Chapter 2

1.9K 67 19
                                    

CHAPTER 2

MAHINA siyang napadaing at nagmulat ng mga mata. She's still sleepy and she wants to sleep more. Pero sa tuwing nagigising siya mula sa mahimbing niyang tulog ay hirap na siyang makatulog pa ulit.

Dahan-dahan siyang bumangon at nag-inat. It's already 8:00 o'clock in the morning.

Lumabas siya ng kuwarto ng hindi man lang naghilamos at nagsuklay. Ang mommy at daddy na lang naman niya ang kasama niya rito sa bahay kaya hindi na siya nag-abala pa.

"Anak, you're awake. I thought you'd be sleeping in today since it's your day off."

Sa inaantok na mga mata ay napatingin siya sa ina niya. Kaagad niya itong nginitian.

"Good morning, my beautiful mommy," nakangiting bati niya at malambing itong hinalikan sa pisngi.

Her Mommy Sharmaine smiled and pinched her nose.

"Aw, mommy!" Reklamo niya.

Her mother just laughed.

"Kung ako sa'yo, bumalik ka muna sa kuwarto mo," nakangiting sabi nito.

"Why, mom? Don't worry, I'm good. I'm still sleepy but you know that I can't go back to sleep anymore once I'm awake," aniya at naghikab.

Ang mommy niya ay mahina lang siyang pinagtawanan.

"Are you sure you don't want to go back to your room?" May kislap sa mga mata ng mommy niya.

"I'm okay, mom. Did you cook already? What's for breakfast?" aniya at diretsong naglakad patungo sa kusina. "I'm hungry, mom. I want some toast bread and—" Bigla siyang natigilan.

Hindi siya makagalaw nang makita ang taong hindi niya inaasahang nasa kusina ng bahay nila ngayon.

"Good morning," nakangiting bati ni Nathan habang nakatingin sa kaniya.

Hindi siya makatugon. Tila nagmistulang tuod siya. Hindi niya maigalaw ang sariling mga paa na tila ba pinako siya roon.

"You should've gone back to your room when I said earlier," her mom said and chuckled.

"Mommy, I hate you!" sigaw niya at mabilis na tumalikod at tumakbo pabalik sa kuwarto niya.

Narinig pa niya ang tawa ng mommy niya at ni Nathan.

Nang makapasok siya sa loob ng kuwarto ay kaagad niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Halos mangiyak-ngiyak siya nang makita ang sariling repleksyon.

Gulo-gulo ang buhok niya. May muta pa yata siya sa mga mata. And she's not wearing a bra!

Mahina siyang napamura. Gustong-gusto niyang umiyak. She's so ugly! Ang taba na nga niya tapos ang pangit-pangit pa!

Hindi niya mapigilang umiyak. Nasa ganoong eksena siya nang marinig na may kumatok mula sa labas ng kuwarto niya.

"Sha, can I come in?" It was Nathan.

Mabilis siyang naglakad patungo sa pinto at ni-lock iyon.

"No," mariing tanggi niya.

"Galit ka ba?" masuyong tanong nito.

Hindi siya sumagot. Narinig niyang napabuntong-hininga ito.

"Okay, I am sorry for coming here unannounce. I'm sorry, okay?" Patuloy itong nagsalita mula sa labas ng pinto ng kuwarto niya.

"I hate you," aniya at humikbi.

"Yeah, I know. I'm sorry," anito sa masuyo pa ring boses.

"You saw me today. I am very ugly. I look like a shit. I am fat and ugly. I hate it!" aniya habang humihikbi pa rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Surrender(Completed on Nobelista)Where stories live. Discover now