Kabanata 3: Tiis

32 3 0
                                    

Rex's POV

Ano banaman yan gigising na nga lang ako may masama pa akong natanggap na masamang balita galing kay Mommy.

Uuwi na daw si Kuya Paul bukas. Uuwi nanaman yung lalaking lagi akong inaaway. Uuwi nanaman yung lalaking lagi akong inaasar. Uuwi nanaman yung kuya kong sadist. Uuwi nanaman yung lalaking lagiing mag rules and punishment. Hay nako.

Naalala ko tuloy nung bata pa ako.

Sabi nya kasi nung pauwi kami galing tindahan

Tumawid daw ako kapag may dumaan na sasakyan kasi mas safe daw yun.

Eh ako naman tong si tanga. Sumunid naman ako.

Yun paguwi ko sa bahay puro gasgas na yung mukha at katawan ko. Bwisit.

Makapunta na nga sa school.

Nang makarating na ako sa school. Pumunta muna ako sa canteen. Bumili ako ng isang box ng curly tops, yung tig 20 pieces. Then umupo ako sa isang bakanteng upuan sa canteen. Nakita ko si Matt kasama yung mga friends nya. Nginitian ko sya pero inerapan nya lang ako. Gusto ko syang lapitan pero hindi ko mgawa. So, Tinry kong tawagin yung name nya pero hindi sya lumilingon. Sinitsitan ko uli sya pero yung isa nyang kaibigan yung lumingon. Hindi ko na napigilan, nilapitan ko na sya at kinulbit. Pero iniwasan nya ako. Nauna syang umalis at naiwan yung mga kaibigan nya sa canteen.

Hindi ko na sya sinundan, baka ma suntok pa ako nun.

Umupo nalang ulit ako at nakinig sa iPod Touch ko, yung blue yung 5th generation.

Buti nalang dumating si George. Yung pinaka best friend ko sa barkada. Sya kasi yung nagbibigay ng payo sakin kapag may problema ako at ako din yhng nagbibigay sakanya ng payo kapag may problem sya.

Nakita nya ako na parang may problema ng hindi magnda.

Nilapitan nya ako at tinanong kung okay lang daw ba ako.

Oo okay lang ako sa lagay na nasasaktan din ang damdamin ko. Ang dami ko na kasing problema. Nung una. Uuwi si Kuya Paul. Ngayon naman si Matt. Ano mamaya?

Pumunta na kami sa classroom at nung papasok na ako. Bigla syang lumabas kaya nagkabanggaan kami. Nag sorry ako pero ang ginawa nya sakin ay binosesan ako ng malakas. Napahiya ako dahil ang daming nakarinig na tao.

Mag to-2 months nya na akong hindi pinapansin at lagi nya akong kinakawawa.

Nagiba na din pala kami ng seating arrangments dahil every month nagpapalit kami ng seating arrangment.

Umupo na ako sa upuan ko. At umupo nalang. Umidlip muna ako dahil ang tagal pa pala ng time. 7:30 kami mag sastart at 6:30 palang.

Nung natutulog ako parang may kumikiliti sa aking batok. Nung una, hindi ko ito pinansin. Pero nung may nararamdaman na akong may humihipan ng batok ko. Doon na ako nagising. Napasigaw dahil doon. Hindi ko napansin na nandoon na pala si Sir at hinihintay nalang akong gumising. Nabigla ko din yung ulo ko nun kaya nagkauntugan kami ng humihipan sakin. Niloko pa nila ako na nag quiz na daw sila about sa El Filibusterismo. Kinabahan ako at kumuha agad akong papel at lumapit kay Sir. Nung nakalapit na ako kay Sir. Binulong nya sakin na joke lang daw pala yun. Edi nadissapoint ako. Bumalik na ako sa upuan ko at napatingin ako kay Matt. Nakatingin pala sya sakin. Nakatingin sya sakin na nakangiti. Nakangiti sya sakin na parang nanguurat. Inuurat nya ako dahil galit sya sakin. So nag start na kami ng discussion. Natapos din ang discussion at nag break na. 15 minuate lang naman yung unang break time.

Pumunta ako sa CR at pumasok sa isang cubicle. Tinanong ko ang sarili kung bakit ako nagkakaganito? Parang naluluka na ako. Para akong nawawala sa sarili. Hindi ko na napigilang umiyak.

Biglang may narinig akong pumasok sa CR at narinig ko din na sinara nya ang pinto at nilock ito.

"Okay ka lang ba?"

Yan yung narinig ko sa loob ng CR. Tinanong ko sya kung sino sya. Sabihin nya sya daw si Kuya Janitor.

Lumabas ako dahil akala ko nga nasi Kuya Janitor sya.

Yun pala si Matt yung lalaking nag panggap na sya si Kuya Janitor.

Nagulat ako kasi akala ko sya si Kuya Janitor. Naglakad nalang ako papuntang pintuan ng CR pero hinawakan nya yung kamay ko at hinila papunta sa kanya. Niyakap nya ako. Nagpupumiglas ako dahil gusto ko nang umalis pero hindi ako makaalis dahil mahigpit ang yakap nya sakin. Yung yakap na parang ngayon lang ulit kayo nagkita.

Tinigilan ko na ang pagpuumuglas dahil nanghihina na ako. Yumuko nalang ako sa balikat nya at hinayaan sya.

Matt's POV

Ang hirap palang tiisin yung mga naging mga kaibigan mo noong First Day. Ang hirap pala nilang kalimutan.

Ang hirap

Ang hirap

Ang hirap

Naaawa na ako kay Rex. Sya kasi yung unang una kong friend ngayong S.Y. Hindi ko na kasi sya pinapansin for 2 months. Lagi ko na syang naaaway at nabobosesan. Gusto ko na syang pansinin pero nahihiya na ako ngayon.

Pumunta ako sa school ng bandang 5:30. Hindi ko alam kung bakit ang aga kong gumising. Hindi naman ako nag alarm.

Nung makarating na ako sa school. Dumiretso agad ako sa cr dahil ihing ihi na ako. Then pumunta ba ako sa classroom para ilagay yung bag at yayain yung mga kaibigan ko na pumunta sa canteen.

Bago kami pumunta sa canteen. Sinabi ko muna sa friends ko na wag munang pansinin si Rex. Nung nakarating na kami sa canteen, nakita ko si Rex na kumakaway sakin. Hindi ko ito pinansin. Tapos sinitsitan nya ako pero hindi ko sya nilingon. Nakakainis nga yung isa kong kaibigan dahil nilingon nya si Rex pero okay lang naman. Baka kasi feeling nya sya yung sinositsitan. Eh makulit si Rex. Nilapitan na nya ako at kinulbit. Pero hindi ko padin sya pinansin. Nilayasan ko sya at yung mga kaibigan ko. At bumalik na ulit ako sa classroom.

Hindi ko na talaga sya makausap dahil nahihiya na ako.

Alam ko naman na mabait sya eh. Alam ko din naman na friendly sya. Alm ko din naman na matalino, masipag, at masiyahin.

Palabas ako ng classroom ng biglang nagkabanggan kami. Nasigawan ko tuloy sya dahil nagulat ako.

Pumasok sya agad kaya hindi na ako nakapag sorry.

Then nagbell na. Pumasok na si Sir. Pero bigla silang tumawa. Hindi ko na ito pinansin. Tapos nung narinig ko na nag quiz na kami sa El Fili. bigla akong napalingon kay Rex. Tinignan ko din sya nung lumapit sya kay Sir. Then may binulong si Sir kay Rex, baka sinabi ni Sir na pumunta sya sa office nya. Then bumalik na si Rex sa kanyang inuupuan. Nung nakaupo na sya, nakatingin parin ako sa kanya. Tumingin din sya sakin at nginitian ko naman sya.

Nung nagbreak time na, nakita ko si Rexna papuntang CR. Sinundan ko na sya. Pumasok ako at nilock ko yung pinto. Tinanong ko sya kung ok lang sya. Akala nya ako si Kuya Janitor.

Nung lumabas sya sa cubicle kung nasaan sya. Nakita ko yung mukha nya na nagulat at agad itong pumunta sa pintuan ng CR. Pero pinigilan ko sya. Hinawakan ko yung kamay nya at hinila papunta sakin. Nung nahila ko sya, niyakap ko agad sya. Hinigpitan ko pa ang yakap ko hanggang sa manghina sya.

Tapos narinig ko yung bell. Tinanggal ko yung pagkakayakap sa kanya para umalis. Pero naramdaman ko sya na hindi naglalakad. Pagtingin ko sakanya. Nakahiga na sya sa sahig. Nagulat ako dahil wala na syang malay. Dinala ko sya sa clinic. Tinanong ko yung Nurse kung anong kalagayan nya. Nahimatay lang daw sya at gigising din sya maya maya. Iniwanan ko na sya.

RxMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon