kinalakihan...