Noong nasa work pa ako at habang kumakain ay bigla nalang may tumulong dugo sa ilong ko. Dinedma ko muna yun at inisip na wala lang yun pero ayaw tumigil ng pagdugo ng ilong ko kaya napasugod ako sa clinic namin. Pinayohan ako non ng doctor na magpahinga muna pero binaliwala ko lang yun at nagtrabaho na ulit. Habang nagtatrabaho ako ay bigla nalang ulit tumulo yung dugo sa ilong ko at mas malala pa ito nung una at pumunta agad ako sa clinic, pinayohan ako ng doctor na magpahinga muna at pinauwi ako. Pero habang ako'y palabas na sa pinasokan ko ay bigla nalang ulit tumulo yung dugo sa ilong ko at mas malala ito, halos maubos ko yung tissue na nasa bag ko dala ng pagdugo ng ilong ko, inisip ko nalang non na kung malala na ito ay hahayaan ko nalang total naisip ko naman na malayo ito sa bituka haha.
BINABASA MO ANG
The Last Days
De TodoThis will be my diary and my what's on my mind. (hirap mag english bahala kayo dyan). Anyway di ko rin naman alam kung kailan ako mawawala kaya yan nalang ginawa kong title. If time mo na time mo na, kumbaga it is what it is ako. Kung magkasakit man...