Rex's POV
"Anak! Gising na. Pumasok ka na sa school. Baka ma late ka pa", Sigaw ni Mommy galing sa labas ng aking kwarto.
"Bihis na ako, wait lang", sagot ko naman kay Mommy
"Bumaba ka na ha. Papasok na din ako"Sigaw ulit ni Mommy.
"Sabay na tayo, kumain na ako ng almusal nung tulog ka pa". Ako
"O sige, hintayin kita sa baba ha". Mommy
Hala!!! Bakit ako kinakabahan?! Alam mo ba yung feeling na parang mamaya ay biglang may huhugot na ng puso mo dahil sa bilis ng pagtibok nito? Oo. Ganon ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko maya maya sasabog na yung dibdib ko eh. Btw, 4th year high school na ako ngayon. I hope na madami akong maging friends tulad last S.Y.. Sana madamiing events ang magaganap sa school namin ngayong S.Y.. Sana may pogi akong classmate or schoolmate.
Ang pangalan ng aming school ay Pilar College. Ang School namin ay parang pinaghalong UP, UST, Ateneo, at La Salle. Pero joke lang ho lamang yun. Maganda ang systema ng aming school kaya madaming nagaaral dito. Pero kung gusto mong magaral dito ay medyo challenging. Nung nag entrance exam ako dito, may nakasabay akong student na inatake sa puso dahil siguro na stress sya kakareview kaya hindi na sya nakapagaral dito. BTW, puro lalaki lang pala ang pwedeng pumasok sa school namin. Kaya kapag nag paprom kami, lalaki sa lalaki. Haha. Okay, balik ulit sa topic, so yun pinagdasal namin sya.
So umalis na kami ni Mommy sa bahay dahil ma lelate na kami.
*habang nasa jeep broom broom*
Nung nakarating na ako sa school namin, kiniss muna ako kay Mommy. Then pumasok na sya sa trabaho nya. Malapit lang kasi yung office nya sa school namin. Pero hindi mo ito malalakad dahil kailangan mo pang lumikoliko hanggang 5 kanto paa makarating sa office ni Mommy.
Nung nakarating na ako sa school namin, nakita ko agad yung previous friend ko na tinitignan kung anong section nila. 10 kaming magkakaibigan. Last section ako. Tapos mga 8 kaming magkakaibigan ang mag classmate ulit. Nalungkot yung 2 naming kaibigan dahil mag kaiba din sila ng section. Kaya inaasahan ko na na baka hindi na sila sumabay samin at mawala sa barkada.
Nung nakita na namin ang aming section, naglakad na kami papuntang classroom. Habang naglalakad kami sa corridor, biglang may narinig akong tunong ng tumatakbong tao. Paglingon ko biglang...
*bogsh*
Napaupo ako sa sahig. Natulak nya ako. Fvck. Ang sakit ng pwet ko.
"Hoy! Bumalik ka dito. Anak naman ng chuchu ah oh". Sigaw ko habang nakaupo sa sahig.
Pinagtawan lang ako ng aking friends pero may isa akong friend na tinayo ako pero tumatawa din sya.
Sa bilis nyang tumakbo, ang nakita ko lang ay ang puti nitong polo at black pants, pero medyo nakita ko din yung mukha nya. Fair lang yung kulay ng kanyang kutis. May pagka brown ang buhok at Gwapo.
Nung nakarating na kami sa aming classroom ay nakita nila na nagsasalita na yung teacher. Hindi ko agad ito nakita dahil nasa hulihan ako. Syet! Nalate kami.
"Guys. Why are you late? Anong ginawa nyo?" Tanong ni Sir.
"Kasi po yung kaibigan namin, habang may tumatakbong isang guy, bigla sya nabangga. Tapos po napaupo sya sa sahig. Tapos yun masakit daw po yung pwet nya dahil sa pagbagsak nya daw". Kwento nang isa kong friend.
Nakita ko si Sir na parang natatawa sa kalagayan ko. Narinig ko din na tumawa yung iba kong classmates.
Pinapasok na kami ni Sir sa classroom. Pagpasok namin sa classroom, nakita ko yung nakabangga sakin na tawang tawa. Buti nalang at bakante yung upuan sa tabi nya. So doon ako umupo.