Life before You
I could not keep going, there is nothing way I could continue. Life is a real definition of suffering. Hindi matigil sa pagka-balisa, dumapo ang tingin ko sa pulso.
“Tigilan mo, Chelsie.” mahinang sambit ko. May kung ano na namang nagtatalo sa isipan. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pilit na nilibang ang sarili. Bumaling akong muli sa pulso at mariing hinawakan ito, ramdam ko ang hapdi ng mga sariwang sugat.
‘Last na’
‘Gusto ko lang maramdaman’
Kinain ako ng sistema at nanalo ang kanina pang nagtatalo sa isip ko. Para akong binalik sa reyalidad pagkatapos ng iyon. Sinarado ko ang pintuan ng kwarto at umupo sa kama ko. Wala pa akong nagagawa, ramdam ko agad ang pagtulo ng mga luha. Halos wala na akong maramdaman kundi ang pagod, ramdam ko ang panghihina ng katawan, ramdam ko ang pagka-wala ng pag-asa.
Pinikit ko ang mga mata at yumuko. Tulad ng palagi kong ginagawa, nagsusumbong akong muli. Tila sirang makinang paulit-ulit, wala akong ibang binabanggit kundi magmaka-awang palayain ako sa mundong ito. Wala akong ibang mabanggit kundi ang pagsabi sa Kaniyang pagod na ang buong pagkatao ko.
Sinusukuan ko na ang bigat ng puso.
Ramdam na ramdam ko na ang pagka-ubos.
Tumugtog ang isa sa pinaka-paborito kong awit. Sa simula pa lang ng pagtipa ng organista, ramdam ko na ang panginginig ng sistema, ramdam ko na ang paghikbi, at ramdam ko ang pag-agos ng mga luha.
“Ama, patawarin mo ako...” lumuluhang dulog ko. Hinayaan ko ang sarili sa pag-iyak, wala akong ibang magawa kundi damahin ang yakap ng sarili. Hindi ko mapigilan ang pagtatanong, anong ginawa ko at hinayaan ko ang sarili na mapunta sa kinalalagyang ito? Yumuko akong muli at muling inihabilin ang sarili.
Gusto ko lang gumaan ang buhay, gusto ko lang ng kapayapaan, gusto ko lang ng kaligayahan. Nais kong pumayapa ang isip.
Bawat paggising sa umaga, binabalik ako sa nakaraan, kung saan palagi gusto kong kumawala, at tapusin ang lahat ng mayroon ako.
Nagising na lang akong mugto ang mata, pinilit kong tumayo at humarap sa laptop. May pasok na naman, wala na akong lakas. Pumasok lang ako para sa attendance, kailangan kong ma-maintain iyong high honors.
“Students who won’t open their cameras would be kicked in the meeting.” banggit ng Prof namin sa AP. “Sincua, open your camera.” He said.
“Sir, sira po camera ko.”
“Online classes ang pinili mo, so you are supposed to have a cam. No excuses, sa next class ko na ikaw pumasok.” then he removed the participant. Wala akong choice kundi buksan ang camera.
Tangina, parang kinagat ng ipis ‘yung mata ko. Nakaka-bwisit talaga si Sir.
“Looking fresh, Ms. Paguio.” maarteng sabi niya.
“Potangina,” bulong ko sa isip. Tumunog ang cell phone ko. Alliah Faye asked, “beh, u oki?” Nagpanggap akong walang nabasa at ibinaling ang atensyon sa nagsasalita sa screen. Wala na ako sa focus kaya binuksan ko ang twitter ko.
‘Gusto ko na mamatay’
Natawa ako dahil pang-ilang tweet ko na ‘to. Malakas talaga kay Lord, ayaw pakinggan. Mabagal ang paglipas ng mga oras kapag ganito ako, para akong pinaglalaruan. Wala akong lakas makipag-usap sa kahit kanino, I’m ignoring all of the messages I’m receiving. Wala ako sa ulirat para sagutin ang mga ito. Tatlong linggo ang lumipas na wala akong paramdam sa mga kaibigan.
Ollie:
Buhay ka pa?
Hindi ko ulit pinansin, tinatamad pa akong mag-reply.
![](https://img.wattpad.com/cover/330672964-288-k424786.jpg)