I Just Want To Say

559 2 2
  • Dedicated kay BL.ANGELINE :))
                                    

Chapter 1

June 7,2011

I'm Alexandria Gabrielle but my friends call me "GAB". First Day of school ko ngayon, ewan ko nga kay mommy kung bakit inilipat pa niya ng school eh, 3rd year high school na naman ako. Kakahiwalay palang nila ni daddy kaya kahit hindi niya sabihin sa akin ang reason kung bakit nilipat niya ako ng school, alam ko na.. Yun siguro din ang reason.. 

Lakad lang ako ng laka, pailing-iling, transferee kasi ako kaya wala pa akong kakilala, booring ang labanan ngayong araw sana mag karoon na ako ng mga friends. Tiningnan ko ang paligid maganda ha? Catholic na Catholic. Malapit na ako sa classroom ko ng maalala ko na before pala ako pumunta sa homeroom mag report muna ako kay mrs.Sagadal sa technical yun ah? Malayo-layo pa ang lalakarin ko.. Medyo alam ko na rin ang ibang rooms dito ipinasyal kasi ako ni mommy nung nag entrance exama ako.. hayy! imbis mag reklamo nag patuloy na lang ako sa paglalakad.

FAST FORWARD

"Yes maam, thank you po" sabi kong naka ngiti, isinubmit ko kasi ang form ko dami talagang inaasikao pag transferee,  "Maam, i'll go ahead na po" sabi ko kay mrs. Sagadal tapos nag punta na ako sa pinto, pag bukas ko ng pinto may narinig akong nag "AWW"  tiningnan ko ang likod ng pinto may nakita akong lalake na napa upo tapos tinatakpan niya ana mukha niya ng dalawang kamay niya. Nilapitan ko siya at sinabing "Sorry, natamaan ba kita?"

"obvious ba?"  yun ang sabi ng lalake. Sungit naman nito.

"Pasensya kana, diko sinasadya" diko makita ang mukha niya tinatakpan kasi ng dalawang kamay niya, mukhang masakit talaga, napa upo eeh,! Di siya sumagot sa tanong ko kaya inulit ko "Ui, pasensya kana talaga diko naman sinasadya eh, Sorry!"  nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw inalis na rin niya ang mga kamay niya sa mukha niya ,, infairness gwapo ha?

"Dika kasi nag iingat! Pag bukas lang ng pinto may natatamaan kapa!"  sigaw nang lalake

"diko nga sinasadya" napa hina yung boses ko, sisigawan ko rin sana siya kaya lang diko naituloy kasi nakita kong dumudugo na yung noo niya.

"Bakit ganyan ka maka tingin?" sabi nung lalake

Dina ako nakapag salita, tinakpan ko ang bibig ko, tapos tinuro ko yung noo niya. Kinapa niya yung noo niya tapos tiningnan niya ang kamay niya, ng nakita niyang may dugo napa sigaw nanaman siya.

"SHIT!"

nilapitan ko na siya, kinuha ko ang panyo ko sa bag ko tapos pinahid ko sa noo niya kahit takot ako sa dugo tiniis ko nalang. Inalalayan ko siya papuntang clinic.

SA CLINIC.

Naghihintay ako sa kanya umupo muna ako, grabe yung kaba ko. Ginagamot na siya nung nurs. Napa tingin ako sa relo ko. 8:30 na? Naku late na ako!! Kakainis talaga! Maya-maya nag ring yung phone ko, kinuha ko na sa bag ko at lumabas ng clinic.

"Hello ma? bakit po?"

"wala lang anak, kinakamusta lang kita"

"Okay lang po ako.. ma, nag didisscuss po kasi yung teacher namin"

"ganun ba.. O, sige.. bye cutie"

"bye ma" binaba ko na yung phone ko. NAg sinungaling pa talaga ako, alangan namang sabihin ko sa kanya na nandito ako sa clinic tiyak mag tatanong yun. Napa lingon ako ng may nag salita.

"You'll gonna pay for this"

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niyang yun tapos kinabahan ako. "h-hindi ko na man sinasadya eh."

"Mag babayad kapa rin" mahinahon ang pag kakasabi niya pero nakaka takot ang mukha niya.

"teka, wala namang ganyanan diko nga sinasadya diba" lumpait siya sa akin at isinandal ako sa pader, nilapit niya ang mukha niya sa akin at sinabing.....

"sinadya mo man o hindi mag babayad kapa rin!" pagkatapos nun lumakad na siya papalayo, sampung hakbang mula sa akin tumigil siya at lumingon sa akin.. nag evil smile siya.. tapos nag lakad na siya. Oh my god diko na to carry!! magiging impyerno talaga ang buhay ko sa school na to!!

AFTER CLASS ---  5:00 PM

Blake's POV

Nakakatuwa talaga ang babaeng yun. KUng makita lang niya ang mukha niya matatawa siya. Masakit talaga yung kanina ha? Kaya nga napa upo ako eh. Nag j-joke lang naman ako nung sinabi kong mag babayad siya, nung tiningnan ko ang mukha niya ang seryoso talaga. Napa upo muna ako sa canteen at nag sountrip nakita ko nanaman yung babae padaan siya sa canteen kaya sinalubong ko siya..

"HINDI KO NGA SINASADYA" 

grabe naman ang babaeng toh, wala pa nga akong sinasabi sumisigaw na agad. "Teka, baka nakakalimutan mo na may dapat kang bayaran sa akin"

Ang kulit.. No choice, tinulak ko siya at tumakbo ng mabilis..

"Arayy, haha.. nakakatuwa talaga ang babaeng yun halatang natatakot.. Anu kaya ang pangalan nun?!" Lumingin ako ng may tumwag sa akin.

"BLAKE!!"

"Oh, bakit?"  si jhubel pala friend ko since first year..

"Alam mo ikaw ayan kana nanaman nan go-goodtime kana naman nuh?  natakot sayo oh? tinulak ka pa nga para makatakbo lang siya.."

"Ang sarap kasing asarin nun.. siguro transferee yun kasi di familiar yung mukha"

"Tss, bahala ka nga!!"

Jhubel's POV

Hi. ako nga pala si Jovani Billy Garcia, pero jhubel ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko, pam babae diba? hehe. ako ang taga awat pag nasasangkot sa gulo tong si Blake ang hilig kasing mang good time. Pero mabait siya!!

Gab's POV

Hayy! kakapagod talaga tumakbo hiningal ako dun ah? grabe talaga ang lalakewng yun di ba siya nakaka intindi na hindi ko sinasadya. Ano kaya ang gagawin ko pag mag kita bukas.. Di balew pag kinulit pa niya ako ulit isusumbong ko siya sa disciplinarian. NAg patuloy na ako sa paglalakad, nag hihintay ako ng masasakyan parang may papalapit sa aking lalake tatakbo na sana ako kaya lang..

"Miss.... wag kang tumakbo di kita aanuhin"

"Anong kailangan mo?"

"Pasensya kana sa inasal ng friend ko, nag jo-joke lang yun sayo"

"Ang tinutukoy mo ba ay yung lalakeng makulit?"

"Oo, hehe ako na ang mag sosorry sa kakulitan niya"

"bakit ikaw? diba dapat siya? taas kilay kong sagot.

"miss ako nalang" naka ngiti niyang sagot.

Infairness cute ang isang toh.. MAla anghel.. "diko matatanggap ang sorry mo wala kana mang kasalanan eh."

"i understand, by the way im Jovani Billy Garcia.. Jhubel for short mag classmate tayo" sabay abot ng kamay niya sa akin.

Inabot ko naman.." ahh, mag classmate pala tayo... ako nga pala si Alexandria Gabrielle.. Gab nalang" tapos nag simle siya.. "una na ako jhubel gabe na rin kasi"

"o, sige ingat ka!"

tapos yun nga sumakay na ako..

****************************************************************************************************

A/N: Suportahan niyo po sana ang scond story ko na toh.. Vote niyo po sana toh.. tapos comment na rin.. :)) kahit negative okay lang.. thank you po..

I Just Want To SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon