CHAPTER TWENTY

5.2K 176 4
                                    

WARNING:...pagpasensiyahan niyo napo mga typo errors , hindi ko na po kase binabasang muli e.'..


CHLOE'S POV

nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng room ko. Parang may nag aaway na ano sa labas, ill try to get up, pero parang masama pa din ang pakiramdam ko masakit pa din ang ulo ko, nabinat nga ata ako sa ginawa kong pagtakbo kanina sa takot kong mahuli ng mga bodyguards na itinalaga ni Quinn sakin.

paano nga pala akong napunta dito sa room ko, kanina nakaupo lang ako dun sa salas tapos sinisermunan lang naman ako ni Quinn na akala mo tatay ko kung umasta, ni hindi ko na nga halos maintindihan yung sinasabi niya kase ang sama sama ng pakiramdam ko kumikirot yung sugat ko sa ulo kahit maliit lang yung tahi makirot pa din siya. hanggang sa hindi ko na talaga mapigilan pa ang pagpikit ng mga mata ko talagang antok na antok na ako, maybe its the side effect of meds na ininom ko. kaya kahit alam kong tuloy tuloy lang si Quinn sa pagsermon sakin at humiga na ko sa sofa.....

Napatingin ako sa suot kong sweat shirt , siguro kay Quinn to dahil parang bistida nato sakin sa haba at parang kumot na masyadong malaki sakin. Tinanggal ko na ang pang ginaw nato naiinitan nako Pati panjama mahaba at malaki din, bakit ba kase hindi na lang damit ko ang isinuot niya sakin. Pagbaba ko sa higaan saka ko lang napansin ang paligid ko dahil wala pala ako sa room ko, akala ko kanina nasa kwarto ko ako dahil parehas yung kumot namin at sapin pati na rin punda ng unan. kung hindi ko lang napansin ang picture naming dalawa na nakasabit dito sa loob ng room niya hindi ko malalaman na nasa silid niya ako. Picture namin yun ng araw na pumirma ako sa marriage contract naming dalawa....

That was San and Seven idea na magkaroon kami ng wedding picture daw para hindi maghinala ang father ni Quinn if ever. Wala naman kase kaming magandang photo as wedding picture, halatang plastic yung pag ngiti nito dahil talagang wala sa character nito ang ngumiti, parang ang hirap hirap kase sa taong to ang magbigay man lang ng ngiti.

Ayoko pa sana mag pa picture that day kaso mabilis akong hinatak ni Quinn kaya ang kuha namin tuloy ay nasa likuran ko siya habang nakaakap siya sakin, ilag na ilag pa nga ako feel ko nun sasakalin niya ako dahil yung braso niyang nakaakap sa leeg ko halos malapit sa boobs ko. Kaya halos hindi ako gumagalaw ng mga oras na yun, sa salas ay may picture din kaming dalawa, pero ang nasa salas ay kakaiba, gusto ko sanang sa room ko na lang yun ilagay dahil nakasimangot ako sa picture na yun habang siya tuwang tuwa, maganda ang ngiti niya dun dahil nakadikit lang naman sa mukha ko ang hawak niyang ice cream, sabi niya di daw niya sadya yun dahil natunaw na daw ang ice cream at sakto lang naman daw na sasaluhin niya sana para maiwasang mahulog yung ice cream kaso dumikit ito sa mukha ko...

Kaya ang siste tuwang tuwa siya habang ako nakasimangot na masama ang tingin sa kanya, sadyang magaling kumuha ng picture si Kyu kaya capture niya nangyaring yun, tapos yun ang ginawa niyang regalo sa amin ni Quinn at pinalakihan pa niya talaga..at itong si Quinn naman tuwang tuwa pa at sa labas pa nilagay, stress reliever daw.....

Nagulat ako at nawala sa pag de day dreamer ko about ng araw na yun ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto, nakita kong pumasok si Quinn na salubong ang kilay kahit kailan talaga hindi na bumaba ang kilay nito....

" what do you think your doing!."..biglang wika niya na nakasalubong na naman ang kilay mukhang galit na naman ang isang to, mukhang may part two pa ata ang sermon niya sakin...

" what? Wala naman akong ginagawa a! ..."

" bakit tinanggal mo na yang pangginaw at panjama sayo, bakit ka tumayo.."..galit na wika nito sabay hipo sa noo ko , chinek niya siguro kung may lagnat pako....

" naiinitan nako kase, and besides mas lalo lang sumasama ang pakiramdam ko kapag nakahiga ako, okay nako naman wala nakong lagnat saka nagugutom nako."

THE PRESIDENT DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon