Three Steps of my Revenge

209 4 0
                                    

Three Steps of my Revenge

By: bebengchikx

----------------------------------------------------------

Introduction:

Ako nga pala si Jesse Mikaella Alcaraz. Second year high school sa Momo High. Actually, ang tawag nila sa akin ay “nerbabsi” na ibig sabihin ay nerd na baboy na singkit. Pero may mga tumatawag din naman sa akin na “Ella”. Di ko namang magawang magalit sa kanila kasi alam ko sa sarili ko na ganon talaga ako kaya pinapagpapasensyahan ko na lang.

Isa lang naman akong normal na estudyante na papasok para mag-aral. Uuwi pag uwian na. Gagala kasama ng ibang kong kaklase pero madalas di na ko sumasama kasi grabe lang kung makapanglait. At take note sa harap pang maraming tao.

Pero okay lang yun. Masaya naman silang kasama. Isa lang naman ang ayaw ko sa kanila eh, yun yung pag nalaman nila kung sino ang crush mo eh pagkakalat nila yun at ipapahiya ka pa sa harap ng crush mo.

Pero gaya nga ng sabi ko kanina isa akong normal na high school student at normal din naman ang magkagusto o humanga di ba? Kaya nga dahil alam ko na ang mga pinaggagagawa ng mga kaklase ko. Kahit isang beses di ako nagpakita na may crush ako sa isang tao. Hahaha… galing ko ata magtago. BEST ACTRESS to :DDD pero biglang nabago ang lahat ng…

Makilala at maging kaibigan ko ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko na nagngagalang NATHAN GABRIEL BAUTISTA. Siya ay kilala sa aming paaralan bilang sikat na PLAYER. OO player sya. Hindi player ng basketball o ng kahit anong sports. Iba kasi ang nilalaro nya at yun ay ang puso ng mga mahihinang babae na madaling umiibig sa kanya.

Siya lang naman ang unang kaibigan, unang nagpakilig, unang nagpangiti, unang inibig ko at siya din unang lalaking nagpaiyak at nanakit sa akin.

Paano nangyari? Basahin nyo na lang:D

Three Steps of my Revenge (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon