Chapter 1

73 2 0
                                    

The Beginning of Story

"Maxwell POV"

minsan sa isang tao hindi talaga maiiwasan ang sakitan at masaktan pero kahit na ganun mas nangingibabaw parin ang pagmamahal dahil mas higit ito importante sa tao

ano nga ba ibigsabihin ng pagmamahal?

well ang pagmamahal ito ang salitang ginagamit at pinaparamdam sa isang taong gusto mo or sa importante sayo

at ang pagmamahal ay pinaka masarap na pakiramdam sa mundong ibabaw dahil kaya itong maghilom ng sakit sa tao at sandata na pwede mong ipaglaban sa lahat ng problema mo sa buhay.

hindi ko na patatagalin pa ito dahil alam kong naiinip na kayo kaya naman sisimulan ko na ang pagpapakilala ko sa sarili ko

Ako nga pala si Maxwell Tiago Rosales or tawag nila sakin Max or minsan Tiago nakatira ako sa Manupan st. Davao City kasama ko ang mga kaibigan ko mga pamilya ko at mga kakilala ko, pinanganak ako nung October 15 1997 kaya ngayon ay 18 years old na ako at naka pagtapos na ako ng high school kaya naman ang next goal ko na ay magaral sa Academy bilang Senior Highschool Student (Grade 11) ngunit hindi ko muna pinagpatuloy yan dahil hindi sapat ang perang kinikita ng aking magulang sa paggagawa at pagbebenta ng pruduktong gawa sa mangga at gatas at pati narin sa pagtatrabaho ko sa bukid kaya naman mas inuna ko munang tulungan sila Nanay Marisse at Tatay Mario at syempre kasama ko rin ang bunso kong kapatid na si Rianne. May dalawa akong matatalik na kaibigan na nakasama ko ng matagal, Si Ford or Jayford Jhin Salazar Alvarez ay kababata kong kaibigan parehas lang kami ng edad at nakilala ko sya nung elementary student palang kami sya lang ang taong nakakalaam sa pagkatao ko at dahil nga masayahin syang tao ay minsan gumagawa sya ng kalokohan at minsan din kalog sya kaya pati ako ay nadadamay narin sa kanya pero kahit ganun ay hinding hindi namin sisirain ang matagal naming pagsasama bilang mag magkaibigan!, At si Peter or Jhon Peterson Samson Aguilar ay isa rin sa mga matatalik kong kaibigan nakilala ko sya nung first year high school kami ni Ford kasi dito rin sila lumipat ng pamilya niya at parehas lang din kami ng edad ngunit mas angat ang itsura nya samin, ang pagkakakilala ko sa kanya ay medyo may pagka seryoso sya lahat ng oras walang siyang pakelam at minsan tahimik lang sya kaya naman binansagan naming syang Misteryosong tao minsan kapag may umaaway sa kanya ay pagsasalitaan nya to ng mga masasakit pati si Ford napagsalitaan nya narin pero hinayaan lang namin sya sa mga ginagawa nya tapos hindi sya palangiti at palaging galit kung makatingin samin kaya nga iniiwasan kong magaway sila ni Ford.

Si Ate or si Maxine Lianna Rosales ay umalis ng davao nung 2005 so 9 years old pa lang ako nun ngunit kaya sya umalis kasi gusto nyang magaral ng Senior Highschool sa Makati dahil scholarships sya kaya lumipas ang tatlong taon ay nakapagtapos na sya ng pagaaral at ngayoy may magandang trabaho na sya kaya malaking tulong narin yun kila Nanay at Tatay kaya lang meron kasi akong sama ng loob sa kanya dahil sa loob ng tatlong taon ay hindi siya umuwi samin para lang bisitahin kami kaya naman hindi ko alam kung pano ko ulit siya haharapin kapag nagkita na ulit kaming dalawa

Ako ay nagtatrabaho dito sa bukid na pagmamayari ng Valdez isa sa mga may pinamamalawak na lupain dito sa Davao or sa madaling salita mayaman sila medyo pinagbubutihan ko naman ang pagtatrabaho ko kahit mahirap ang ginagawa dito kasi too pagod talaga ang inaabot ko dito lalo nat tag init Ang ginagawa ko dito sa bukid ay pagtatanim ng palayan at pagaani rin ng prutas at gulay kadalasan nangingisda rin kami sa dagat para lang may mabenta sa mga turista or di kaya i ulam nalang sobrang hirap dito sa probinsya pero atleast masaya naman kasi kahit anong hirap ko sa buhay basta palagi naman nandyan ang mga kaibigan at pamilya ko para matulungan ako sa pangaral ko

"Haystt sakit na ng katawan ko mukhang kailangan ko munang magpahinga saglit" Sabi ko at umupo muna ako sa tabing puno ng mangga

habang nakaupo ako at pinapawisan narin ay pinunasan ko muna ang noo ko gamit ang braso ko dahil wala akong panyo o pamunas

The Hatred of LoveWhere stories live. Discover now