3

9 1 0
                                    

Her POV

5 years later

I am putting my stuffs sa compartment ng eroplano kasi uuwi na akong Pilipinas. It's been awhile. My stay here had been rough and hard. And now, I am glad that after 5 long years ay makikita ko na ulit siya.

I am sitting near the window. The clouds reminds me of us. We used to lay down on the grass, and our shoulders serve as our pillows with each other. It felt great laying down under the bed of fluffy clouds above.

It was like a dream come true to me nung nalaman ko na kaklase ko siya. He is my crush, as in first time ko siyang nakita noon sa may library. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito, para siyang baby.
At first hindi ko alam Ang pangalan niya, since hindi ko naman siya kabatch pero nalaman ko na sikat pala ito sa campus. He's a soccer player at the same time a Scholar. Hindi lang pala siya puros hitsura lang, may ibubuga rin naman pala ito.

Naalala ko rin nung ginreet niya ako nang pasukan. Hindi ko alam kung papaano ako rereact sa greeting nito. Kaya imbis na tugunin ang bati nito ay napayuko na lamang ako. Ayokong makita niya ako na namumula. Nakakahiya talaga.

Maraming araw ang lumipas at nahahalata ko na lagi niya akong pinapansin at kinakausap. Binalewala ko lang ito dahil ayokong umasa, baka ganoon lang talaga ang trato niya sa mga babae. Pero I was wrong, pag nakikita ko siyang mag isa lang ay laging nakabusangot ang mukha neto, na para bang pasan niya na lang lahat ng problema sa mundo. Marami ring babae na nagpapapansin dito pero dedma lang ito. I know it's evil of me dahil I felt glad na walang siyang ibang pinapansin na babae maliban sa akin.

Then one day, I just found myself talking and laughing with him. Nasanay na ako sa presence niya.
He would gave me flowers and chocolates. Sabay kaming mag lalunch at kung may libreng oras ito ay hinihintay niya ako hanggang matapos ang klase ko. Gusto pa nga niya aking ihatid samin kaya lang mayroong sumusundo sa akin, driver ni Dad.

They thought that being a daughter of one of the most powerful men makes me lucky, but they are dead wrong. You should be perfect para lang mapansin ka ng tatay mo, maraming bawal at nakakasakal na.

I have a different persona kapag kasama ko siya. Walang may magsasabi sakin ng mga dapat kung gawin. I can laugh out loud and not think about being prim and proper all the time. He's like breathing area. Siya ang nakapag palabas ng tunay na ako. It's been awhile since naging masaya ako, last ko itong naramdaman noong nabubuhay pa si Mommy. And I am glad na binuhay niya ulit and dating ako.

Kung ang iba ay nag dedate sa restaurant or sa mga parks, kami sa may gilid lang ng kalsada.
And our menu will be BBQ, isaw, kwek kwek, palamig at iba pang mga pagkaing kakaiba ang pangalan pero masarap. Never akong nag reklamo dahil gusto ko rin naman na maexperience ang iba pang mga bagay.

Pero once, nilibre niya rin ako sa isang fine dining restaurant kasi sabi niya nahihiya na daw siya dahil puros sa turo-turo na lang daw kami kumakain. Whenever we went out laging siya ang gumagastos, gustuhuhin ko man na magbayad ay lagi niya akong pinipigilan. He said that girls should not spend a penny. And I adore him for that. Ginagastos niya ang ipon niya para sa akin. Ang dami dami niya ng nagawa para lang mapasaya ako. Wala na akong mahihiling pa.

Sobrang gentleman at mapag pasensya nito. Pagka tinutopak ako ay natatarayan ko ito pero siya, wala lang, tatawanan niya ako at nandiyan pa rin ito, readyng lambingin ako. Siya yung unang mag sosorry kahit alam kong ako yung may kasalanan. Tutulungan niya akong mag review at gumawa ng projects ko kahit abutin man ako ng magdamag. Siya pa nga yung humuli ng mga palaka na kailangan kong i-disect.

Minsan dinadalhan niya ako ng pagkain kahit hindi ko naman sinabi na dalhan niya ako. Isang tawag or text ko lang ay pupuntahan na ako nito. He is so worthy of my love, feeling ko nga ay ako pa tong may kulang. Every girl would love to be in my position and God,I am so blessed for having him.

I thought everything was going according to the plan pero hindi eh. My head began to hurt so bad and I felt dizzy. Nanlalabo na rin yung mga mata ko. Ito yung pinaka nakakatakot na nangyari. Nalaman ko na may cancer na rin ako tulad ng kay Mommy.

I'm not afraid because of my life, natatakot ako dahil ayaw kong iwan siya. Marami pa ako gustong gawin and dying is not yet part on my list. Ilang araw akong hindi nagpakita dito. Kailangan kong pumunta sa ospital for further check ups. Alam na rin ni Dad ang tungkol dito. Kaya sinabi niya na pumunta raw ako London to cure my disease. May kilala daw itong espesiyalista doon.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung sasabihin ko ba o hindi sa kanya. He keeps on texting and calling me but I ignored it all. Nalaman ko rin na hindi ito naka attend ng graduation niya and I know that is was my fault.

I need to endure my feelings because it's the best for the both of us. I am planning to left without saying goodbye but apparently alam kong hindi ko kayang umalis na hindi nakakapag paalam.

Pumunta agad ako sa may park, our favorite spot. Alam kong makikita ko siya dito dahil for the passed 5 weeks lagi ko siyang nakaupo lang sa wooden chair malapit sa lamp post. He keeps on sitting there until 8 in the evening, as if he was waiting for me to come here with him but I never came.
I just watch him from a distance.

"So close yet, so far."

Nung hindi na ako makatiis ay pinuntahan ko na ito sa may upuan. Seeing him sit there makes it feel lonely and alone.
I took a deep breathe and tapped his shoulder. I smiled in the thought of him gently caressing my cheeks to know if I am real.

I love this man in front of me.

We talk about things, at first gusto kong sabihin ang tungkol sa sakit ko. But I know that it will only hurt his feelings. At alam ko rin na hindi siya tutuloy sa New York kapag nalaman niya na ang totoo.

Oo gusto kong maging isang doctor at alam niya yun. Pero for now wala muna yan sa isip ko. It was a reason that I need to say para pumayag ito sa temporary letting go naman sa isa't-isa. I want to live longer for him.

I don't want to be a burden. I want him to fulfill his dreams. Though I want to be selfish, but I can't.

Before bidding goodbyes ay binigyan niya rin ako ng litrato. It was our picture. Our smiles were wide and genuine. It was our first picture together.

I felt tears forming on the sides of my eyes and I prayed inside my head.
"Lord, please.. I know that I have never been a good girl. I have committed sins and I am sorry for that. But please.. Please let him wait for me. I want more days, months and years with him."

PhotographWhere stories live. Discover now