CHAPTER 1
"NINANG! Happy Birthday po!" Magiliw niyang bati kay Tita Hanna sabay halik sa pisngi nito.
Tumawa ang ninang niya at kapagkuwan ay pinanggigilan ang pisngi niya.
"You haven't changed. You are still sweet and bubbly, sweetie," Tita Hanna said with a beautiful smile she had ever seen.
Mahina naman siyang humagikhik.
"I'm sorry for arriving so late on your birthday party. I had a very important surgery at the hospital. I thought I couldn't make it to your birthday today but luckily, things went smoothly at work so yeah, I don't want to miss this opportunity," she explained.
Tita Hanna nodded. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya.
"I know how busy you are at work as a surgeon, sweetie. So I'll understand though. I appreciate you coming here. You were too busy at your profession just like my son," tugon nito habang napapailing.
Napangiwi naman siya.
"He's not here again?" tanong niya kay tita.
Malungkot na umiling si Tita Hanna. Kaagad naman siyang ngumiti at hinawakan ang kamay nito.
"Nathan is a hardworking man and very dedicated to his work so try to understand him more, okay? Babawi iyon sa'yo kapag may pagkakataon, tita," nakangiting sabi niya.
Ang lungkot sa magandang mukha nito ay napalitawan ng tuwa at galak.
"You really know what to say," anito na ikinatawa niya.
"This is why you like me, Ninang," biro niya.
"Well, yes," anito at sabay silang nagtawanan.
Mukhang siya na lang talaga ang pinaka-huling dumating sa birthday party ng ninang niya. Ang iba niyang mga kaibigan at kababata ay naririto na rin. Nag kumustahan silang lahat.
Inasikaso at kinausap rin niya ang iba sa mga bisita. She made sure that they are comfortable. Nakita niya ang Ninang niya na nakatingin sa kaniya. May aliw sa mga mata nito.
"You should eat, sweetie. Kanina mo pa ini-entertain ang mga bisita," anito at inilapit ang bibig sa tainga niya. "They thought you were my daughter-in-law," patuloy nito at humagikhik.
Mahina siyang natawa. Nagtawanan silang pareho. Nasa ganoong eksena sila nang dumating ang taong hindi nila inaasahang darating ngayong gabi.
Napako ang tingin niya sa lalaking naglalakad papasok habang may dalang isang bouquet ng rosas. Diretso itong naglakad patungo sa kinaroroonan nila.
Ilang sandaling napako ang tingin niya kay Nathan— Tita Hanna's eldest son. Nakita niya kung paano nitong masuyong niyakap ang ina.
Napangiti siya nang makita ang masayang mukha ng ninang niya. Sa nakikita niya ay walang anumang mamahaling regalo ang makakapantay sa saya ngayon ng ninang niya dahil sa pagdating ng pinakamamahal nitong panganay na anak.
Dahan-dahan siyang umatras at binigyan ng privacy ang mag-ina. Walang ingay na umalis siya at dumiretso sa mahabang table kung nasaan nakalapag ang iba't-ibang klase ng pagkain. Bigla siyang natakam. Kanina pa siyang walang kain dahil ilang oras din siyang nasa operating room at ngayon niya naramdaman ang matinding gutom.
Bago siya kumuha ng pagkain ay tumingin siya sa harapan kung saan ay nag-uusap si Nathan at ang Ninang niya.
Awtomatikong nagsalubong ang mga mata nila ni Nathan. Hindi siya nag-iwas ng tingin at maging ito ay hindi rin nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kung wala lang may humarang sa kaniya na kumukuha ng pagkain ay hindi mapuputol ang tinginan nilang dalawa.
YOU ARE READING
Sweet Surrender(Completed on Nobelista)
RomansSWEET SURRENDER Nathan Davidson - a very successful man, a bachelor, a handsome man that every woman is willing to fight just to have him and to have all his favour. A man that every woman would wish to have him. He is a very successful Pilot Captai...