ChapterI
Si Tracee ay isang babae na hindi makapagsalita. When I say HINDI,it means wala talagang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Pipi si tracee ngunit hindi gaya ng ibang mga pipi, siya ay nakakarinig. She is not born to be a mute, but because of the bus accident that happened to her kasama ang kanyang lolo nong 9 years old pa siya 8 years ago nag ka complika ang kanyang lalamunan ng matamaan ito ng nabasag na salamin ng sasakyan. Hindi na naoperahan si tracee dahil sa kawalan ng pera. Kinuha ng aksidenteng yon ang kanyang boses. Since then natoto na siyang mag sign language, to prove sa mga taong nakapaligid sa kanya na hindi siya dapat kaawaan. Instead hindi siya nag mukmuk sa bahay nila. Para ngang mas naging masaya siya, positibo sa buhay at palaging nakangiti ng maging pipi na siya, though deep inside linalabanan niya ang kalungkutan na kanyang nararamdaman. Mahirap para kay tracee na hindi na makapag salita, there are things na gusto niyang pag-usapan. Matalino at may ambisyon si tracee sa buhay kaya nong mangyari ang aksidente she felt she lost everything.
“Oh, ano Tracee..?., Ok naba?” Tugon ng isang medyo chubby na babae na fair skinned habang nakahiga sa kama nito na may laptop sa legs niya. Inipit pa ng babae ang cellphone niya gamit ang balikat nito.
“Dennese?!!..story ng buhay ko ba talaga yang sinusulat mo? At saka, PIPI? Pano naman ako naging pipi? Eh nag-uusap nga tayo sa telepono ngayun diba?” sagot ni Tracee habang nasa sarili niyang kwarto.
“I was almost…”WAS”!! almost become a mute” pag-tatama ni Tracee sa kaibigan nito.”Nalas-las lang ang lalamunan ko pero hindi severe..okay..”
“Tracee…,that’s the art of writing! Dapat may kakaibang twist ang storya dapat to the highest level ang drama!”
“The fact na na aksidente kami ng lolo ko sa bus at namatay siya was enough drama for me…” sagot uli ni Tracee na bumangon at umupo na lang sa kama.
“Ohkayyy….chill…chill..” tugon ni Dennese na pinapapakalma si Tracee.
“Ewan ko sayo Dennese,..” Tracee rolled her eyes sa kakulitan ng kaibigan niya.
“Sige na, sige na I will remove na this file sa laptop ko, Happy?”
“Tracee?..” dag-dag ni Dennese sa isang mahinahon na boses.
“Eh kung Bulag ka na lang kaya sa story ko?”
“DENNESE!!” malakas na sigaw ni Tracee sa hirit uli ng kaibigan. Gusto mang ma asar ni Tracee napangiti na lang ito sa ka kulitan ni Dennese.
“Bye! Love you Tracee!! Mwah!” mabilis na sagot ni Dennese saka nito binaba ang phone kaagad.
Bago pa man humiga ulit si Tracee ay tumunog na ang alarm clock niya. It was already 12:00 am kaya nag madali siyang matulog.
Nagtatrabaho sa isang pig farm at karnehan ang Nanay ni Tracee. Habang si tracee naman ay nagtatrabaho sa isang bakery bilang isang delivery girl. Simple lang ang buhay ni Tracee.
Bumabangon si tracee ng 3:00am at tumutulong sa pagmamasa ng tinapay, saka siya naghihintay na maluto ang mga ito at ng maideliver na niya. Tracee is just a simple and charming girl. Kahit 21 pa siya marami na siyang experience sa buhay.
Maganda si Tracee lampas balikat ang kanyang bohok. Kulay itim ito na may pag-ka brown ng kaunti. Maputi si Tracee gaya ng kanyang ina. Mapinkish ang pisngi nito at may pagkasingkit ang mga mata. Ang kulay brown na mga mata nito ang nagpapatunay na pilipina siya. Madalas na tinatalian ni tracee ang kanyang bohok. Para bang side ponytail hair style. May bangs din si tracee na pa slash papunta sa right side din ng kanyang ulo. Ang bangs na ito ang kinukulit at hinihipan ni Tracee. Ang pag-ihip sa kanyang bangs at pag himas-himas dito ang madalas na ginagawa ni tracee kapag siya ay nababagot. Childish man tingnnan si trace ngunit ito ang tila nagpapaganda sa kanya and most of all it make her look cute.