WHAT ARE WE?

30 6 1
                                    

               ELLIE SANTIAGO

Naranasan mo na ba'ng mahulog sa isang tao?

Naranasan mo na ba'ng iyakan ito gabi-gabi sa iisang dahilan?

Kong ako ang tatanungin ay nakailang ulit ko na itong gawin sa isang tao. I lied to myself. I lied to everyone just to keep him. I asked myself many times.

Ano nga ba kami?

We're not friends. We're not lovers. But I know I am deeply in love with him.

Masakit isipin na nakasanayan mo na ang taong laging nagpapangiti sa iyo pag gising mo kada umaga tapos bigla-bigla na aalis at maglalaho ito na parang isang bula.

"This is it, kaya ko 'to!" Pagpapalakas loob ko sa aking sarili isang araw habang papasok sa kanilang bahay. I am here because Tita Milliese invited me to her birthday. Ayaw ko pa sanang pumunta kaso pinipilit din ako ni Ashley kaya wala akong nagawa.

Nagkaroon lang naman ako nang lakas ng loob dahil wala siya dito. He left Philippines a long time ago. He left me also for a long time.

Ang tanging balita ko lang sa kan'ya ngayon ay may bago na siyang girlfriend. Why would i deny it to myself alam kong sa una pa lang ay 'di naman naging kami. Pero bakit andali lang sa kanya na iwan at kalimutan ako?

"Hi Tita!" Bati ko kaagad pagkakakita ko sa kan'ya. She's wearing brown dress at talaga namang litaw na litaw ang kan'yang kagandahan. Naalala ko tuloy si Liam----

Ano ba naman 'yan self!

Ang hirap sa'yo 'di ka parin nakaka-move on sa lalaking nagpaasa sa'yo at higit sa lahat nanakit sa'yo. Alam mong siya ang first love mo pero wag ka naman maniwala sa sa kasabihang 'first love never dies' you can find someone better than him--- okay he's not better.

"Wow! Mas lalo kang gumanda, Lily" pambobola ni tita kaya sinabayan ko nalang ito.

Nagtagal ang aming usapan at talagang nakakatuwa na welcome parin ako dito sa bahay nila kahit alam nilang 'di naging kami ng anak nila.

Magarabo ang kaarawan ni Tita Milliese ngayon at nakakapag taka na mag aalas nuebe na sa gabi pero 'di parin nag start ang okasyon.

What if uuwi siya?

E ano naman sa'yo kong uuwi siya?

Wala ka rito para makita siya. You're here because of his Mom not because he'll come home. Ilang oras at nagsimula nang magtugtog ang mga musikero sa gilid. Hindi ko maiwasang mapakanta din dahil alam na alam ko ang lyrics.

Kasama ko ang kaibigan kong si Ashley na kapatid ni Liam sa table. Apat ang upuan dito at wala pang may umupo du'n sa dalawa. Nakapagtataka ni mga kaibigan at kakilala ko ay walang lumapit sa amin. Nakakainis naman sila ni hindi man lang nila ako pinansin sa araw na 'to.

"Do you think he's coming?" Tanong ni Ashley. Hindi ako nakasagot at agad na tumingin sa dance floor. Parang natatae ako na ewan dahil sa tanong nito.

Napatigil ako sa paghinga dahil sa isang tugtog. Dahan  dahan akong napalingon sa kumanta. It's not him. Malamya ang kanyang boses at tila hinihila ka nito patulog.

Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing i know

When it gets hard

You know it can get hard sometimes

It is the only thing makes us feel alive

Sumabay ako hanggang sa natapos ang kanta. Palihim kong pinunasan ang aking mga luha, baka sabihin nilang di parin ako maka move on sa kan'ya. Totoo naman pero secret lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Are We?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon