Prologue

6K 116 36
                                    

A/N: FIRST 3 CHAPTERS ONLY. PAID STORY UNDER NOBELISTA. DO NOT READ KUNG AYAW MABITIN.

PROLOGUE

"SHE REALLY THOUGHT she's one of us? Duh! Her parents are rich and she is beautiful but she is disgusting!"

"I agree! You see how she eat? Yuck! She's so kadiri! Her hands are so mataba and her cheeks. Nandidiri ako sa kaniya sa tuwing kaharap natin siya. She's so mataba."

"We are already twelve years old and we are very beautiful. I mean...look at our body! We are very sexy. Kahit anong damit ang suotin natin, we are very beautiful! But what about her? Her parents are rich and they could afford everything but still, she doesn't fit in. She doesn't belong to us."

"Kaya lang naman tayo nakikisama sa kaniya at nakikipag-kaibigan dahil mayaman ang parents niya. We can eat and buy what we want because of her allowance from her parents. Wala lang siyang ideya kung gaano tayo nandidiri kapag kasama natin siya. Siya lang ang naiiba. We are all fashionistas and boys in our school always look at us whenever they sees us walking around here in school. Our group is famous here. My god! Hindi ba siya nahihiya na wala man lang ni kahit isang tumitingin sa kaniya? O baka umaasa siya na magkakaroon siya ng atensyon mula sa boys kapag tayo ang kasama niya?"

Kagat-kagat ni Sharrein ang ibabang labi habang pinapakinggan ang apat niyang 'kaibigan' na ngayon ay siya ang pinag-uusapan.

Nagtatago siya sa likod ng malaking poste. Kanina pa siyang naririto dahil breaktime nila. May dala siyang mga pagkain para sana ibigay sa mga 'kaibigan' niya.

Lahat ng mga sinabi at panlalait ng mga ito sa kaniya ay narinig niya. Pati malalakas na halakhak ng mga ito ay naririnig niya.

Dahan-dahan siyang umatras habang may luha sa mga mata. Lakad-takbo ang ginawa niya habang bitbit ang mga pagkaing dala.

"Sharrein."

Napatigil siya nang may ilang kapwa estudyante ang humarang sa kaniya. Tumingin siya sa mga ito. Ang mga kaklase niyang lalaki.

"May dala ka na namang pagkain? Ibigay mo na lang sa amin. Taba mo na nga, e," anang isang kaklase niya at sabay-sabay na tumawa ang mga ito.

"Sabi pala ni Luke, liligawan ka raw niya. Payag ka ba?" tanong ng isa pa niyang kaklase.

"Liligawan ka niya kapag pumayat ka na."

At muli ay sabay-sabay na tumawa ang mga ito.

Tiningnan niya ang mga ito ng masama.

"Ang sama mo naman tumingin. Akala mo naman kagandahan. Hindi ka naman talaga maganda. Mayaman ka lang pero hindi ka maganda."

At muli ay nagtawanan ang mga ito. Napayuko na lang siya at hindi na umimik pa.

Nang mapansing biglang tumahimik ay nag-angat siya ng tingin. Ang mga kaklase niya ay nakatingin na sa likuran niya habang may takot sa mga mata.

Nang lumingon siya sa likuran niya bigla siyang napaatras nang makita kung sino iyon.

"He is the school's President, right?"

"Yes, that's him."

"He is scary. Tara na. Balik na tayo sa classroom."

Tumingin siya sa mga kaklase niya na nagsi-unahang magtakbuhan papalayo.

Nang mawala na ang mga ito sa paningin niya ay nakahinga siya ng maluwag. Muli siyang tumingin sa kadarating lang.

"Nathan." Bati niya at alanganing ngumiti.

Sweet Surrender(Completed on Nobelista)Where stories live. Discover now