Pumasok ako kinabukasan ng may hang over, pagbukas ko ng pinto ay halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Napataas ako ng kilay sa kanila at walang sabi na umupo sa upuan ko.
"You're late Miss Shamara! Care to explain?" Mrs De Guzman said.
I lazily stand up in front of my chair and answer her. "Hangover, ma'am." I plainly said. Agad naman lumukot ang kaniyang mukha.
"You're just a grade 10 student! Why are you drinking alcohol, you're still a kid! I need to talk to your parents." She angrily said, I rolled my eyes before answering her.
"Don't waste your time ma'am, as if my parents will come. Go teach I come here to learn, not to hear an exhortation. May I sit now, Ma'am?" Nang hindi siya sumagot ay ako na mismo ang nagbigay ng permiso sa aking sarili na umupo.
Walang sabi na nagturo na lang si Mrs. Guzman. Dahil late ako, ako rin ang mga tinatawag niya sa recitation namin. Masakit man ang ulo ay pinipilit kong tumayo masagot lang ang kaniyang mga tanong.
Ang mga kaklase ko naman ay tuwang tuwa dahil hindi sila tinatawag sa recitation. Buti na lang at may talino akong taglay, bukod sa pakikipag away top one rin naman ako sa klase namin.
Napabuntong hininga ako nang magring ang bell, hudyat na lunch break na. Unti unting naglabasan ang mga kaklase ko samantalang ako ay nakaupo pa rin at gustong matulog.
Pumikit ako at inalala ang nangyari kahapon sa mall. I guess wala na talaga akong magulang, si Daddy siguradong nabalitaan na niya iyon dahil sinabi ni Mommy. Wala na siguro silang pakialam sa akin, yeah right.
Wala sa sarili akong tumayo sa upuan. Uuwi na ako, kaya ko naman habulin at pag aralan ang mga ile-lecture mamaya.
"Where are you going, my dear bff!" Salubong sa akin ni Ke paglabas ko ng classroom.
"Uuwi, sama ka?" Diretso akong naglalakad sa campus, hawak ang susi ng big bike ko.
"Hoy hoy! Sha may klase pa!" Habol niya sa akin, napairap ako.
"Habulin ko na lang, friday naman na Ke."
"Oo nga no? Tara sama!"
Palibhasa lunch, walang guard na nakabantay sa gate. Dere-deretso kaming pumunta sa parking lot ng school at agad sumakay sa big bike.
"Ano ba yan Sha! Bakit kasi 'di na lang kotse mo ang dinala mo ngayon? Paano ako sasakay niyan!?" Nakakairitang reklamo ni Ke.
Tinignan ko siya ulo hanggang paa pagkatapos ay inirapan. Napaka arte talaga ng babaeng to, ako nga nakapalda rin eh.
"Magtaxi ka kung ayaw mo sumakay, ang dami mong reklamo!" Inis na saad ko. Binuhay ko ang makina ng aking motor at mabagal itong iniantras.
"Sorry na bff, eto na nga sasakay na. Chill!" Inayos niya ang kaniyang palda bago sumakay sa aking motor.
"Pwede ba, stop calling me bff. So jeje!" Maarteng sabi ko bago paharurutin ang aking motor dahilan para sumigaw siya.
"Wooh! I miss this!" Maingay na sabi ni Ke na ikinairita ko. Mas lalo ko pa pinaharurot ang motor hanggang sa makarating kami sa mabuhangin na dagat.
Agad akong bumaba sa aking motor at agad nilanghap ang preskong hangin. Maingay ang alon ng kulay asul na dagat. Hindi gaano mainit dito dahil may mga puno na nakatanim.
Umupo ako isa sa mga bench habang tinatanaw ang dulo ng dagat. Sumunod naman sa akin si Ke, na tinanaw rin ang dagat.
"May shark kaya diyan?" Out of nowhere na tanong ni Ke kaya napatingin ako sa kaniya.
"Tanga ka ba talaga Ke?" Iritang sagot ko na ikinatawa niya.
"Init ng ulo mo ah, hahanap muna ako ng tindahan. Nagugutom na ako!" Tinalikuran na niya ako kaya di ko na siya pinigilan.
Ipinikit ko ang aking mga mata, dinama ang hangin na nanggagaling sa dagat. Yesterday's recall in my mind.
What did I do to experience this?
Sa tagal kong nakapikit, unti unti na pala tumutulo ang aking mga luha. Mabigat ang aking pakiramdam, hindi ko maintindihan. Nangungulila ako ng sobra sa mga magulang ko.
How I wish they were with me.
Kumunot ang noo ko ng may maramdaman na presenysa sa aking harap. Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at ang mga luha ko ay nagbagsakan.
Isang matipunong lalaki ang nakalahad ang kamay na may panyo sa akin. Iniangat ko ang aking tingin. Muntik na ako malaglag sa aking kinauupuan ng makita ang kaniyang mukha.
"Nasa langit na ba ako?" Bulong ko. Ngunit hindi ata naging bulong dahil narinig kong tumawa ang lalaki.
"Hey miss, wala ka pa sa langit. Tanggapin mo 'tong panyo ko, kumalat na eyeliner mo." Sa pagkasabi niyang iyon ay agad kong hinalungkat ang aking bag para kunin ang salamin.
"Ang pangit ko...."
Dahil naubusan ako ng wipes, kinuha ko na ang kaniyang inaalok. Umupo siya sa aking tabi at tahimik na tinanaw ang asul na dagat. Habang ako ay inaayos ang aking mukha. Nasa'n na ba si Ke, ang babaeng iyon hindi na bumalik.
"Maganda ka." Napatigil ako sa pag aayos nang magsalita ang katabi ko. Nakatingin pa rin siya sa dagat. His jawline, gosh!
"Pogi ka rin naman." Tanging naisagot ko. Tumawa siya at inilipat ang tingin sa akin.
"You don't need to compliment me just because I compliment you. You're fine." He said and chuckled.
Natahimik ako at muling napatingin sa dagat. Ang ganda pagmasdan ng alon. Unti unti na rin lumalamig ang paligid.
"May I ask? Why are you crying?" Sa gitna ng katamikan niyang tanong.
Close ba kami nito? Kung makatanong akala mo magkaibigan kami eh. Sasabihin ko ba? Okay lang naman siguro, hindi na rin naman kami magkikita. Ang tagal rin ni Ke, wala ako mapaglabasan sama ng loob.
"My parents are gone. They left me and choose to live with their mistress." Nakatingin sa dagat ko sabi, pinipigilan ang luha na tumulo.
"Oh, I'm sorry to hear that." He said and I smiled.
Lahat ng nararamdaman ko at saloobin ay sinabi ko sa kaniya. Kung paano ako iwan ng mga magulang ko. Kung paano ako masangkot sa gulo dahil sa kagandahan kong taglay. Kung anong performance ko sa school at kung paano ako mamuhay nang mag isa.
Inabot kami ng hapon nang matapos ang usapan. Ganito pala ang pakiramdam na may nakikinig sayo. Pakiramdam na hindi nag iisa.
Humarap ako sa kaniya. "Thank you for listening, I appreciate it." I sincerely said.
He smiled and pat my head. "No problem, till we meet again."
"Yeah, till we meet again. Thank you for your advice!" He smiled and nodded his head before waving goodbye.
Dahil sa presensya ng lalaki nakalimutan ko ang aking kaibigan. Kinuha ko sa aking bag ang aking phone at tinignan kung may text ba ang babae. Napairap ako nang may makitang mensahe galing sa kaniya.
Keee:
Sorry bff nakauwi na ako, najebs ako bigla hindi na kita nabalikan huhu. I love you, ingat sa pag uwi!
Napailing na lang ako sa katangahan niya. Napagdesisyonan ko na umuwi na lang at kumain sa condo. Five na kasi ng hapon, hindi pa ako kumakain ng lunch. Sumakay na ako sa aking motor at pinaharurot ito pauwi.
YOU ARE READING
A Beautiful Curse of Shamara
Teen FictionShe is broken and a fragile girl who learned to fight the battles in her life.