Chapter 4

82 2 3
                                    

Naku ano ba yung nasabi ko kay Blake, tutulungan ko?? Diyos ko naman po oo.. Pero kaya to.. Pag mapasagot namin si Violet hindi na ako siguro guguluhin ng Blake na yun nuh! Pero ano naman ang alam ko sa pan liligaw? Malay ko ba sa mga sweet2 na yan nuh! Ni hindi pa nga ako nagkaka boyfriend. Hayy! Ano ba tong napasukan ko.. Pero gowrra lang!! Kaya to ....

"Gab!"

"Ayy, Gab!" napalingon ako.. Si Blake....

"Oh, bakit??"

"Kailan tayo mag sisimula?" tanong ni Blake na naka ngiti. Naka ngiti pa tong mokong na to .. Ako namo-mroblema na dito..

"Ano ka ba! Wala pa akong naiisip. At ..... Kailangan talaga ,agad2?" tanong ko.

"Hindi naman na agad2, mag papatulong lang naman ako. Mga pandagdag ng idea, yung mga gagawin ko. Yung mga ganun. Babae ka rin kasi, kaya ...... alam mo kung ano yung mga gusto ni Violet. Parehas lang kayo nang gusto ,diba? Yung mga pamamaraan ng panliligaw sa inyo?"

"Isa lang naman ang gusto namin, yung respetuhin kami. Hindi naman namin kailangan na ....... tratuhin talaga kami na parang  prinsesa ng lalaking mamahalin namin..

Hindi namin kailangan na sambahin yung bawat pag lakad namin.. Ang kailangan namin, yung taong totoong mag mamahal sa amin.. Yung hindi kami lolokohin. 

Yung hahawakan yung kamay namin sa gitna ng kagipitan.. ummmmmmm.. Kahit na sa masasayang bagay.. Yung pwedeng namin makasama hanggang pag tanda.

Yung kaya kaming ipakilala sa lahat. Yung hindi kami idedeny. Yung mapag kakatiwalaan namin sa lahat.

At higit sa lahat ... Yung rerespetuhin kami! Yung hindi katawan lang yung habol sa amin! kundi yung puso namin." Pagkatingin ko kay Blake nakatulala siyang nakatingin sa akin..

"O? Bakit Blake? Bakit ganyan ka maka tingin?!"

"e .kasi naman po ..... Parang may pinan huhugutan ka! HAHA.. NBSB ka ba talaga? Ha? o nag de-deny kalang kasi nasaktan ka nung una? Ha? Umamin kana.." Hinahaplos-haplos pa niya yung buhok ko..

"Tigilan mo nga ako! Para kang sira.. Pag nag sasabi ng ganun? Kailangan talaga nag karoon na nang boyfriend? Ha?"

"O? bakit nagagalit ka? NApipikon ka? HAHA!"

"Tigilan mo ako ha! Jan ka na nga!" Nauna na akong nag lakad. Ewan ko ba bakit ko nasabi yun. Parang nadala ako a? HAHA. kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko.. Wag na ngalang pansinin. Pag pasok ko nang classroom nakasalubong ko agad si jhubel.

"Ui, morning Gab!"

"Morning.. Akala ko late na kami."

"S--sinong kami??? May kasama ka? Teka ..... May nakikita kabang .... hindi ko nakikita? Sabihin mo!"

"Gago! Ayun o .. si Blake ..... Kasama kong pumasok dito! Anong may nakikita. Para kang bata .. Naniniwala ka sa multo? E ..... nandito na tayo sa makabagong panahon ..."

"Malay mo! HAHA.." bumulong sa akin.. "Sa tabi moooooooo"

"EEE! Jhubel ....." 

"HAHA. joke lang naman." 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Para akong tanga dito. Sinusundan ko tong si Violet. Para naman akong ano ... Natatawa ako sa sarili ko.. Pero para sa mokong na si Blake. Gowra nalang. Tawagin ko na kaya to?? Ay . wag. MAMAya nalang. E .. kung ngayon nalang? Wag nalang kaya? Kakahiya kasi. Napakamot tuloy ako ng ulo. 

"Violet!"

"Yes?" Grabe, ganda niya talaga. Alam ko na kung bakit mahal na mahal to ni Blake. E, ang ganda parang anghel. At mukha pang mabait. Ano ba yun?? Mukha ngang anghel, diba? HAHA.. 

"Ummm. May kailangan ka?" tanong ulit niya.

"ummmm.. Ano kasi .. Ummmm.. Yung ano ba .. Yung ..... Ummmm..."

"Yung ano???"

"Ay.... Nakita mo ba si jhubel? kanina ko pa kasi hinahanap yun eh. Pero diko mahanap. Itatanong ko lang kung nakita mo ..." napakamot ako nang ulo .. Ano ba yun .. Natatawa siyang sumagot sa tanong ko.. 

"Ahh .. Si jhubel .. Nasa library siya. Puntahan mo nalang dun." Sagot niya habang naka smile. Yung smile niya parang may meaning ha. Hmmmm..

"Salamat ha? Sige, una na ako." >.< nakakahiya.. Napahiya talaga ako. Dire-diretso talaga ako ng lakad ni hindi na ako nag smile. 

Parang ayoko na. Ayoko nang tumulong. Nakakahiya. Wala naman akong alam dito e.. Tssk!! >.< Bakit ba ginagawa ko to??

"Gab?" napalingon ako. 

"Anong nangyari sayo? Okay kalang?" tanong ni Jhubel. Oo si Jhubel , teka akala ko ba nasa library to?? Isa pa tong mokong na to ,parehas lang sila ni Blake bigla-biglang sumusulpot. Grrr!!!

"Mukha ba akong okay ha?"

"Galit kaagad? HAHA.. Wala pa nga akong tinatanong na iba eh .... Highblood kaagad. Buti pa nga tinanong pa kita kung okay kalang. 

"Itanong mo sa bestfriend mo!" tapos dumiritso na ako nang lakad.

"Problema nun kay Blake??"

Dumiritso na ako nang lakad. Hayy naku! Ganito talaga ako jhubel, pasensya na! Kay Blake lang ako naiinis tapos pati ikaw nadadamay. TSSk!! -_- 

Naka uwi nalang ako ng bahay. Iniisip ko parin ang nangyari. Ayy naku naman! Gab naman, hindi naman talaga nakakahiya yung ginawa mo a? Isip mo lang yun na napahiya ka. Move on! Hirap naman ng ganito. 

"ANAK!" tawag sa akin ni mama

"Ma? Bakit naman po kayo sumisigaw? Lapit-lapit lang po natin pero kung maka sigaw kayo nasa labas po ako at nasa loob kayo ng bahay. Hindi naman po ako nabibingi a?"

"Aba anak! Siguro nga bingi kana! Kanina pa kita tinatawag nuh! Kung hindi ako sisigaw hindi mo parin ako mapapansin."

"Talaga po ma?"

"Ay, hindi! Kasasabi ko ngalang ,diba? Ano bang nangyayari sayo? Inlove kaba?" tanong ni mama

"Ma??? Pag hindi kalang marinig nang kaunti inlove na ako kaagad? Hindi ba pwedeng may iniisip lang ako? At hindi kana talaga narinig?"

"Oo nga! Yung iniisip mo, yung crush mo!"

"Ma naman. Wala akong crush nuh! Bahala nga kayo dyan" Umakyat na ako sa taas. Naiwan si mama sa baba na tawa nang tawa. Pumasok na ako sa kwarto ko. Anong nakakatawa dun nuh? Pag Hindi marinig, inlove agad? Yun ba yun? Mama talaga! 

*tok-tok*

"MAaaaaaaa? Bakit poooooo????"

"Anak, wag mong masyadong isipin ha? Baka kasi sa sobrang pag iisip mo! Makalimutan mo na! Alam mo anak, okay lang mag ka-crush. Dalaga kana nuh! Normal lang yun sayo. Basta wag lang muna boyfriend huh.! " sabay tawa

"Maaaaaaa? Si mama talaga o!!!!"

"Joke lang anak! Pikon ka ata? Namumula o?"

"MAAAAAA!!" Teka, bakit nga pala kami nag uusap nang ganito. Kaya binuksan ko ang pinto , biglang nawala. Tumakbo ba yun?

Si mama talaga. Pag nadapa yun naku! Ewan ko lang talaga.." Sinara ko na yung pinto. Humiga na ako. Nag iisp parin. Bahala na, tutulungan ko nalang si Blake. Ano ba to, paiba-iba.

Nagulat ako nang biglang may nam bato sa bintana ko. Ayoko sanang tumayo.... Pero baka mga bata lang yan na nag laalaro. Napa tayo ako. Kahit natatakot ako, tiningnan ko parin kung sino yung nambabato. At mas lalo akong nainis nang nakita ko kung sino yung nambabato. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Just Want To SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon