Chapter 1

76 15 13
                                    

Ralph's P.O.V

It's just an ordinary day, para kay Ralph pag kuway ipinarada niya ang motorbike sa parking lot.

Marahan na siyang nag lakad patungo sa gilid ng dagat.
Iyon ang naging paborito niyang tambayan sa baywalk, kung saan malaya niyang pinakakawalan ang lungkot at makalanghap ng mahalumigmig na hanging panggabi.

Pinagmasdan niya ang paligid marami naring tao dahil mag aalas nuebe narin ng gabi, marahil siguro kagaya niya gusto rin ng mga ito magpahangin at limiin ang kanilang mga buhay.

O, kaya naman ay mag laklakan kahit na ipinagbabawal na ang nakalalasing na likido.

Pabuntong hiningang umupo si Ralph sa isa sa mga bato at tumanaw sa malawak na karagatan na nalalambungan ng kadiliman at sinag ng buwan. Kasabay ng haplos ng hanging malamig.

Callei its been a year simula ng mawala ka ngunit ikaw parin ang hanap ng puso ko hanggang ngayon, kailan ba ako makakalaya sa pag ibig nating hindi nabigyang katuparan.

Mga katanungang hanggang ngayon ay hindi mabigyan katuparan.

"Praise the lord halleluya! Purihin kayo ng panginoon." Malakas na sigaw ng preecher na nasa kabilang panig kasama ang mga madre na nag bibigay salita ng diyos.

"At ang sabi ng panginoon sa mga taong nakagawa ng masama sa kapwa mag sisi kayo sa kasalanan niyo at mag balik loob sa panginoon, Amen! " Patuloy pa ng preecher.

"Amen!" Sagot ng kasamahan nitong kasama sa prayer meeting.

Dahil sa malalas na boses ng preecher natawag na ang pansin ni Ralph nito, na napagod na ata kakatanong sa kadiliman.

Your face is beautiful
And Your eyes are like the stars
Your gentle hands have healing
There, inside the scars

Your loving arms, they draw me near
And Your smile, it brings me peace
Draw me closer, oh, my Lord
Draw me closer, Lord, to Thee

Captivate us, Lord Jesus
And set our eyes on You
Devastate us with Your presence
Falling down

And rushing river, draw us nearer
And holy fountain consume us with You
And captivate us, Lord Jesus, with You

Kay sarap pakinggan ng mga boses ng mga umaawit ng papuri sa diyos kasama ang mga madreng ngayon ay iwinawagayway ang kamay, napasulyap siya sa isang madre.

Kay ganda namang madre nito, Sa loob loob niya. mukhang anghel ang hugis puso nitong mukha ah,mukhang ang bait.

Natuwa siya sa madre kaya sa huli ay pinag kasya niya nalang ang sariling pag masdan ang bawat galaw nito.

"Come holy spirit, I need you." Ah kaysarap pakinggan ng boses ng madreng ito tila malamyos na hangin ang boses nito.

Sayang naman ang kaganda nito kung nag madre ito.bakit kaya ito nag madre In-despair o bokasyon?"

Tuloy na saloobin ko, haist ano bamg pakialam ko kanya, kanyang pangarap lang naman iyan.

Nag kasya nalang siya sa kamamasid dito. Nang dumating sa punto na mang hihinge na ng love offering ay tumayo na siya at dumukot ng pera para ibigay, pinili niya ang magandang madre at lumapit dito.

"Sister!, love offering ko." Nakangiting wika ni Ralph habang hinuhuli ng tingin ang mga mata nito.

"Praise the lord, God bless you Brother." Pero wika nito na bahagyang nakayuko.

" Anong grupo ang kinabibilangan niyo sister?" Pero siyempre hindi ako papahayag na hindi mag tama ang mga mata namin.

"Ah, kabilang po kami sa Home For the Angel's convent kung saan ay nag aampon ng mga bata at sanggol na inabando na ng mga magulang para po sa kanila itong mga donasyon." Sabi nito at bahagya itong nag angat ng mukha.

And Their eyes met.

Simpatiko at matamis na ngiti ang ibinigay niya dito ng magtama ang mga mata nila.

"Talaga, what a noble did!" Wika ko pa, pakiramdam ko ang saya ko ngayon habang kausap ang Madre, kasiyahang ngayon ko nalang ulit naramdaman.

Mas lalo siyang naaliw pag masdan ang magandang mukha nito na hindi naitago ng suot nitong abito.

"Siguradong sasaya ang panginoon sa mabuting bagay na ginagawa ninyo." Ningitian niya pa ulit ito.

"Sana nga po." Nakayukong sabi nito.

"Sige po Brother." Sabi nito sabay tumalikod na sa kanya.

Oh shit! Bakit ba ako nawiwili pag masdan ang madreng iyon. She's a nun at baka mag tampo na sakin si Callei nangako akong siya lang mamaha--."

Naputol ang kanyang iniisip ng may babaeng lumapit sa kanya.

"M-Mama!,Mama! Para mo ng awa kunin mo itong sanggol itakas mo papatayin siya ng mga lalaking humahabol samin at pag nangyari iyon makakamkam---agh!"

"Jesus!" Gulat na gulat ako ng makita ko ang matandang napaluhod sa harap ko at duguan at pinipilit mag salita.

"K-kunin! mo siya iho, itakas mo siya Sige na." Nagawa pa nitong ipasa sa mga bisig niya ang sanggol na naka balot sa puting pranela.

"A-Ale!, ano po ang gagawin ko sa sanggol na ito." Tanong ko pa sa matandang babae na ngayon ay nag aagaw buhay.

"I-Itakas mo siya, protektahan mo sige na."sabi pa nito bago malagutan ng huling hininga.

Na estatwa naman siya sa kinakatayuan niya, nag kakagulo nadin ang mga tao sa paligid, may nagtatakbuhan, may nag iiyakan, at may tumitili.

Biglang umiyak ang sanggol na hawak niya, nagpalinga siya sa paligid, at kitang kita niya ang lalaking may hawak ng mahabang baril, habang nakatutok ang dulo nito sa gawi nila.

A/N:
Pasuspense muna haha sana suportahan niyo po itong story na to haha salamat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A secret agent and his Extra ordinary NunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon