Nakapasok na sa loob ng bahay si joan nang bigla siyang nagtaka kong bakit alam ni fame ang bahay na tinutuluyan niya , nag isip siya at nag kamot nalang ng ulo ...
Kinabukasan ay nagising si joan ng alas 7 na ng umaga , mabuti nalang at wala itong pasok
Kaya naka depende sa kanya kong anong oras siya gigising ..."Oh , anak kumain kana , nakahanda na ang pagkain sa mesa" yaya ng kanyang tatay
"Cgeh tay , sasabay nalang po ako sa inyo ngayon wala kasi akong pasok ehh" nakangisi si joan sa tatay
"Malamang anak sabado ngayon , ehh wala talagang pasok , ikaw talaga , to the highest level na yang jokes mo ahh" natawa ang nanay nito
"Joke nga po nay ehh , haha" sabay upo si joan sa hapag kainan
Maya2 ay umalis ang nanay at tatay ni joan para mamalengke , at naiwan siya mag isa sa bahay , lumabas siya para magwalis sa may gate at may napansin siyang lalaki na nakatayo sa may puno at sa tapat pa mismo ng kanilang bahay
"Si-si fame ba yon ?? ," Di niya masyado na aninag ang mukha dahil maputi ito
Kumurap siya ng tatlong beses at agad naman nawala sa paningin niya ang lalaki sa tapat ng bahay nila na nakatayo sa may puno
"Imposeble naman na si fame yon , eh si fame palaging naka mask yon , dapat pala talaga kumain ako ng maraming kalabasa kanina sa gulay ni nanay para luminaw itong paningin ko , pero mala o talaga na siya yong nakita ko" nag patuloy nalang si joan sa pagwawalis
Natapos ni joan walisin ang mga dahon sa labas ng bahay at nag pahinga ito sa may duyan hanggang sa siya ay nakatulog dito
Biglang dumating si fame doon , at marahan niyang tinitigan ang magandang mukha ni joan at hinaplos ito...
( Nagising bigla si joan )
"Ano ba yon , ba't ang lamig ng mukha ko , hayy ano ba yan nanaginip nanaman ako tungkol sa ice water na pumutok sa mukha ko" nag kamot ng ulo habang papasok sa bahay nilaAng hindi niya alam ay si fame ang humaplos sa kanyang mukha na nakangiti sa kanya..
~to be continued.
