Pumasok si joan sa room na suot2 ang damit na puti na bigay ng lalaki sa kanya , at nagtaka ang mga barkada ni miya dahil nah bihis ito ng mas maputi pang damit ...

( Nag bulungan sila miya at ang barkada nito )
Habang nakatingin kay joan

Nagsi labasan na ang lahat sa school , lumingon lingon si joan sa may gate para pasalamatan ang lalaki ngunit di niya ito napansin

"Ang bilis naman niyang umuwi , di man lang ako nakapag pasalamat sa kanya dito sa damit at panyo , pero okay lang bukas nalang pag pasok niya" nakangiti habang naglalakad sa daan si joan

Naramdaman ni joan na parang may sumusunod sa kanya kaya agad siya lumingon , nakita agad si miya at ang mga barkada nito na may dalang pamalo kaya nagulat siya

"Ano nanaman yang binabalak niyo !?? , Kailan niyo ba ako titigilan huh !! ( Sumigaw si joan )

"Alam mo kasi joan , masyado kang maganda sa paningin ko kaya dapat kang mawala sa mundong ito , gusto mo yata akong lamangan ( tumatawa si miya )

Inihampas ni miya ang kanyang pamalo kay joan ngunit may biglang dumating sa harapan niya at hinarang ito gamit ang mga braso , nagulat si miya at ang mga barkada nito

( Ibinaba ang mask nito )
" Sa susunod na binubully mo pa siya , ako na ang makakalaban niyo" sabi ng lalaki sabay titig sa kanila at agad itinakip ang mask nito

Dahil sa ginawa ng lalaki ay agad na nagsi takbuhan silang lahat papalayo sa kanila na parang takot na takot ang mga ito

𝑀𝑦 𝑣𝑎𝑚𝑝𝑖𝑟𝑒 𝑏𝑜𝑦𝑓𝑟𝑖𝑒𝑛𝑑.Where stories live. Discover now