Ligaw

671 9 0
                                    

Klay's POV

Ano ba yan! Nasaan na ako? Naliligaw na ata ako.

"Bininining Klay!"

Hala sha!

"Sir Fidel? Anong ginagawa mo dito?"

"Syempre binabantayan ang aking binibini."

"Stalker yarn?"

"Eh baka mapahamak ka. Lagi ka kasing naglalamyerda at habulin ka ng gulo. Kaya nandito ako handang sagipin ka."

"Kaya ko na ang sarili ko" sabi ko at naglakad na.

"Binibining Klay, hindi sa lahat ng oras ay kaya mo ang sarili mo! Paano nalang kung napahamak ka? Paano nalang kapag naligaw ka o kaya'y natuklaw ng makamandag na ahas?"

"Oo na, naliligaw na nga ako dito sa bundok na 'to eh! Happy?" sabi ko sa kanya.

"Ano? Naliligaw ka? Ibig sabihin, naliligaw tayo?" nag-aalalang tanong niya.

"Akala ko pa naman sasagipin mo ako. Hindi mo alam ang lugar na 'to?" tanong ko.

"Hindi binibining Klay."

"Nahihilo ako Mildred" sabi ko habang minamasahe ang balikat ko, masakit eh.

"Kakalamyerda mo 'yan. Dinala mo pa ako dito sa kakahuyan na hindi man lang mawari kung nasaan ang daan palabas. Kasalanan mo 'to."

"Aba ngayon nagreklamo at nanisi ka pa. Diyan ka na nga. Panget mo kabonding." sabi ko kay Fidel at umalis.


***

Malapit nang dumilim at kinakabahan ako. Pano ba naman hindi pa ako nakakalabas huhu. Wala pa akong ilaw. Ang mas malala pa, walang ni isang bahay dito. Nagsimula na akong manginig. Mag-isa lang ako dito.

'OMG ka Klay! Sana sumama ka nalang kay Fidel.' Sa isip ko.

"Ayyyyyyyyyy!!!!"

Aray ang sakit! Nadulas kasi ako.    

O_O

OMG!

Ahas!

Dalawang malalaking ahas na nakapulupot sa isa't-isa

"AHHHHHH FIDEEEELLLLL!!!" sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasigaw ang pangalan ni Fidel. Pero natatakot na ako dito. Nagsimula akong umiyak. May trauma na ako sa ahas noon pa eh.

"KLAY! Huwag kang gumalaw! Kumalma ka!" dinig kong sabi ni Fidel. Sinunod ko ang sinabi niya. Naramdaman kong medyo lumapit siya. Nasa likod kasi siya.

"Lumayo ka sa ahas ng dahan-dahan." sabi niya. Sinunod ko nalang ang sabi niya. Magsasalita sana ako pero huwag nalang baka maging defensive yung ahas at kagatin ako.  Nang makalayo ako, agad akong tumakbo papunta kay Fidel. Napayakap ako sa kanya dahil sa takot. Maski ako nagulat sa ginawa ko.

"Tahan na Binibini." pagcomfort niya sa akin. Hinaplos pa ako.

"Ayoko na dito Fidel. Umalis na tayo please." sabi ko sa kanya.

"Gawa muna tayo ng apoy." sabi niya. Naghanap kami ng kahoy at pinagkiskis hanggang sa umapoy. Medyo natagalan pero umapoy din naman. 

"Paano tayo makakalabas dito Fidel?" tanong ko.

"Huwag kang mag-alala Binibining Klay dahil may nakita akong daan kanina." sabi niya kaya napahinga ako ng maluwag.

"Buti dumating ka." sabi ko

"Mabuti nalang dinig ko ang sigaw mo. Sa susunod, huwag ka nang aalis ng ganun ganun nalang." sabi niya.

"Salamat sa pagligtas sa akin Fidel." pagpapasalamat ko.

"Walang anuman aking Binibining Klay. Tara na." sabi niya kaya umalis na kami. Nakauwi naman kami ng ligtas.

FiLay Oneshots (FF)Where stories live. Discover now