Chapter 3 - The Little Bride for the Wedding

4.9K 78 61
                                    

JIMMY

One Saturday afternoon, umalis sina Tita Mildred kaya inihabilin sa akin si Joni. Since tapos na ang practice namin, pumayag na akong maging babysitter niya. Hinayaan ko na lang siyang manood ng Teletubbies sa living room habang gumagawa naman ako ng assignments ko.

Aliw na aliw siya kay Twinky Winky, Dipsy, Lala at Po. Sumasabay pa siya sa kanilang pagkanta. Kahit ako nga, napapakanta rin.

Ay! Ano ba iyan? Nababawasan na yata ang pagka-macho ko kapag kasama ko si Joni!

Nang tumunog ang doorbell, dali-dali ko itong binuksan at nakita ko ang pinsan kong si Ate Liza.

“Hi Jimmy! Where’s Tita Wella?”, tanong niya sabay halik sa pisngi ko.

“Hi Ate Liz! Wala siya eh, nasa Manila kasama ni Dad, bumibili ng raw materials para sa business namin. Pasok ka ate! Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?”, pag-uusisa ko naman sa kanya.

“I’m getting married this August at itatanong ko lang sa kanya kung pwede siyang maging ninang ko at ikaw na maging abay sa kasal ko.”, sabi niya sa akin nang makapasok na siya sa loob ng bahay.

"WOW! Congatulations Ate Liz! Sa wakas nakabulag ka rin! Hahaha!", biro ko sa kanya. Isa siya sa pinakamalapit kong pinsan kaya nabibiro ko siya ng ganyan.

"Ang sama mo alam mo ba iyon?", reklamo niya sabay hampas sa braso ko.

"Aray naman Ate Liz! Amasona ka nga talaga! Kawawa naman ang magiging asawa mo.", biro ko ulit sa kanya.

"Baliw! Tama na nga iyan! Kailangan ko na kasi ang confirmation niya ASAP dahil marami pa akong gagawin."

“Ah, ganon ba? Okay lang sa akin na maging abay kahit bata pa ako basta para sa iyo. Malakas ka sa akin eh!”, biro ko sa kanya sabay akbay habang naglalakad kami papasok.

“Ganon? Ay! Sino naman ang napaka-cute na batang ito? Ampon ninyo?”, manghang tanong niya sa akin habang nakatingin siya kay Joni. Nakarating na kami sa sala at nakita nga si Joni na nakadapa sa carpet sa may harap ng TV.

“Ah, siya ba? Si Joni iyan, kapitbahay ko. Ako ang babysitter niya for today.”, paliwanag ko sa presensiya ni Joni dito sa bahay namin.

“Ah, ganon ba? Nakakatuwa naman siya, napaka-cuuuuuuuute!”, tuwang-tuwa niyang sabi.

“Joni, come here for a while. I want you to meet somebody!”, tawag ko sa kanya.

“Okay Kuya Jimmy! I’ll be there in a jiffy!”, sagot naman niya.

“WOW! Spokening-dollar ah! Foreigner ba siya? Ilang taon na siya?”, humahangang tanong niya.

“Aba ate! Porke ba nakakapagsalita na ng English eh foreigner na agad? Agad-agad? Hindi pa pwedeng well-taught lang siya at sadyang matalino lang? Five lang iyan ate, daig ka noh?”, sabi ko sa kanya at bago pa siya nakasagot ay lumapit na si Joni sa amin.

“Hi baby! I want you to meet my cousin, Ate Liza. Baby, introduce yourself.”, utos ko sa kanya.

“Hello Ate Liza! Nice to meet you! I’m Joni Aleyna Francine Rodriguez! You can call me Joni for short. I’m five years old. I want to be a supermodel when I grow up! BOW!”, pagpapakilala niya sa sarili sabay bow na tulad ng isang prinsesa.

“Wow! How cuuuuute! Nakakatuwa! Can I hug you baby?”, tanong niya.

“Yes, you can!”, bibong sagot niya. Day after day, nababawasan na rin ang kanyang pagiging mahiyain.

Tuwang-tuwa namang niyakap ni Ate Liza si Joni. Pinanggigilan pa ang pisngi at hinalik-halikan.

“Aba! Tama na ate baka naman malamog mo na iyang bata!” saway ko sa kanya.

Will You Marry Me... Kuya?? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon