Mahal Kita

160 8 12
                                    

MAHAL KITA BY: MS.OTAKUCHAN


(A.N) PROMISE HINDI KO ITO NI-COPY T^T T^T UTAK KO TALAGA ANG MAY IDEYA NITO. HUWAG NYO KO AWAYIN PLEASE T^T


—————————————————————————


"Mahal kita" Nanginginig na ako! Palagi ko nalang naririnig ang mga salitang yan. Kahit wala akong kasama , may bumubulong pa rin!! Natatakot na talaga ako! Tinakpan ko ng unan ang dalawang tenga ko.


"Please, layuan mo na ako!!" Naiiyak na ako. Wala na akong kasama sa buhay. Ewan ko kung bakit. Basta paggising ko isang araw , wala na akong maalala sa nakaraan ko. Nang maramdaman ko ng tahimik ang buong paligid ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.


"Mahal kita" Ang mga salita nanamang yan ang gumising sakin. Nagmamadali akong bumangon para maligo. Pagkatapos kong magbihis ay dali dali na akong lumabas sa bahay ko. Hindi ko rin alam kung paano ko nalamang bahay ko yan , basta alam ko lang.


"Mahal kita" Tumayo ang mga balahibo ko.


"Please! hanggang dito ba naman sa labas sinusundan mo ako?!" May halong takot kong tanong. Bahala na kung anong sasabihin ng mga makakakita!


Lumabasa ako dahil natatakot akong mag-isa sa bahay!!! Napadaan ako sa isang park at napagpasyahan ko munang maupo sa isang bench duon. Katapat naman ng inuupuan ko ang isang ice cream vendor at nagtitinda ng balloons. Biglang sumakit ang ulo ko. May kung anong eksena na lang ang nagpop-out dito.


————————————————————————-


May isang lalaki ang nakatayo sa may harapan ko. Dito mismo sa inuupuan ko. Nakangiti sya sakin habang may hawak na ice cream sa isa nyang kamay at mga lobo naman sa kabilang kamay.


"Happy 1st monthsary , Life ko" Sabi nito sabay abot sakin ng ice cream at lobo.


Bigla akong napaiyak. Hindi ko alam kung bakit. Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko kilala yung lalaki pero parang may koneksyon sya sakin.


Umalis na ako sa park dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao duon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta this time. Naglalakad lang ako ng may napansin akong play ground na may mga batang naglalaro. Bigla nanamang sumakit ang ulo ko at may nagpop-out na eksena sa isip ko.


—————————————————————————


Nakita ko nanaman yung lalaki kanina sa isip ko. Nasa loob sya ng playground na ito pero walang tao at may table for two sa gitna at pang-sosyal ang ayos ng playground. May hawak nanaman syang maraming lobo at medyo maliit na box. Naglakad sya papunta sakin ng may matamis na ngiti sa kanyang labi.


"Happy 4th monthsary" Sabi nya ng makalapit sya sakin. Inabot nya sakin yung lobo at binuksan naman nya yung box. Kwintas pala yon at isinuot nya ito sakin. Mula sa likod ay may ibinulong sya sa tenga ko "Mahal kita , Life ko"

Mahal Kita (A Tragic One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon