Chapter 2: The Magical Tree

11 1 0
                                    

~~At the Black Hunter's Hospital~~

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng katawan ko lalo na ang aking ulo.

Sinubukan kong bumangon.

"Ugh....ansakit!"

Di ko talaga kaya eh.....
Tumingin ako sa paligid. Andito ako ngayon sa ospital. Nasa right side ako ng kwarto at may 2 kama ang nakapagitan sa akin.

Tumingin ako sa kabilang side ng kwarto. May 4 na kama dun at meron tatlong tao ang nakahiga sa bawat isang kama. Tinignan ko naman ang kaliwa ko at nakita ko si Layla na mahambing ang tulog.

"Aaarrgg!" napahawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit >_

Parang pinipiga ung ulo ko!

"Aaarggg!!! Tu-tulong...."

Hindi ko talaga alam kung paano ipapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko....

Pinilit kong tumayo. Nakita kong bumukas ang pinto at agad na lumapit sa akin ang isang nurse.

"Sir, bakit po? Ano po ang nararamdaman mo?" tanong niya sa akin.

Inalalayan niya ako sa paghiga. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Aaarrggg!!"

Bigla na namang sumakit ang ulo ko at tuluyan ng nawalan ng malay...

~~~~

~~Narrator's Pov~~

Nawalan ulit ng malay si Kira dahil sa matinding sakit ng ulo niya.

Tinawag naman ng nurse ang doctor para ipaalam kung anong nangyari. Agad namang sinuri si Kira.

2 araw na ang lumipas pero di pa rin nagigising si Kira. Habang natutulog siya ay sinisimulan na ng Black Hunter's tribe ang pag-aayos sa darating na Magical Tree Festival.

Ang Magical Tree Festival, lahat ng miyembro ng Black Hunter's tribe na may edad 16 years old ay hahanapin ang magical tree na matatagpuan sa Lost Forest of the God.

Sinasabi na kapag nakakuha ka ng sanga nito, magkakaroon ka ng magandang kapalaran. Ang sanga rin ang magsisilbing tanda na ikaw ay official ng member ng Black Hunters. Pero hindi ganun kadali ang pagkuha ng sanga nito dahil may mga nagbabantay dito. Dito masusubok lahat ng natutunan mo sa training.

Ang Lost Forest of the God ay napapalibutan ng hiwaga. Kalimitan sa mga pumapasok sa gubat ay di na nakakalabas at di na ulit nakita.

~~~~

~~Kira's PoV~~

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Luminga-linga muna ako sa paligid. Nasa gubat ako....

"Bakit ako nandito?"

Ang alam ko kasi nasa ospital dapat ako pero bakit nasa gubat ako ( ̄. ̄)

Tumingin ako sa paligid kung may ibang tao kaso wala akong makita kundi puno at mga nakalambitin na vines. Halatang matatanda na ang mga puno dito. Matatayog ang mga puno at halos natatakpan na ang langit.

May mga alitaptap na lumilipad na nagiging liwanag sa gubat. Nakakaramdam ako ng hiwaga dito.

Naglakad ako kahit di ko alam kung saan at paano makakalabas dito.

Ilang oras din ako palakad-lakad dito sa gubat. Pero parang alam ng paa ko kung saan ako dadalhin. Mayroon akong nakikitang puno na namumukod tangi sa lahat.

The Chronicles of Crenia: The Successor of MaouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon