Cassandra's POV
Naaawa talaga ako kay Miguel. Akala ko ako na'ng pinaka-miserableng tao sa mundo, may mga tao parin palang mas magulo ang buhay sa'kin. I must be thankful kasi may Mommy akong kahit strikto ay inaalagaan parin ako at isang Daddy na ibibigay ang lahat sa'kin.
"Miguel?" San napunta yon? Biglang nawala?
"ZzzzZzzz... (-_-)"
Hay. Ayun lang pala. Tulog na naman?
Ang gwapo nya pala, ngayon ko lang narealize. Napaka-inosente ng mukha nya.
"Nagugutom na ko ah! Anong oras na ba?" Tumingin ako sa wristwatch ko. 7:00pm na pala. Matagal tagal din pala kaming nag-usap.
"Cassandra! Bumaba ka na dyan! Mag-dinner na tayo."
"Sige po Mommy."
Corina's POV
Tama bang narinig ko? Sige po Mommy?
Nabibingi na ba ako? Si Cassy, nagpo? Isa itong himala! No! Kilala ko si Cassy, never syang nagpo sa'kin. Baka gusto nya lang makuha yung battery ng cellphone nya.? Whatever!
"Mommy! Ano pong ulam natin?" Nagpo na naman sya.
"Ah. Eto. Ano. Yung paborito mo. Beef steak at adobong baboy."
"Di nga Mommy? Pinagluto mo ko?" Kitams! Di na sya nagpo.
"Oo nga. Tikman mo." Tinikman nga nya at bigla akong niyakap.
"Mommy, thank you po. Sorry kung sinasagot sagot kita. I love you Mommy." Ayokong maniwala sa kanya kasi ngayon lang sya nag-I love you sakin, pero yung yakap nya... Para bang naramdaman ko dun yung sincerity nya. Niyakap ko din sya at bumulong ako.
"Mahal na mahal din kita anak. Sensya na kung medyo strikto si Mommy ah. Pero promise, babawi ako." Yeah. I'm dead serious! Magpapaka-nanay na ako kay Cassandra.
"Tama na drama Mommy! Kain na tayo!"
"Sige."
Cassandra's POV
Hay! Bakit parang ang saya ko? Parang ang luwag sa pakiramdam. Ganto ba talaga pag walang sama ng loob? By the way, tapos na kaming kumain at matutulog na 'ko. Oo, dito sa kwarto ni Migz, si Miguel. Hahaha! Dun sya sa rocking chair at dito naman ako sa malambot nyang kama, kasing lambot ng kamay nya. Oo, malambot yung kamay nya. Parang nakuryente pa nga ko nung nagkamay kami kanina eh. Kire ko! Bakit ba di ako inaantok? Pero yung multong yun, kanina pa tulog. Gisingin ko kaya? Nice idea!
Lumapit ako nang dahan dahan at pumwesto sa harap nya sabay sigaw.
"Hoy!", sigaw ko. Nakita ko syang napatayo bigla.
"Pwet ng kabayo! Ano ba? Nakita mong natutulog, gugulatin mo?!"
"Napaka-nerbyoso mo naman! Easy lang, peace tayo ah! :P"
"Oo na! Oh ba't mo ko sinigawan? >.<" Sunget neto!
"Di kasi ako makatulog eh. Kumain ka na?"
"Pwes di ako kumakanta ng lullaby."
"Ang sungit mo!"
"Panong di susungit, eh sinira mo tulog ko?!"
"Mianhamnida."
"Just forget about it."
"Naintindihan mo 'ko?"
"Oo. Di ba sabi mo, I'm sorry?"
"Salamat."
"For what?"
"Okay na kami ni Mommy. J"
"Bakit ka nagpapasalamat sa'kin?"
"Kasi na-realize kong swerte padin ako sa pamilya ko, na may mas miserable pa ang buhay kesa sa'kin. at maikli lang ang buhay kaya dapat sulitin."
"Totoo yun kaya ikaw, pumunta ka na dun sa kama, matulog ka na."
"Eeehh... Migz naman eh. L" Acting lang 'to syempre. Hahaha!
"Napaka-childish mo talaga." Ewan ko ba pero nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad pabalik sa kama.
*LearnToLoveMe*
BINABASA MO ANG
Mission Accomplished!
General FictionRandom type. You may read this so you would understand.