Higop

446 11 8
                                    

Klay's POV

Nasaan na naman si Fidel? Biglang umaalis nang hindi nagpapaalam. Hindi pa naman niya kabisado ang mundo ko. Wala pa namang cellphone yun.  Nakita ko si Elias sa sala habang nanonood.

"Elias, nakita mo ba ang kuya Fidel mo?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Lumabas po siya ate." sagot niya. 

"Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?" tanong ko. Umiling naman siya at nagpatuloy sa panonood. Lumabas agad ako para hanapin siya. Baka mapano yun.  May nakasalubong akong dalaga habang kumakain. 

"Ah hello miss. May nakita po ba kayong binata na maputi at chinito? Mga ganito katangkad." tanong ko sa kanya. 

"Wala po eh" sabi niya kaya nagpasalamat nalang ako. May mga nakasalubong ako at nagtanong pero wala din. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad baka sakaling makita ko siya. May narinig akong mga nagtitilian sa may park banda. Baka nandoon si Fidel, matignan nga. Lumapit pa ako doon at nakita ko si Fidel na dinudumog ng mga babae. Ang dami nila kaya hindi ako makapunta sa kinaroroonan ni Fidel. 

"Makikiraan po, makikiraan." sigaw ko. Medyo nakasingit naman ako.

"Fidel!" sigaw ko at kumaway. Nakita naman niya ako at lalapit sana siya pero hinawakan siya ng babae. Ako nga nalang ang pupunta doon.

"Makikiraan" sabi ko ulit pero may nagtulak sa akin kaya nasubsob ako at nagasgasan ang siko ko. 

"Klay!" sigaw ni Fidel at tumakbo papalapit sa akin. Pinatayo naman niya ako at tinignan ng may pag-aalala. 

"May masakit ba sa'yo?" tanong niya. Umiling naman ako at tumingin sa mga babae. Nainis ako sa ginawa nila.

"Mga madam, konting respeto naman oh! Nakakasakit na ho kayo!" sabi ko sa kanila. Tumahimik naman sila at yumuko. May nakita pa akong umirap pero hindi ko nalang pinansin.

"Tara na, Klay." pag-aaya ni Fidel kaya naglakad na kami. Habang naglalakad kami ni Fidel ay hindi ko maiwasang tuksuhin siya.

"Yiieee Fidel artista yarn? Ang dami mong fans, dinumog ka pa." panunukso ko sa kanya habang hinihila ang manggas niya. Ngiting-ngiti naman ang lolo niyo. Feel na feel talaga hahaha! Bigla naman siyang sumeryoso at hinawakan ang kamay ko na may dugo. Tinignan niya ang siko ko. 

"Binibining Klay, may sugat ka at may umaagos na dugo. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Halika ka na at umuwi na tayo." sabi niya. Hindi ko namalayan na may umaagos pala. Akala ko gasgas lang, dumugo pala.

Nakarating na kami sa bahay. Dumeretso ako sa sink at hinugasan ang sugat ko. Pupunta sana ako sa kinalalagyan ng first aid kit pero kinuha na pala ni Fidel. Akmang kukunin ko ang panggamot pero pinigilan niya ako.

"Ako na." sabi niya at kumuha ng cotton at betadine. Habang ginagamot niya ang sugat ko, hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Ang gwapo pala niya, hindi lang kapag galit. 

"Alam kong gwapo ako Klay kaya huwag mo na akong tignan ng ganyan." sabi niya. Hala nahalata pala niya kahit busy siya sa paggamot. Kahit kailan talaga ang hangin nito pero totoo naman na gwapo siya. Ano ba yan Klay! Tama na tama na! 

"In fairness, alam mo na palang gamitin ang gamot namin dito. Mabuti at naituro ko sa'yo." pag-iiba ko sa usapan.

"Syempre para magamot kita kapag nasugatan ka." sabi niya. Nilagyan na niya ng cotton at medical tape ang siko ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FiLay Oneshots (FF)Where stories live. Discover now