My Letter for Him

89 6 8
                                    

Pitch, ito na yong letter xD

dito ko nilagay para hindi niya malaman na pinost ko yong letter ko for him :) bumibisita kasi siya sa isa kong account minsan hahaha! Yan na basahin mo na :))

at sa iba pang babasa, sana mag-enjoy kayo :D

************************************************

HEART!! (Insert his Name Here!)!!!

Ow-oh! I don’t know what to say, hindi ko rin alam kung anong lenggwahe ba ang dapat kong gamitin? Magtatagalog ba ako ng malalalim para pahirapan ka? O mag-i-english ako kasi ayokong nahihirapan ka? (wahaha! Bumabanat ng ganun?)

Anyways, gusto kong sabihing informal tong letter ko kaya intindihin mo na lang ako kung may mali akong grammar (I’m not really good at that), maling spelling at (as usual) ABNORMAL NA NAMAN AKO dito.

Kaya naisip kong gawing letter kasi naisip ko baka magsometext missing lang kapag tinext ko sayo at tsaka hanggang 3 pages na lang maximum ng text sa cp ko, di na tulad ng dati na 6. At tsaka baka kasi kapag text burahin mo lang kapag puno na inbox mo, o baka ma-MISPLACE mo na naman ang cellphone mo haha! Kaya dito ko na lang talaga ginawa.

Atleast dito, ginaganahan ako magdaldal at hindi limited ang mga sasabihin ko.

Ang haba ng introduction ko noh? Hahaha! Kabaliw lang :)

HAPPY HEART’S DAY, araw natin ngayon kaya magdiwang tayo ^__^

Yipie! Parang kelan lang noh? Pero sa pagkakatanda ko, parang second year na natin tong nagcecelebrate ng HEART’s Day xD ay teka hindi yata? Nong binigay mo ba sa akin yong scrapbook heart na ba kita non?

Well, hindi naman na siguro mahalaga kung pang-ilang taon na nating mag-HEART, ang mahalaga is still counting diba?

MARAMING SALAMAT kasi hinayaan mo akong maging HEART mo :) (as if namang may choice ka? haha)

wala lang, natutuwa lang ako kasi sabi mo nga hindi ka mahilig sa callsign at hinayaan mong magkaroon tayo non :D

Wala na ata akong ibang ginawa dito sa letter na to kundi ngumiti. Eh kasi naman alam mo namang bungisngis ako.

Pero hayaan mo na yan, sabi ko nga tama na ang puro kalokohan sa introduction, seryoso na dapat.

Yon nga, thank you kasi hinayaan mo akong maging HEART mo, alam ko naman na yang heart na yan ay ibig sabihin na kilala mo talaga ako, kasi nga ikaw yong heart ko. Dapat alam mo kung sino yong laging laman ng puso ko kasi nga ikaw yun x D ang gulo ko lang noh? Haha!

And yun, masaya ako kasi you’re still part of my life and sana magcontinue pa, minsan nga hinihiling ko na sana hindi na kayo magkaroon ng girlfriend para hindi na kayo maghanap ng iba kundi ako na lang. But I know its selfishness, kaya burahin na natin yang idea na yan.

Thank you heart kasi nandyan ka lang, at nandito ako. De joke lang, what I mean is kahit na busy sched mo you always find time just to have time with me, alam ko minsan sobrang kulit ko na, na nakakainis na din, kaya nga ito lately nag-lielow lang din ako sa pagiging makulit kaya hindi na ako mahilig magtext, pero ayun kahit anong gawin ko ako pa rin ang hindi makatiis, ang galing niyo kasi eh, kaya niyong hindi magparamdam ako HINDI!

Looking forward for more bondings, alam ko marami pang dadating, at alam ko rin na marami pang pagsubok na darating sa friendship natin. And sana maharap natin yon ng magkasama. Grabe, sana hindi na mangyari yong nangyari last year na walang communication at walang pansinan. Kayo alam ko kaya niyo, pero ako hindi eh.

Teka! Bakit ba ako niyo ng niyo eh, TAYO lang naman nagcecelebrate? :D

HEART!  HEART!  HEART!

Happpy Valentines, sana happy ka ngayong Valentines kahit single ka xD Ayos lang yan, nandito naman ako eh, pareho lang tayong single, hahahaha!

I wanna share something, wala lang naisip ko lang siya bigla kanina,

My most embarrassing moment with you is yong time na tumunog yong short ko at nasira siya pag-upo ko, at hindi pa ako nakuntento in-illustrate ko pa sayo at nangyari ulit yong lalong pagkasira ng short. I know tawa ka ng tawa ngayon kasi naalala mo, pero kung di mo naalala edi mas mabuti hahaha! Bawas kahihiyan.

 My most happiest moment with you is yong matutulog ako tapos paggising ko sa umaga ikaw yong makikita ko. (ayieh! Kinilig siya,) ewan ko ba, pag nakikita kita na katabi ko paggising ko parang it’s I’m happy lang, and parang very comfortable ako… at may aaminin ako xD hahaha!

Nong birthday ko, gising ako nong niyakap kita (yon ba yong right term o tinanday ko yong kamay ko sayo? Basta yun na yon.) Kaya nga natatawa ako kasi nong tinanong kita if nayakap ba kita sabi mo hindi. Napaisip tuloy ako, kasi lagi kitang tinatanung if niyakap ba kita habang tulog ako ang lagi mong sagot hindi. Hindi ba yon yong first time na niyakap kita habang tulog ako? Hahahaha!

Pero hindi kita tsinansingan non ah, NAGLALAMBING LANG ^__^ may pinagkaiba ba yun? Hahaha!

Yong pinakanagtatampo ako sa’yo, nong birthday ko! At alam kong alam mo yun, and please lang! kapag alam mong nagtatampo ako, wag mong gawin yong hindi ako kakausapin kasi lalo lang akong nagagalit. Kausapin mo ako! Gets? Kausapin mo ko!

My sweetest moment with you, is yong hinalikan mo ako sa noo nong ginawan kita ng visual aids para sa report mo na inabot tayp till 10pm. Hahaha! Alam mo na din yan eh, bakit pa ba ako nag-i-elaborate dito? Halos lahat naman yata alam mo na kasi open naman ako sayo. Diba nga sinabi ko pa sayo na kinilig ako nong hinalikan mo ko nong nagkaroon tayo ulit ng time para magsama :)

Ano pa bang sasabihin ko?

Hmmm..

Yong anu! About sa mga friends ko sa wattpad na inlove sila sa bestfriend nila, naiisip ko lang naman. What if one day nakikita ko yong sarili kong nafafall na sayo, iniisip ko kung sasabihin ko o sasarilinin ko na lang hahahaha! Parang mas okay kung sasarilinin na lang noh? Para walang awkward moments, basta kapag hindi na ako nagparamdam alam mo na yun  :D o sasabihin ko ba sayo? Diba parang mas okay na hindi? Haha! Paulit-ulit lang ako, pansin mo? Ako na makulit.

Pero bakit ba ako nag-iisip eh hindi mo naman ako bestfriend? xD

okay lang naman yata yun kasi di kita bff! Joke xD

Alam ko puro kalokohan na naman ako dito, imbes na maiyak ka sa pagreminisce, natawa ka pa!

Well, sanay naman na akong laging CLOWN ng mga kaibigan ko kaya papalampasin ko ang pagtawa mo sa sulat ko.

HEART! Happy Valentines, I don’t wish for any gifts this February 14, kasi yong IKAW pa lang bilang regalo, SOLVE na ako.  Pero ayos lang kung meron, hahaha! :D

Ayoko na ng I love you kasi para na lang siyang commodity, kaya ito ang sasabihin ko. MAHAL KITA HEART! Mula sa balakubak hanggang sa alipunga sa paa. Joke lang! Wala naman ako nun ee.

Pero seryoso nga ako, maniwala ka nga! Mahal kita ^___^

ayieh, kinikilig ka na naman dyan? De choss ko lang yun. Hindi ko naman na kailangang sabihin kasi di ka naman manhid, alam mo na yun :D

Ayon, alam mo yong kantang ALL THINGS ng boyce avenue ba yun o One Direction? Basta yun! Ang ganda ng lyrics non.

PS. Ang daldal ko, akalain mong umabot ng three pages to? Paabutin ko kaya next time ng ten?

at ito pa talaga yong walang masabi ng umpisa ah? Basta! Diba dapat P.S. I LOVE YOU to? XD

      Your Heart <3

--- Letter ko po ito para sa kanya, ano masasabi niyo sa kabaliwan ko? XD

 MAHAL KO SIYA, alam ko matagal na yata yun pero nong nag-19 lang ako, saka ko lang siya naamin sa sarili ko. Till now di ko pa din sinasabi hahhahahahahaha xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Letter for HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon