Minsan may mga pagkakataon na akala mo okay pa ang isang bagay, pero yun pala hindi na, Yung akala mo na mahal niyo pa ang isa't isa pero ikaw nalang pala ang nagmamahal,lalo na you don't even know kung ano ang naging dahilan ng lahat. Masakit isipin dahil yung taong minahal mo ng sobra na halos ibigay mo ang lahat sa kanya ay iniwan ka pa rin without hesitation. And all you have to do is to accept the fact na yung bagay na akala mo na okay pa at meron pa is within a short period of time is unti unti na palang nawawala.
May mga bagay tayo na gustong ilaban pa pero paano kung ikaw nalang pala yung lumalaban? At ang masakit nun, yung pilit mo pang nilalaban ang lahat, pero noon pa pala ay sinukuan ka na nang wala kang kamalay malay.
I don't know why things happen to me like this, ang dami daming nang nagyayari sa buhay ko na hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sa mundo, I remembered what I've just posted on Facebook saying this "May 3 ang exam ko, Room No. 33 ako, bakit ang significant ng 3?" I started to hate every 3rd day of the month kasi this is the day when my mom left us at ilang buwan akong nagluksa, ilang buwan na gabi gabi akong umiiyak and now why is it that some of the hardest things on my life happens every 3rd day of the month.. Nagkataon lang ba ang lahat? o sadyang kaloob ng Diyos na mangyari sa akin ito. And I'm still searching for an answer kung bakit ganito. And why all of the people whom I used to loved left me.. at ngayon isang bagay na naman ang nangyari nang hindi ko inaasahan at hindi ko na naman naihanda ang sarili ko..
Flashback
May 3, 2015
After my exam sa Civil service nagpunta ako sa aming PYM Meeting para sa mga upcoming activities and I was about to have a deep conversation with my kuya dahil sa mga unexplainable things na nangyayari this past few days with me and boyfriend..
"Kuya Liam, if magkalayo ba kayo, tapos hindi kayo masyadong nagkakaroon na communication possible po bang magfade yung pagmamahal?" –
"Depende yun Marian, kung may malaking dahilan para mawala yung pagmamahal, pero kung wala naman syempre hindi mawawala yun lalo na kung tlgang mahal ka niya".. – Kuya Liam
Ito na siguro yung conversation na kinatatakutan ko, bagay na iniiwasan ko na itanong sa mga malalapit sa akin dahil takot ako sa mga possibilities na pwedeng isagot nila sa akin. Pero siguro dahil na din sa tiwala at pagmamahal ko, I kept what I really feel na okay talaga ang lahat. Hinayaan ko nalang yung sinabi ni kuya Liam sa akin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Ang dami nang what ifs ang naiisip ko, na baka sadyang busy lang siya dahil sa training niya para sa deployment niya kaya madalang siya makapagtext, o tumawag. Na baka wala siyang load kaya ganun. Sandamakmak na baka ganito, baka ganyan.. pero I'm still hoping na matapos lang ang week na ito magiging okay na uli ang lahat. Masyado na ba akong optimistic? Turo niya kasi sakin yun, ang maging positive lang lagi sa mga bagay bagay para hindi kami mahirapan sa relasyon namin dahil nga magkalayo kami.
After that conversation, bumalik na kami nang simbahan para magpahinga and syempre kain na din ng mangga. And I was about to call him, siguro nakailang tawag na din ako sa kanya sa mga oras na yun and hindi niya agad yun nasasagot.. I was wondering kung bakit, samantalang it was Sunday at day off niya yun, but still ito na naman ako sa what ifs ko na baka tulog siya o madaming ginagawa. Hays. Mayaman na ako siguro kung bawat what ifs ko ay katumbas nun ay tig 1000 pesos. Pero kahit ganun man I try my best to call him again and again na kahit mga kasama ko sa simbahan ay nagtataka kung bakit ganun na hindi niya sinasagot mga tawag ko not only that day but also during those previous days pa.
"Pang ilang tawag mo na yan sakanya? Tanong ni Ley.
"hm. 5 to 6 times na ata" sagot ko sa kanya..
BINABASA MO ANG
Started @ 9 Ends with 3
Non-FictionEveryone wishes to have a happily ever after, yung tipong the last person na mamahalin mo ay masasabi mo na siya na yung the one for you at siya na yung makakasama mo for the rest of your life. But what if that person is the man you've ever dreamed...