~~~The Magical Tree Festival~~~
Inihanda ko na lahat ng kailangan ko. Nanumbalik na rin ang mana ko at sisiguraduhin kong gagamitin ko ng maayos ngayon.
Hindi ko na muna ginamit ang 1st dimension ko. Gusto kong ma-feel ang festival eh ^_^
Lumabas na ako ng bahay. Nakita ko ang mga taong tuwang tuwa at di magkamayaw sa kakasayaw.
Ung mga bata naman, nagbabahay-bahay at namimigay ng cookies. May nakita naman akong mga lalaki na may dala-dalang malaking banner.
Maya-maya lang at magsisimula na ang opening ceremony ng festival. Pangungunahan ito ng High Priest ng Black Hunter's tribe.
Pumunta muna ako sa mga nagtitinda ng pagkain. Bumili ako ng tinapay.
Napansin ko ang design nung tinapay. May drawing na puno eto.
Syempre, Magical Tree Festival nga eh.
Ilang oras din ako naglibot sa lugar. May mga nakita akong dayuhan na nanggaling sa ibang village at tribo.
Sikat kasi ang festival na ito.
~~~Opening Ceremony
Pumunta na ako sa Onitia church dahil doon gaganapin ang opening ceremony.
Sakto lang ang dating ko. Nakita ko si Amie na katabi niya si Layla...
Lumapit ako sa kanila.
"Hey!""Kira!!!" yumakap sa akin si Layla (*'∇`*)
"Maraming salamat pala sa pagligtas sa akin..."
"Hehe..wala un Layla. Ginawa ko lang ang alam kong dapat gawin"
"Hello Kira..." bati naman ni Amie.
Nagtama ang mga mata namin pero agad din umiwas ng tingin si Amie. Nakita kong nag-blush sa pero agad ding nawala...
*drum rolls*
Nakita kong may naglalakad na matandang lalaki at nakapalibot sa kanya ang mga sundalo.
Karamihan sa mga sundalo ay "Templar knights". Nakasuot sila ng armor at sa gitna nung armor ay may logo. It's a cross at kulay red. Lance ang pangunahin nilang sandata.
Patuloy na naglakad ang matandang lalaki papunta sa isang stage. Naiwan ang ilang Templar knights sa baba at may sumama lang na isang Templar sa matanda.
Halatang ito na ang High Priest ng Black Tribe. Nakasuot siya ng mahabang cloak na abot talampakan. Color white at gold. At may suot siyang cap. Pang-pari talaga. Mapapansin mo rin ang suot niyang kwintas. Familiar sa akin ang logo nung kwintas di ko lang matandaan kung saan ko nakita un.
Pumunta na sa harap ng stage ang High Priest at nagsimula ng magtalumpati.
"Magandang Buhay! Lalo na sa mga nagbabalak na pumunta sa Lost Forest of the God. Ipagdarasal ko kayo.
Sa mga mamayan ng Onitia Village kung saan naninirahan ang mga taga-Black Hunter's tribe.
Sa mga dayuhan na pumunta at bumisita dito upang makisamang ipagdiwang ang Magical Tree Festival. May the Light of God help us!"
May paninindigan ang kanyang boses.
Nagpalakpakan ang mga tao. At ung iba naman sumisigaw ng "May the destiny help us!!"
"Let the ADVENTURE BEGIN!!!"
~~~
Matapos ang opening ceremony ng High Priest ay agad namang tinipon ng mga opisyal ang mga papasok sa Lost Forest of the God.
BINABASA MO ANG
The Chronicles of Crenia: The Successor of Maou
AdventureKira Deblois, 16 years old, an assassin of Black Hunter's Tribe. Two years ago, nang nagsimulang magbago ang kanyang tahimik na buhay. Palagi niyang napapanaginipan ang isang babae na tinatawag siyang "Successor of Maou". Pero dahil sa isang misy...